CHAPTER TWO

9 4 0
                                    


"Kyahh!!!", tili ko ng makahiga ako sa kama ko. Natapos ang klase namin maghapon ng nakangiti ako. Todo asar pa nga sakin si Ashlea pero hinayaan ko nalang dahil talagang goodmood ako ngayon.


'So, Sera and Luke will be our representatives. You two look so good with each other'   


Narinig kong muli ang sinabi kanina ni ma'am ng ianunsyo nito na kami na talaga ang pambato nila kaya naman napatili ulit ako saka nagpapadyak ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.


"Anong ingay ba yan hah?! Tili ka ng tili dyan ka-babae mong tao", suway sakin ni mama. Bumangon naman ako saka nag-peace sign nalang "Magpalit kana ng damit at bumaba na. Kakain na tayo", utos nya kaya naman agad nakong tumayo at kumuha ng pamalit ko. Umalis naman na sya.

"Ang bagal mo talaga kumilos", asik sakin ni kuya ng makarating ako sa hapag-kainan. Inirapan ko nalang sya at umupo na sa tabi nya. Kala mo naman hindi rin sya mabagal! Pinanood nya lang akong umupo habang sina mama ay nagsimula ng kumain. Binalingan ko si kuya saka tinaasan ng kilay.


"Anong pang tinitingin-tingin mo? Lamon na, palamunin", masungit kong saad at agad naman nya akong binatukan saka inirapan. Aba, attitude din toh!


"Kung makapags-", "Kumain na nga kayo", putol ni papa sa sasabihin sana ni kuya kaya naman napangiti ako. Akala nya hah! Wala naring nagawa pa si kuya kaya naman kumain na kami.


"Kamusta ang pag-aaral, Nico? ", tanong ni papa kay kuya kaya naman napatingin rin ako sa kanila. Medyo istrikto si papa pagdating sa pag-aaral namin dahil talagang gusto nyang makapag-tapos kami. May kaya lang din kami sa buhay, binubuhay na kami ni mama at papa sa pagtitinda sa bookshop store namin. Hindi rin gaanong kalakihan ang bahay namin, sakto lang sa aming apat. Uminom muna ng tubig si kuya bago nagsalita


"Ayos naman, pa. Dean lister parin", napa-tsk ako ng marinig yun. Nagmayabang pa ang loko. Napatango naman si papa saka tumingin sa'kin.


"Ikaw, kamusta naman ang nililigawan mo?", napa-ubo ako ng marinig ang tanong ni papa. Agad ko namang kinuha ang tubig ko saka uminom. Jusko, mamamatay ata ako ng maaga nito ehh.


"Basted yan, pa", saad ni kuya tsaka tumawa. Inirapan ko naman sya, panira ang lalakeng toh


"Anong basted hah? Pakipot lang yun", angil ko kay kuya tsaka tumingin kay papa "Pakipot lang yun, pa. Nahalikan ko nga yun sa pisngi eh", kwento ko nang may pagmamayabang.

MY BULLY CRUSHWhere stories live. Discover now