Chapter 24

11 4 0
                                    

Nagising ako sa malakas na tunog na nanggagaling sa alarm clock ko. Nakapikit ko itong kinapa sa side table at pinatay. Inaantok pa ako ngunit pinilit ko ang sarili ko na bumangon. Alas sais pa lang ng umaga ngunit kailangan ko nang maghanda dahil susunduin ako ni Ares dito mamayang alas otso.

Pupungas-pungas akong pumunta ng banyo para maligo. Mabuti na lang at may hot shower dahil kung wala ay tiyak na manginginig ako sa lamig dito.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako ng shower room na nakatapis lang ng tuwalya at nag-sipilyo sa lababo na may salamin sa harapan. Pinaandar ko ang gripo para magmumog at hugasan ang ginamit kong sipilyo.

Nang matapos ako ay naghanap ako ng maisusuot sa closet ko. Sinuot ko ang itim na bikini na binili ko noon sa Manila na hindi ko pa nasusuot, pinatungan ko ito ng puting high waist short at itim na v-neck fitted t-shirt. Nagsuot din ako ng cardigan na hanggang binti ko ang haba.

Naglagay ako ng itim na short at kulay abong t-shirt sa bagpack na dadalhin ko. Dinala ko na rin ang camera ko dahil gagamitin ko ito mamaya. Nang maihanda ko na lahat ng dadalhin ko ay nag-ayos naman ako ng sarili. Naglagay lang ako ng pulbo sa mukha at liptint sa labi dahil maliligo lang naman kami. Hinayaan ko lang din na nakalugay ang basa kong buhok.

Saktong alas otso nang makababa ako. Narinig ko rin ang pagdating ng motor ni Ares. Hindi nagtagal ay nakita ko siyang pumasok ng bahay. Nakasuot siya ng simpleng puting t-shirt na tamang-tama lamang ang hapit sa katawan niya at stripe na board short.

"Good morning, are you ready?" tanong niya nang makita akong nakatayo sa sala.

"Oo, alis na tayo."

"Magpaalam muna tayo sa lola mo," aniya habang lumilinga-linga sa paligid, hinahanap si lola.

"S-sige, nasa kusina siya." Naglakad naman siya papasok ng kusina habang ako naman ay nakasunod sa kanya.

Nang makita namin si lola ay nagpaalam kami rito. "Lola, aalis na po kami. Sa bahay na po kami mag-aalmusal." Tumango naman si lola kay Ares.

"Mag-iingat kayo."

"Opo," sagot ko bago umalis sa kusina at lumabas na ng bahay.

"Nagdala ka ba ng extra t-shirt?" tanong niya nang makalabas na kami ng bahay.

"Oo."

"Good," saad niya bago sumakay sa motor niya at pinaandar ito.

Nang makasakay ako ay pinaharurot na niya ang motor niya palayo ro'n. "Nasaan pala si Chin?" tanong ko. Hindi ko kasi nakita ang pusa niya kahapon.

"Iniwan ko siya sa vet no'ng isang araw."

"May sakit ba siya?" nagtataka kong tanong. Sa pagkakaalala ko kasi malakas naman ang pusa niya no'ng nakita ko ito sa hardin ni lola.

"Ayaw niyang kumain, pina-check ko lang. Okay naman na siya ngayon."

"Mahal na mahal mo talaga siya,"  sabi ko habang may matamis na ngiti sa labi ngunit agad rin itong nauwi sa mapait na ngiti nang maalala kong kanino galing ang pusa.

Hindi na muli ako umimik hanggang sa makarating kami sa mansyon nila. "Pagkatapos ba nating kumain pupunta na tayo sa falls?" tanong ko habang naglalakad kami papasok ng mansyon.

"May gagawin lang ako sandali sa hacienda. Pagkatapos no'n aalis na tayo." Tumango lang ako at hindi na sumagot dahil nakita ko si Manang lsabel na palapit sa amin.

"Magandang araw po, manang," bati ko sa kanya nang makalapit ito sa amin.

"Magandang araw rin sa 'yo lrish. Halina kayo at nakapaghanda na ako ng almusal niyo," aniya sabay giya sa amin papasok sa dining room nila. Nanuot kaagad sa pang-amoy ko ang mabangong amoy ng iba't-ibang pagkain na nakalatag sa lamesa.

Change Of HeartWhere stories live. Discover now