Ang Kargador Part 15

7.2K 70 1
                                    


Ang Kargador Book 2 Part 15

By: Android17

Hindi ko alam kung paano ako sasagot sa kanyang tanong. Katahimikan ang pumailanlang. Nakahiga pa rin si Paolo sa aking dibdib. Malalim ang kanyang buntong hiniga. Puno ng tensyon ang paligid. Isang matinding asiwa ang namagitan sa aming dalawa

'' Ayos ka lang dyan Garo ? '' kanyang saad

Di ako makaimik. Para akong naputulan ng dila. Paano ko sasagutin ang kanyang tanong kung hindi ako sigurado sa kung ano ang aking nadarama. Kita niya ang malalim kong pag iisip

'' Hoy tulala ka dyan, nag bibiro lang ako ano ! '' ang kanyang mahinang saad

Gusto ko man maniwala na biro lamang iyon pero ang kanyang mga kilos ay iba ang pahiwatig. Di ako sanay na makatanggap ng ganung pagtatapat. Lumuwag ang kanyang pagkakayakap sa akin at nagsimulang bumangon sa kanyang pagkakahiga. Kinuha ang kanyang suot na shorts at lumakad papalabas ng silid

'' Mag linis lang ako saglit ha ? ''

Naiwan akong nakatulala. Tinatanaw ang mabigat niyang lakad palabas ng silid. Sa di malamang kadahilanan ay para akong tinusok ng punyal. Ano itong pakiramdam na to ?

Kinuha ko ang basang tuwalya at ipinunas ito sa aking katawan. Ako na mismo ang tumapos sa aking paglilinis. Nagantay ako ng ilang minuto ngunit hindi na siya bumalik sa aking silid. Ewan.

Lumipas ang tatlong araw at medyo ok na ang aking pakiramdam. Nakakatayo na ako ng hindi nahihilo ngunit ang aking kaliwang dibdib papunta sa aking kaliwang kamay ay naka benda pa rin. Sariwa pa ang sugat.

Inaantay ko lamang maghilom ito bago ako makauwi. Ayoko magbukas ng anumang tanong ang aking mga kamag anak kung umuwi ako ng naka benda pa. Hangga't maari ay ayoko silang mag alala.

Bumangon ako ng mas maaga para makapagluto ng agahan. Dito ko napansin ang malaking espasyo na tinutuluyan ni Paolo. Isa itong uri ng bahay na bungalow na may dalawang kwarto. May maliit na espasyo sa kusina at sala.

Naghalungkat ako sa kanyang tukador at may nakita akong tuyo at itlog. May kaunting kanin pa naman kagabi. Gamit lamang ang isang kamay ay pinilit kong tapusin ang pagluluto.Di naman ako masyadong nahirapan dahil ang dominanteng kamay ko naman ang aking gamit. Ito na lamang ang tanging maitutulong ko sa kabila ng pag sagip niya sa aking buhay.

Inaayos ko ang lamesa, inilgay ang mga kubyertos at pinggan. Isinalansa ang sinangag na kanin, itlog at piniritong tuyo. Dahan dahan ako lumapit sa kabilang kwarto sa kung saan natutulog si Paolo. Isang mahinang pagkatok ang aking ginawad sa kanyang pinto

'' Paolo... Paolo.. Gising ka na ba ? '' ang aking mahinang pagtawag

Bumukas ang kanyang pinto at bumungad sa akin si Paolo na pupungas pungas pa ang mga mata. Kinukusot kusot ito hanggang sa makuha niya ang kanyang paningin

'' Pinaghanda kita ng agahan para makakain ka bago ka pumasok ''

Pagka angat ng kanyang ulo ay bumungad sa kanyang paningin ang hubo't hubad kong pangangatawan. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin akong suot na damit. Ayokong makialam ng kanyang gamit ng walang permiso

'' Aba, mukhang masarap nga yung agahan ko ah '' habang nakatitig siya sa aking dambuhalang kargada

Napatawa na lamang ako sa kanyang kalokohan. Alam ko naman na nagbibiro lamang ito. Kaya naman gumanti rin ako ng biro

'' Sus, baka mapasubo ka niyan '' sabay kindat

Pumailanlang ang tawanan naming dalawa sa loob ng bahay. Iginiya ko siya papunta sa lamesa at pinagsaluhan namin ng masarap ang agahan.

Ang Kargador Book 2Donde viven las historias. Descúbrelo ahora