One

21 0 0
                                    

Hi I'm kyleigh short for kye I am a college student as of now.

Louie is my first ever boyfriend, I met him because both of us are athlete and both of us are going to play regional, hindi ko talaga siya kilala probably even though nasa iisang siyudad lang naman kami nakilala ko nalang siya nung malapit na ang regional.

So ganto yan kapag regional kasi probably hindi napipili yung city namin to be the event place madalas sa malalayong lugar yung place ng paglalaruan namin yung tipong 8hours ang byahe from your city to their city ganun. So nag kataon na baseball and table tennis ay mag kasama sa iisang room so since lalaki siya sa kabilang room siya ang kasama namin sa room ay yung mga team mates niyang babae. Nag kataon na laro na nila bukas kaya kailangan nilang mag training ngayon, napagutusan si louie na tawagin yung mga team mates nilang babae sa room namin.

Nang matapos yung training nila nag sibalikan na yung baseball girls sa room. Tapos bigla nalang nila akong inasar kasi iba daw yung tingin ni louie saakin, ngayon lang daw nilang nakitang tumingin ng ganun si louie sa mga babae. So since wala naman akong alam sa mga ganyan nung mga time na yun kasi nga focus lang sa sports ang ate mo girl, kaya hindi ko pinansin yung sinasabi nung mga team mates niya.

Kami naman yung may training and sila yung training nila sa field lang nung tinutuluyan namin, kami doon mismo sa venue para daw makita na namin yung venue. So ayun training training, after training bumalik na din agad doon sa tinutuluyan namin since start na talaga ng competition the next day. So pag kauwi namin sa tinutuluyan namin nag abot yung mga baseball girls ng chocolate tapos may sticky notes pang nakadikit na may naka sulat na accept mo naman ako ganun. So ako nakakunot na tumingin dun sa nag abot nung chocole. Pero hindi na siya naka lingon naka yuko nalang siya.

Hindi nalang muna ako nag tanong kasi parang ayaw nya din namang sabihin. So nilagay ko nalang sa bag yung chocolate since bawal na kami sa sweets kasi game na namin kinabukasan. And after that pinatawag kami kasi may meeting daw ang table tennis for tomorrow's game and after that pumunta na kami sa gym kasi dinner time na so halos lahat ng player ng city namin any kind of sports eh asa gym to get some food. Dahil nag meeting kami, kami na yung pinaka huling kukuha ng food pila yun, from elementary to high school edi nauna nga ang elementary nahuli kaming mga high school asa pinaka huling pila pa ako nun edi nasa akin na yung tira tira tapos naubusan na din ng saging which is okay lang naman saakin.

So umupo na kami doon sa mga upuan na vacant sa gym and katabi ulit namin yung baseball team. Nabigla nalang ako nung lumapit ulit yung girl na nagbigay nung chocolate na may notes, dala dala niya yung saging na may notes ulit, nakalagay naman doon, "banana for you para may protein ka. Tsaka pala balita ko laro nyo na bukas ha, galingan mo pag wala kang talo bukas mag papakilala na ako" ganun yung nakasulat so ako naman feel ko may lakas na ako kasi kabang kaba talaga ako so dahil gusto ko na talaga malaman kung sino siya kailangan kong hindi kabahan.

Ff~

So first day naka isang game lang ako kasi madami nga din namang players, so yung first game ko panalo naman medyo dikit nga lang pero atleast nanalo naman.

Nang pabalik na kami sa tinutuluyan namin saktong dinner so diretso na kaming kumuha ng pagkain bago maligo, nag mamadali na akong kumain dahil gustong gusto ko ng maligo, nang patayo na ako biglang lumapit ulit yung babae may dala namang gatorade ngayon as usual may notes ulit "kamusta laro kanina? Gatorade pampalakas mo bukas " after ko mabasa yun lumingon ako dun sa babae pero nakaupo na siya dun sa pwesto nila kanina.

So bumalik na ako sa room since wala pa naman mga baseball girls doon naligo na ako, naisip ko what if sulatan ko din kaya yung nagbibigay nang mga to. Edi nag isip ako kung ano ba pwedeng maibigay binuksan ko maleta ko saktong nalaglag yung biscuit kaya kinuha ko nalng yun at nanghingi ng sticky notes dun sa team mate ko.

"Okay lang naman. Nakaka isang game palang pero panalo naman. Sino kaba kasi talaga, at bakit patuloy kang nag bibigay nang kung ano ano at nang mga sulat?" saktong pumasok naman na yung mga baseball girls kaya inabot ko yung biscuit na may sulat kay alea, yung babaeng nag bibigay lagi ng kung ano ano. Kinuha nya naman agad nakangiti pa nga e alam nyo yung ngiting nang aasar.

"Wag kang ano diyan. Sinagot ko lang naman yung tanong niya." sabi ko at humiga na hindi ko alam kung ibinigay na ba niya or bukas nalang.

7am na tapos na din kaming maligo nag hihintay nalang nang masasakyan papunta playing venue, habang nag hihintay kami yung almusal namin pinalagay nalang namin sa baunan para doon nalang kainin at para maaga kami makarating doon sa venue. Nang andiyan na yung sasakyan namin bigla nanamang sumulpot si alea may dala na pamunas. Hinahanap ko yung sulat doon sa binigay niyang panyo wala naman nakadikit. Nang lingunin ko siya naka ngisi ang gaga.

"sulat hinahanap mo? Ito oh" sabay abot doon sa papel. Aba hindi din nauubusan nang ibibigay to kung sino man siya.

Nakasakay na kami sa jeep papunta na kaming playing venue tsaka ko binasa yung papel "wag kang mag papatuyo ng pawis. Anyway ako nga pala si L, yung apat na letra sakto yun hanggang championship nyo 5days diba? 1 letter every day sakto sa araw ng championship niyo malalaman mo na buong pangalan ko. Galingan mo lodicakes, fan na fan na fan mo ako;)

Here We Go AgainWhere stories live. Discover now