Three

6 0 0
                                    

Kinabukasan hinihintay ko si louie kasi ang sabi niya saakin sabay kaming mag almusal para raw ganahan kami pareho. Cringe di'ba? Pero yun talaga sabi niya. Ending hindi ko na siya nahintay dahil late na rin kami, babyahe pa kami papuntang playing venue.

Buong laro feel ko bothered ako, hindi ko alam kung dahil ba natalo ako or hindi niya ako sinipot nung umaga kaya nang pabalik na kami sa tinutuluyan namin sinadya kong dumaan doon sa room na tinutuluyan nila ngunit madilim. Siguro nga wala pa sila doon at baka nasa field pa, kaya dumiretso na ako doon sa room namin.

Pagpasok na pagpasok ko ng room nandoon naman na sila alea kaya nag tataka ako bakit sila louie wala pa. Sabay-sabay kasi sila lagi umuuwi since iisa lang naman coach nila. Kaya napatanong ako kay alea

"Aga niyo naman ata umuwi, 'di niyo kasabay mga boys e" sabi ko

"Ha? Wala bang sinabi sayo si louie? Pinauwi na sila nung madaling araw kasi hindi sila umabot sa championship. Wala na raw silang gagawin dito kaya pinauwi na sila" sabi ni alea


" 'Di nga? Wala siyang sinabi saakin, ang sabi lang naman niya sabay kaming mag almusal haha. So pinag hintay niya lang talaga ako? Paasa naman niyang kaibigan nyo" sambit ko


"Siguro naniwala ka sa mga sinabi nung mga team mates ko, na first time nilang nakita si louie na ganun tumingin sa babae? Babaero yun. Siguro isa ka rin sa pinag pustahan nila"


"Bakit hindi mo sinabi saakin na ganun pala?" Sabi ko

"Sasaktan nila ako kapag sinabi ko. Sorry kye" sabi ni alea



Ff~

Naging kaibigan ko yung isang kaibigan ni louie na lalaki, naging sobrang dikit kami nun. Inexplain niya rin saakin na babaero talaga si louie at totoo ang sinasabi ni alea na pinagpustahan nga lang nila ako


Itong tropa kasi ni louie na si Mark may girlfriend, sobrang tagal na sila. Kahit ako hindi maniwala nung una kasi isipin nyo babaero yung tropa niya pero siya napaka faithful at loyal kay Daisy.

Akala ko lang pala.

Dinala ni louie si mark sa isang bar at nag post pa ang gago na maraming babae sa table nila. Dalawang babae ang kandong ni louie samantalang si mark may kahalikan na babae. For sure nakita na 'to ni daisy kasi 1k shares na ito.

Nakita na niya nga dahil tumatawag na ito saakin. Pero hindi ko masagot ang tawag niya dahil nasa family reunion kami kaya agad akong nag text sakanya.

"Okay kalang ba? Nasaan ka puntahan kita" tanong ko agad sakanya. Nag text naman siya agad

"Nasa school, punta ka rito. Mag isa ko lang" kaya agad agad akong pumunta sa school since malapit lang naman ito sa bahay kaya madali lang rin akong nakarating. Pag pasok na pag pasok ko ng gate nakita ko si daisy naka upo mag isa sa stage. Kaya tinabihan ko siya agad at niyakap niya ako ng mahigpit

"Ang sakit kye, akala ko talaga ibang iba siya sa tropa niya. Hindi pala, pare pareho lang silang gago. Mga uhaw sa babae." Hinahaplos ko naman ang likod niya dahil puro nalang siya iyak "hindi ba ako sapat kye? Hindi ba ako marunong humalik tulad nung babaeng hinalikan niya? Sunod sunod na tanong saakin ni daisy.

"Kalma lang daisy. Sapat ka Ais okay? Sobra sobra pa. Hindi lang siya marunong makuntento." Pagpapakalma ko


"EH BAKIT MAY KAHALIKAN SIYANG IBANG BABAE KUNG SAPAT NA AKO!?!? DI BA AKO MARUNONG HUMALIK?" Pasigaw na sabi niya "HINDI BA? KYE HINDI BA?" Sabi nya at mas lalong lumakas ang iyak



"Ais 'yan ang hindi ko alam. Basta ang alam ko sapat ka-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang sinunggab ang labi ko at hinalik halikan ako


"Ngayon mo sabihin kye, hindi ba ako marunong humalik? Sabi niya, ngunit hindi ako nakasagot sa pagkagulat ko, ramdam kong namumutla ako sa nangyari.



"Daisy, alam kong nasasaktan ka sa ginawa ni mark. Pwede mo ako gawing panakip butas para kahit papaano mabawas ang sakit na dala dala mo. Kahit kailan or kahit hanggang sa maghilom ang sakit na nararamdaman mo, okay lang saakin na maging panakip butas mo. Para lang makabawi ako sa'yo sa ginawa ng kaibigan ko."

"Ayaw ko namang abusohin yung feelings mo. Alam kong nasaktan ako pero hindi tamang gamitin ka, alam kong magpahalaga ng nararamdaman. Salamat sa pag aalala."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Here We Go AgainWhere stories live. Discover now