Chapter 3

27 9 0
                                    

"Ate!" napapitlag naman ako sa biglaang sigaw ni Hera. Napatingin ako sa kanya at natagpuan ang mga mata niyang seryosong nakatingin sa akin.

"Kanina pa po kita tinatawag pero parang wala ka pong naririnig."

Tinatawag?! Masyado na ba akong nalunod sa mga tingin ng lalaking 'yon na hindi ko na narinig na may tumatawag pala sa akin o masyado lang talagang malakas ang pintig ng puso ko kaya wala akong ibang marinig kundi ito lamang.

"Pasensya na may iniisip lang," pagpapalusot ko. "Bakit mo nga pala ako tinatawag? May kailangan ka ba?" nakangiti kong tanong sa kanya.

Hindi na muli ako lumingon sa kinaroroonan ng lalaki dahil baka magwala na naman ang kalmado ko nang puso.

"Tinatanong ko lang po kung anong kurso niyo po," nakanguso nitong sagot.

"Business Ad," sagot ko rito at bumalik ulit sa pagkain.

Hindi ko pa pala nababawasan ang pagkain ko. Huwag ka kasing kung saan-saan tumitingin lrish!

"Balak niyo pong mangasiwa ng business niyo?" tumango lang ako sa kanya.

Kahit ayaw ko ng business ay wala akong choice kung hindi pag-aralan ito dahil ako lang ang inaasahan nila daddy na mangangasiwa sa business namin kapag nag-retire siya, pumayag na lang ako dahil wala naman akong ibang gustong kurso. Mas gusto kong magliwaliw kaysa mag-aral, hindi ko naman kasi kailangang mag-trabaho dahil secure na ang future ko. Kayang-kaya na akong buhayin ng pera namin, hindi ko na kailangang magtrabaho pa para kumita dahil sobra-sobra na ang binibigay na allowance ni daddy sa akin.

Kung may kapatid lang sana ako na pwedeng mangasiwa sa business namin ay hindi ko na sana kailangang pag-aralan ito kaso wala, nag-iisa lang kasi akong anak.

"Gusto ni daddy na ako ang magpatakbo ng business namin kapag nag-retire siya." Tumango naman si Hera at humigop sa ice tea niya.

"How about what you want?" tanong nito. Ang dami namang tanong ng batang 'to!

"I don't have a choice," kibit balikat kong sagot.

"Mahirap pong gawin ang isang bagay na hindi niyo naman po talaga gusto."

Well, maybe she's right. But l don't have a choice l'm their only daughter so l need to operate the business because that's my responsibility as their only child.

Ngumiti lang ako sa kanya at hindi na sumagot pa. Nahagip naman ng mga mata ko ang grupo ng kalalakihan na pumasok kanina, ngayon ay nakaupo na sila sa lamesa sa bandang likod ni Hera kaya tanaw na tanaw ko sila mula rito sa kinauupuan ko. Nakaharap sa banda ko ang lalaking nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam kaya iniwas ko sa kanila ang tingin ko at nagpokus na lang sa pagkain ko para makaalis na kami rito.

"Pre, napakaruming maglaro no'ng nakalaban natin sa kabilang school kitang-kita ng dalawang mata ko na siniko niya si Ares pero hinayaan lang ng isang 'to," sabi ng kasama niya. Ayaw ko mang makinig sa pinag-uusapan nila ay rinig na rinig ko ito dahil sa lakas ng mga boses nila.

"Hayaan mo na, ang importante ay tayo pa rin ang nanalo," sagot naman ng isa pa.

"Nasa sa kanila naman na 'yon kung gusto nilang mandaya, ang importante ay hindi ako ang maruming maglaro." Nabitin sa ere ang kutsara ko pagkarinig ko sa malalim na boses no'ng lalaki, tila kabayo na nag-uunahan sa pagtibok ang puso ko.

Kumalma ka lrish! Hangga't maari ay pigilan mo ang nararamdaman mo! Hindi mo kilala ang lalaking 'yan! At nangako ka sa sarili mo na hinding-hindi ka mahuhulog sa probinsyano! Ayaw mo sa probinsyano, 'yan ang itatak mo sa isip at utak mo!

Mabilis kong tinapos ang pagkain at niyaya kaagad si Hera na umuwi, tumayo ako at kinuha ang camera ko na pinatong ko kanina sa mesa. Ngunit sa pagkuha ko ng camera ay hindi sinasadyang nasagi ko ang isang baso, nahulog ito at nabasag.

Change Of HeartWhere stories live. Discover now