CHAPTER THREE

7 3 0
                                    




"Akala ko talaga kanina absent ka na eh", sambit sakin ni Ashlae. Nandito na kami sa room ngayon at afternoon classes na, may time pa naman pero dahil kumain kami ni Ashlae sa canteen ay nauna na kami dito.


"Duhh, aabsent paba ako kung nandito ang crush ko?", nakangisi kong saad sa kanya. Inirapan naman nya ako kaya inirapan ko din sya


"Pero infairness hah, napansin ko na kanina pa tingin ng tingin si Luke sa pwesto mo", tudyo nito sakin. Pabiro ko naman syang hinampas sa balikat.


"Ano ba! Alam mo namang pa-hard to get palang sya kaya ganun", kinikilig kong saad sa kanya. Kung totoo man ang sinabi nya, aba improvement yun!


"Ano yun? Kunware hindi ka gusto pero deep inside gusto ka na? HAHA hindi siguro sigurado sayo yun. Well, hindi ko sya masisisi", nakangisi nyang saad sakin. Napakunot noo naman ako tsaka kinurot sya, agad naman syang nagreklamo dahil dun


"Anong hindi mo sya masisisi hah? Bina-backstab mo naba ako nyan?", tinaasan ko sya ng kilay. Napatingin sya sa pintuan ng room namin kaya napatingin din ako at nakitang may dumating na kaklase namin at nakatingin sya kay Ashlae tsaka napatingin sakin na parang natatawa "Bakit?", tanong ko kay Carl-Vice President namin. Hindi na sya nagsalita pero tinuro nya ang pwesto ni Ashlae kaya naman napatingin ako doon at nahuli ko syang binebelatan ako at nakapikit pa ang mga mata nya. Napamaang ako saka sinenyasan si Carl na huwag maingay, tumango naman sya at pumunta na sa upuan nya. Itinaas ko naman ang kamay ko at pwinesto ito sa may noo nya para pitikin sya.


"Aray!!", angil nya habang hawak-hawak ang noo nito. Tumawa naman ako at maging si Carl na pinapanood lang kami ay napatawa narin. Sinamaan naman nya ako ng tingin.


"Huwag mo akong tingnan ng ganyan dahil nakita kitang binebelatan ako. Anong karapatan mong gawin sakin yun hah? Alipin lang kita kaya dapat marunong kang gumalang ng mas nakagaganda sayo", mahabang lintaya ko sabay flip hair. Napanganga naman sya at balak ng umangal kaso may bilang pumasok sa room namin at umepal.


"Sera, punta ka daw sa gym. May practice daw kayo para sa pageant", anunsyo sakin ni Justin, isa sa mga kaklase ko. Tumango naman ako at hinarap si Ashlae na masama na ang tingin sakin, ngumisi ako tsaka kinuha ang bag ko pagkatapos nun ay humarap akong muli kay Ashlae. Nakatingin parin sya sakin kaya naman kinuha ko na ang tyansang iyon para belatan sya saka umalis na. HAHA akala siguro nya palalampasin ko iyon pwes kung sya patalikod, ako naman paharap. Habang naglalakad papunta sa gym ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman kinuha ko iyon at tiningnan.


From: Ursula__

'Lintik lang ang walang ganti nyehehe'


Napatawa ako, aba't hindi talaga tanggap na natalo sya ah. Ano naman kaya ang gagawin ng babaeng yun? Napatingin ako sa harap ko nang bigla akong may nabunggo.


"Sorry", agad kong sabi saka tiningnan ang nabunggo ko. Napahinga naman ako ng maluwag ng makitang si Dave iyon

MY BULLY CRUSHWhere stories live. Discover now