Ang Kargador Book 2 Part 7

8.9K 97 1
                                    

Ang Kargador Book 2 Part 7

By: Android 17

Di pa rin ako makapaniwala sa mga naganap nuong nasa hacienda kami ni Don Arellano. Sa totoo lang, para akong dinapuan ng hiya at asiwa kapag nakikita ko si Tiyo Roberto. Sanay na ako magpaubaya sa mga binabae pero ang isipin na kapwa lalaki at sarili ko pang kadugo ang nakasama ko sa malaswang kaganapan ay may dulot na di komportable na pakiramdam sa aming dalawa. Mainit sa katawan ngunit may dulot na hiya.

Makalipas ang isang linggo, naging normal na ang pakikisalamuha ko kay Tiyo. Kapag napag uusapan ay parehas na lamang kaming natatawa. Ganun nga talaga siguro kapag parehas na brusko na lalaki ay nakaka asiwa at nagkakailangan balikan ang ganung tagpo.

Ganun pa rin ang naging takbo ng oras ko sa pang araw araw. Gigising ng madaling araw, papasok sa pagkakargador sa palengke at dumidiretso kasama si Tiyo sa Hacienda para tapusin ang kota na limampung bahay ng mga manok panabong. Lumuwas si Don Arellano sa maynila para asikasuhin ang kanyang ibang negosyo. Mas mabuti na rin yun para iwas tukso.

" Garo, gusto mo bang tumoma mamyang paguwi ? Kasama natin ung mga kapwa ko mangingisda. Kaarawan ng kumpare ko " paanyaya ni Tiyo


Nagdalawang isip ako dahil may pasok pa kinabukasan.

" Huwag kang mag alala, maaga tayo matatapos, makakapasok ka pa " kanyang paninigurado

Sabagay, matagal na rin akong di nakakatikim ng alak. Di na rin masama pampaantok bago matulog. Tumango na lamang ako kay Tiyo Roberto tanda ng pagsang ayon.

Maaga namin tinapos ang trabaho sa hacienda para makapag inuman kaagad. Tutal, wala naman si Don Arellano, ipag papabukas na lamang namin yung ibang di natapos ngayong araw na to.

Alas sais na ng gabi ng makauwi kami sa bahay. Dito rin kasi sa likod bahay gaganapin yung inuman. Nagbuhos lang ako saglit para maalis ang amoy sa maghapon na trabaho at sumabay na kaming mag hapunan kasama ang mag anak

Ipinagluto rin kami ni Tiya Susan ng pulutan at inutusan ang mga bata na bumili ng alak sa kapitbahay. Inayos rin ni Tiyo ang lamesa at upuan sa likod bahay para sa inuman. Maya't maya pa ay dumating na ang mga kasamahan ni Tiyo sa pangingisda.

Ipinakilala niya sa akin ang kanyang mga kaibigan na sina Ka Juan, Boyet at Mang Lito. Si Ka Juan ay nasa edad singkwenta na rin. May payat na pangangatawan at maputing buhok. Si Mang Lito naman ay nasa edad kwarenta'y otso na. Kabaligtaran ang kanyang pisikal na anyo kay Ka Juan na bilugan at may malaking tiyan. Itim na buhok na halatang pina tina pa at si Boyet na ka edad ni Tiyo Roberto na nasa kwarenta'y singko din ang edad. May tamang pangangatawn ngunit may tindig. Siya ang kumpare ni Tiyo na nag diriwang ng kaarawan. Sa totoo lang, kinabukasan pa ang eksaktong kaarawan nito at ang tawag sa ganitong inuman ay salubong.

Nagsimula na ang ikot ng inuman. Si Tiyo Roberto ang nagsilbing tanggero. May pulutan na tokwa't baboy at piniritong isaw. Ang alak ay natural na gawa sa lambanog. Ito yung binili nila sa tindahan kanina.

" Aba, malakas pala uminom tong pamangkin mo Roberto ah " puna ni Ka Juan

Ngumiti lamang ako bilang tugon sa kanya. Kada lapag kasi ng baso sa aking harapan ay sige lang ako sa tungga. Para daw akong nagmamadali. Ang di nila alam ay medyo nasabik ako sa lasa ng alak. May kakaibang init na hagod ang taglay ng lambanog. Di matapang pero gumuguhit sa lalamunan

" Bakit ngayon ka lang Hijo nabisita rito? magtatagal ka ba dito kila Roberto ? " tanong ni Mang Lito

Napatingin ako sa gawi ni Tiyo. Di ko alam kung paano ko sasagutin ang kanyang tanong. May babalikan pa ba ako sa siyudad? Maantay kaya ako ni Mr Choi ? Ngayon lang gumuhit sa akin ang realidad na baka wala na nga talaga akong babalikan.

Ang Kargador Book 2Where stories live. Discover now