Special Chapter#4

329 6 0
                                    

[ Sorry po for suuuupeeer LATE UD. Medyo busy lang. Babawi talaga ako. Ngayon pang Christmas break na namin. ^___^ ]

This is for you Sis! Pagaling ka kaagad! Para makauwi na kayo dito ni Mama. Bogoshipo! Saranghae! :*

***

Steven's POV

Pagkatapos ng karera ay nauna na akong  umuwi. Pero hindi talaga uuwi ang isang gwapong tulad ko. Magde-date pa ako. Hehe. Kanina pa dapat kami magde-date pero bilang isang gwapong kaibigan ni Rafael ay sumuporta ako sakaniya. Haha. Kailangan kasi ni Rafael ng suporta mula sa kaniyang napakagwapong kaibigan na nagngangalang Steven Brent Smith. *smirk*  At dahil nga napakagwapo ko, hindi na ako umayaw pa.

Kasalukuyang nagmamaneho ako ng gwapong-gwapo kong sasakyan na san pa ba magmamana edi sa gwapong may-ari. Ang isang gwapo ay dapat may gwapong sasakyan din. Hahaha. ANYWAYS, I'm on my way to my girlfriend's boarding house. Uuy! Wag kayo! Minsan lang lumabas English ko! Kaya palakpakan ang gwapo! ^o^

*Screeeeech*

Nakarating na ako sa boarding house ng aking minamahal. Susunduin ko kasi siya. Magmo-movie date kami. Pero wait a minute kapeng mainit! Bakit patay na ang mga ilaw nila? =3=

Sinusubukan ko siyang tawagan pero hindi niya ito sinasagot. Aish. Kaya lumapit ako palapit sa pinto ng kanilang boarding house at kumatok.

*knock.knock*

*knock.knock*

*knock.knock*

Nakakailang katok na ako pero wala ding sumasagot. Kaya diretso kong binuksan ang pinto. Saktong pagbukas ko ng pinto ay bumukas ang ilaw at tumumbad sa akin ang isang napakalaking banner. Na may nakalagay na:

"Happy 100 Days of Love! I love you Steven my labs!"

Holy! @#$%& ! Bakit nakalimutan ko yun?! Ngayon pala ang ika-100 na araw namin bilang mag-ON. Aish! Ganun na ba ako ka walang kwentang boyfriend?!

"My laaaabs! Happy monthsary!" Masayang sigaw ni Kim saka yumakap sakin ng mahigpit.

"Happy monthsary din love." Nakangiti kong sagot.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya.

Tinatanong pa ba yan. Syempre OO!

Nag nod na lang ako bilang sagot. Hinatak niya ako papunta sa mesa at pinaghanda ng pagkain. Andito din ang nga kasama niya sa boarding house. Medyo nakakahiya dahil ang babae pa ang gumawa ng surprise. Pero just wait Kim my love hindi lang ikaw ang may sorpresa. ^___^

Kim's POV

Akala ko pa naman may sorpresa siya. Nagi-imagine pa naman ako na may dala-dala siyang human sized na Hello Kitty at merong isang box ng chocolates pero wala! WALA! Huhuhu. T___T

Ay ! Ako nga po pala si Kim Jewel Villafranca. Ang ever loving girlfriend ni Steven. ^___^

Pinapanood kong kumakain ang aking napakagwapong boyfriend. Masaya ako dahil nagustuhan niya ang luto ko. Actually simple lang naman ang niluto ko eh. Hehe. Carbonara lang naman. ^___^V

"My labs. Magde-date pa ba tayo?" Tanong ko.

"Yup! Kaya magbihis ka na. Dahil aalis na tayo." Nakangiti niyang sagot.

At dahil excited ako, agad akong tumakbo papunta sa aking kwarto at nagbihis. Simpleng black dress lang ang napili kong suotin. Bumalik na ako sa dining area, pero wala na doon si Steven. Asan na kaya yun? At asan na ang mga ka boardmate ko? -___-

"My labs? Yohoo!" Sigaw ko.

Pumunta ako sa kusina baka sakaling andun sila. Pero wala eh! Wala din sa sala! Kaya lumabas ako.

Nagulat ako dahil may mga taong nakatalikod. Waaah! Baka kidnaper to! O di kaya Akyat Bahay Gang. Isa-isa silang humarap sa akin. Hooh! Mga ka boardmate ko lang pala. Pero may hawak-hawak silang placard. Na nagform ng--

Happy Monthsary Love! I love you!

Aaaw. Akala ko pa naman wala talaga siyang surprise. Pero asan siya.

"I'm here love."

Nagulat ako dahil may biglang nagsalita sa likod ko. Kaya hinarap ko si my labs.

"Kyaaaaah~!" Sigaw ko.

Pano ba naman may hawak-hawak siyang napakalaking Hello Kitty! Yeheey! ^___^

Agad kong niyakap si my labs. Pagkatapos ng aming yakapan ay hinalikan niya ako sa aking noo.

"Look up love." Nakangiti niyang sabi.

Kaya tumingin naman ako sa langit. Waah~! Ang ganda ng mga stars.

*booom*
*booom*

"WOW! WOW! FIREEEEWORKS! KYAAH! WOW! ANG GANDA!" masaya kong sigaw.

Grabeee! Ang ganda talaga ng fireworks.

Steven's POV

Haaay. Ang ganda talaga ng LOVE ko. Kitang-kita sa kaniyang mata ang saya. Mabuti na lang talaga agad kong na contact ang kakilala kong gumagawa ng fireworks. At ang placard naman, actually na gawa na talaga yun kaso nga lang ang akala ko bukas pa monthsary namin eh. Hehe. At noon ko pa din nabili ang higanteng pusa. Haha.

Napatingin siya sa akin at ngumiti. Anubey! Wag kang ngumiti! Kinikilig ako. ^__^

"Thank you my labs!" Nakangiti niyang sabi.

At bigla siyang lumapit sa mukha ko at hinalikan ako sa pisngi. Hinawakan ko ang mukha niya at unti-unting dinampi ang aking labi sa kaniyang malalambot na labi.

"I love you." Nakangiti kong sabi pagkatapos maghiwalay ang aming mga labi.

"I love you too." Sagot niya.

Pagkatapos ay umalis na kami para makapag movie date.

I love you forever and always Kim my love. ♥♥♥♥♥

#100DaysWithHer ♡♥

The Gangster Love StoryWhere stories live. Discover now