Two

2 0 0
                                    

Second day na nang laro namin, iba yung pakiramdam ko feel ko kinakabahan ako na hindi ko alam, yung feel ko parang lalagnatin ako na ewan, hindi ko nalang pinansin baka iniisip ko lang yun kasi malakas yung kalaban ko as in malakas talaga siya, nag gold medalist siya sa tokyo.

So nang mag sstart na yung game putlang putla ako, kaya iniabot nila yung gatorade na asa bag ko, so ininom ko yun tsaka ko lang narealize na yung pala yung bigay ng baseball player, from putlang putla to pulang pula feel ko nga bablush ako naalala ko yung sulat nya.

Ff~
Set 5 na which is last set, all 2 kami sa set ineexpect ko na talaga dito na matatalo ako para bang tanggap ko na na talo ako sa game na to, okay na saaking matalo atleast dikit ako sakanya masyado.

Sobrang dikit na nang score namin 9 all na so 2 more score malalaman na kung sinong mananalo saamin, dahil intense yung laro pinahinto lahat ng naglalaro sa mga kabilang table edi halos lahat nanunuod saamin, napressure ako mga bading. Feel ko championship na to charot.

10-9 na ang score 10 siya 9 ako. Plan ko mag error nalang para panalo na siya kasi feel ko mapapahiya lang ako if pinalo nya ng malakas yung bola pero di ko na block. That's my plan... Pero nag time out yung coach ko.

"Alam ko iniisip mo. Wag mong gagawin, kaya mo naman siya, pinapangunahan mo lang. Bigyan mo lang ng bigyan ng short sa backhand niya dun sya mahina hindi mo napapansin. Enjoy lang kaya natin to. Fighting!!!"

So ako naganahan bigla kasi nga alam ko na yung weakness niya. 10-9 serve ko, last serve ko na if hindi to pumasok panalo na siya. Sinerve ko sa forehand niya hinampas nya lang buti nalang nablock ko, pag ka block ko inispin nya sumigaw yung coach ko "yung sinabi ko sayo gamitin mo na" biglang pumasok sa isip ko yung backhand short. Hindi nya nga natira edi all 10, paunahan ulit maka puntos ng dalawa.

Serve niya binigyan nya ako sa forehand ng short, binalik ko sa backhand nya short din nung tinira nya hindi pumasok sa net. Edi lamang na kami nun, isang puntos nalang panalo na kami. Nag time out yung coach ng kalaban dahil lamang na kami.


Pumunta ako sa coach ko akala ko may sasabihin siya pero wala naman kaya isa lang ibig sabihin nun dating gawi backhand short ganun. Biglang dumating mga baseball player akala mo kung mga cheerleader may dala dalang banner. Hindi ko alam kung bakit pero nag blush ako na ginanahan ganorn.

Serve ko match point. Biglang may sumigaw na lalaki doon sa gawi ng mga baseball player "whoooo go crushieeee kaya mo yan" e wala naman akong kilala sakanila kaya hindi ko alam kung sino yung sumigaw. Nang mag seserve na ako napansin kong lumapit yung kalaban sa may table, naka ready na yung backhand niya. So para matapos na yung laro naisipan kong ibigay sa forehand niya pero long. Tama nga ako hindi niya nakuha so panalo kami. Umiyak ako nang umiyak dahil hindi ko ineexpect. After that wala na akong laro since natalo ko yung number 1. Bukas ulit ibang team naman na.

Pagka balik namin sa tinutuluyan namin naligo ako agad dahil inaantok na ako, kaya hindi na ako nakapag dinner. The next morning pag gising ko may plate sa tabi ng kama. Tinignan ko kung saakin ba yung. Saakin nga may laman siyang pancake at banana. May nakita ulit akong notes.

"Almusal kana princesa ko. Galing mo kahapon.        Lodicakes ka talaga

-Lo"

Lo??? Sino naman si Lo? May team mate ba silang Lo ang name? Saktong dumating yung mga baseball girls nag almusal yata.

"May team mate kayong lalaki pangalan Lo?" tanong ko

"huh Lo?" napaisip si clea "wala naman, bakit?"

"May nag bigay ulit e may notes din, e iisa lang nag bibigay saakin yung team mate nyong hindi ko naman kilala" sabi ko

"ahhhhh Lo? Baka love naman ibig niyang sabihin? Naubusan lang ng tinta yung ballpen" sabi nung kasama ni clea sabay tumawa

Here We Go AgainWhere stories live. Discover now