Ang Kargador Book 2 Part 14
By: Android17
Wala akong makita kung hindi liwanag. Puti ang kapaligiran. Tanging anino lamang ang aking natatanaw. Nasa langit na ba ako ? Naguguluminahan ako sa mga nangyayari.
Ang tanging huling memorya ko ay tinamaan ako ng bala ng baril. Bumagsak sa kalsada ng hubo't hubad. Naliligo sa sarili kong dugo. Pilit kong kinukuha ang aking paningin. Nilinga ang kapaligiran.
Kapansin pansin ang tahimik na kapaligiran. Tanging puting dingding lamang ang aking nakikita. May isang tukador at isang kama. Paano ako napunta rito? Pilit akong tumayo sa aking kinahihigaan ngunit dama ko pa rin ang sakit ng aking katawan. Dito ko lamang napansin na nakabenda ang aking buong kaliwang dibdib hanggang sa aking braso.
'' Arghhhhhhhh '' impit kong hinaing sa sakit
Yung sakit ay halos gumagapang sa buo kong katawan. Kumikirot kirot. Dito ko lamang napansin na wala rin akong suot na kahit ano. Hubad baro pa rin pala ako. Napansin ko na medyo mamasa masa ang aking alaga ngunit pinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Kailangan ko ng makauwi.
Pilit kong hinahanap ang aking mga kasuotan ngunit wala rito ang aking mga damit.
Biglang bumukas ang pinto. Kita ko ang pamilyar na mukha na nasa aking harapan.
'' Gising ka na pala ? '' kanyang pagbati
Napansin niya na gumuhit sa aking mukha ang pagtataka. Punong puno ng katanungan. Natuyuan ang aking lalamunan. Nakaramdam ako ng matinding pagkauhaw.
Agad naman niya itong napansin. Lumakad siya malapit sa tukador at nagsalin ng tubig sa baso. Kinuha ko agad iyon at agad itong nilagok.
'' Dahan dahan, baka mabulunan ka '' kanyang namutawi
Nagsalin ulit siya ng tubig sa aking baso at agad kong tinungga iyon. Para akong nahayok sa tubig. Base sa aking pakiramdam ay parang ilang araw akong nakaratay sa higaan na ito. Tumingin akong muli sa kanya'' Ilang araw akong nakaratay rito? '' aking muling tanong
Lumapit siya papunta sa kama at umupo sa aking tabi. Hinawakan niya ang aking kamay bilang pagbibigay ng suporta.'' Walong araw kang walang malay '' kanyang panimula
Ipinaliwanag niya sa akin na nakita niya ako sa kalsada. Walang malay at naliligo sa sariling dugo. Tumawag siya ng kasamahan at inuwi ako sa kanila. Nagkataon lamang na di kalayuan ang kanyang bahay sa pinangyarihan.
Gusto man niya akong dalhin sa ospital ngunit wala ng oras. Tumawag siya ng manggagamot at tinanggal ang balang tumama sa aking dibdib. Mabuti na lamang ay hindi tinamaan ang aking puso, kung hindi baka sa morgue na ako inabutan.
Gumawa na lamang siya ng dahilan kay Tiyo Roberto para di mag alala ang aking mga kamag anak. Ayaw niya kasing manggaling sa kanya ang aking kinasapitan. Di raw sa kanya ang kwento. Ayaw niya akong pangunahan.
'' Ilang araw ka nilagnat at walang malay, mabuti na lamang ay nagising ka na '' kanyang pagpapatuloy
Bakas sa kanyang mukha ang pag aalala. Malaki ang utang na loob ko sa kanya, niligtas niya ako sa bingit ng kamatayan. Hinawakan ko ng madiin ang kanyang kamay
'' Salamat Paolo..... '' ang aking nasambit sa kasamahan sa trabaho
Naalala ko na siya ang kasamahan ni Manuel nung minsan ako ay nag bantay nung isang gabi sa tindahan ni Sir Mando. Isa siya sa mga lalaking binayaran ni Rosalinda, yung may ari ng parlo sa tapat ng tinadahan. Isa siya sa mga kasamahan ko sa pagkakargador.
ČTEŠ
Ang Kargador Book 2
RomanceNapilitan akong umalis ng Maynila dahil sa isang aksidente na maaring ikapahamak ng aking kalayaan at seguridad Kahit mahirap ay kailangan kong iwanan ang mga taong napalapit na sa akin. Sa liblib na Isla, na kung saan walang nakakakilala sa akin ay...