CHAPTER ONE

14 11 2
                                    


Sera's P.O.V



I was grinning from ear to ear after I left the Canteen. Napatili ako ng maalala ang nangyari kanina, I kissed him! In the chick! At hindi sya nagalit, ackkkk!!


"Oh anong nangyari sa katawang lupa mo?", napatingin ako kay Ashlea ng magsalita ito at naupo sa tabi ko. Nandito na kami ngayon sa loob ng room namin at sayang nga lang dahil sa harap ako naka-upo, hindi kona tuloy katabi si bebe "Huy!!", sumimangot ako. Pasalamat ang babaeng toh dahil goodmood ako dahil kung hindi ay kanina ko pa to sinakal. Panira ng moment ko hah!


"Wala!", masungit kong saad pero tinaasan nya lang ako ng kilay. Aba! Mukha ba akong nagsisinungaling?


"Mga galawan mo teh! Halatang may nangyari sayong kanais-nais", tudyo nya kaya naman ngumiti ako


"Kahit kailan talaga eh ang galing mo manghula", puri ko rito. Nag-fliphair naman sya kaya mas lalo akong natawa


"Ash things tawag dyan teh", saad nya at napataas naman ako ng kilay. Anong trip netoh? "Pero ayoko ng puri ngayon, chismis ang gusto ko. Kaya ichika mo nayan", dagdag nya


I smirk and ask her to come closer. Agad naman syang sumunod at nilapit talaga ang tenga nya sakin "Kiss muna sa pwet", mahinang saad ko sa kanya at agad nya akong tiningnan ng masama. Napatawa naman ako.


"Huwag mokong kakausapin hah nandidilim mata ko sa mga taong lupang kagaya mo", saad nya saka bumalik na sa upuan nya. Natatawa ko naman syang pinanood na bumalik sa upuan nya at nakitang sinamaan pa nya ako ng tingin ng makaupo na sya. Tawa lang ako ng tawa ng mapansin kong parang may nakatingin sa akin kaya naman nilibot ko ang paningin ko sa loob ng classroom namin at nakitang nakatitig sa'kin si Han. Nagsigalawan naman ang mga bulate sa tyan ko. Kumaway ako sa kanya pero inirapan nya lang ako. Ayy, attitude na sya. Parang kanina lang nung hindi sya umangal nung halikan ko sya sa pisngi eh. Siguro kinilig lang yun hanggang ngayon kaya nagpapanggap na galit. Mga galawan mo bebe, alam na alam ko na.


"Good Morning, class", biglang bati sa amin ni Ma'am Rassel-teacher namin sa Filipino at advisory teacher narin. Agad namang nagsibalikan bigla ang mga kaklase ko sa kanya-kanya nilang upuan. Konti nalang talaga pagkakamalan ko nang may lahing kabute si ma'am, kung saan-saan sumusulpot eh.


"Good Morning, ma'am", bati namin pabalik. Nilapag na nya ang mga dala nyang libro sa maliit na lamesa sa harap namin. Kumuha ng chalk at nagsulat.


FOUNDATION DAY 

 07/29/2022


Foundation Day? Hala, malapit na pala. Sino kaya ang ilalaban namin sa pageant? Last year kase ay magkaklase rin kaming lahat at si Ashlea ang pambato namin pero sayang at first-runner up lang ang gaga.


"Since malapit na ang foundation day, gusto kong ngayon palang ay pumili na kayo ng pambato natin para sa gaganaping pageant. At dahil si Ashlea na ang naging pambato natin last year ay hindi na sya pwedeng sumali ulit", anunsyo ni ma'am kaya naman nagmistulang bee hive ang classroom namin dahil ang dami nilang nagbulungan.

MY BULLY CRUSHWhere stories live. Discover now