The Reunion Part 2

458 8 0
                                    

Third Person's POV

Time Check: 1:30 PM

Matapos ang mahabang biyahe ay sa wakas nakadating na din sila sa kanilang paroroonan.

Nang huminto ang sasakyan nina Stephen ay agad na lumabas ang dalawang baliw na sabik na sabik na makalangoy sa asul na asul na dagat.

"Waaah~! Tan skin here I come!"  Masayang sigaw ni Belle.

"Gaga! Tan ka naman talaga eh!"  Saad ni Lyza saka binatukan si Belle.

Nag-pout naman si Belle dahil totoo naman ang sinabi ni Lyza TAN na talaga siya.

"WOW! Ang ganda dito!"  Agad na sigaw ni Daniela ng makababa siya sa sasakyan.

"Mas maganda ka diyan baby."  Saad ni Ian saka inakbayan ang kaniyang kasintahan.

Namula naman si Daniela sa sinabi ni Ian.

"Babe! Picture tayo dali! Pang Instagram!"  Masiglang sambit ni Rico.

"Wait lang honeypie."  Sabi ni Jusyl habang inaayos ang kaniyang buhok.

Nakailang shots naman sila na may iba-ibang pose at ang background ay ang magandang baybayin. At gaya nga ng sabi ni Rico pinost niya ito sa kanyang IG.

"Hubby~! Lagyan mo nga ako ng sunblock sa likod please."  Nakapout sabi ni Karen.

"Haay naku Wifey. Takot ka talagang umitim ano? Wag kang mag-alala Wifey kahit kasing itim muna si Kkamjong mamahalin parin kita."  Wika ni Kyle saka nag-wink sa kaniyang girlfriend at nilagyan ng sunblock ang likod nito.

Napangiti naman si Karen sa sinabi ng kaniyang Hubby.

"Whoah! My labs! Ang ganda ng dagat! Teka magandang lugar to para makapag vocalization."  Nakangiti at manghang sabi ni Kim.

"Sige love. Magkasama tayong magvo-vocalization sa gitna ng dagat."  Sagot naman ni Steven.

Pareho kasi silang singer. Minsan nga magkasama silang kumakanta sa mga bars. Naks naman. ≧﹏≦

Yung iba naman na walang LOVELIFE gaya ni Ms. Author ay naghahabulan sa naglalaro sa puting buhangin ng beach.

"My labs. Gising na. Andito na tayo."  Mahinang sabi ni Jiro habang niyuyugyug ang balikat ni Via.

Unti-unti namang minulat ni Via ang kaniyang mata. Nang tuluyan na niyang maimulat ang kaniyang mata ay agad siyang sumilip sa bintana ng sasakyan.

Kitang-kita mula doon ang mala-Boracay na buhangin at bughaw na dagat.

Nagulat naman si Via ng makita na wala na si Darryl sa sasakyan at ganun na din si Jiro.

Muntik ng mahulog si Via dahil biglang bumukas ang pinto ng sasakyan yun pala ay pinagbuksan siya ni Jiro ng pinto. Mabuti na lang agad na nasalo ni Jiro si Via.

"Oops sorry my labs."  Agad na sabi ni Jiro saka inalalayan ang dalaga sa pagtayo.

"No probs."  Nakangiting sabi ni Via.

Magkasabay silang naglakad papunta sa kanilang mga kasamahan.

Agad silang dinala ni Ian sa kanilang resort. Limang room ang kinuha nila. Sina Via,Lyza at Belle ay magkakasama sa iisang kwarto. Sina Kim,Daniela,Karen at Jusyl naman ang magkakasama sa kwarto. Sina Kyle,Rico,Reynold,Justin at Steven sa ikatlong kwarto. Sina Kris,Louie,Stephen,Dave at Rafael sa ikaapat na kwarto. And lastly sina Jiro,Darryl,Jerson,Jason and Ian sa ikalimang kwarto.

The Gangster Love StoryWhere stories live. Discover now