Kabanata 6

68 11 0
                                    

Kyuu POV
 

  Hindi pa man sumisilip ang araw kinabukasan ay naging abala na ako sa pagsasanay. Hindi ako tinantanan ni Ama sa pagsasanay dahil kailangan ito ng aking katawan.
 

  Ayon kay ama, ang pagsasanay na aking bubuuhin ay nahahati sa apat na bahagi.
 

  Unang bahagi ay ang pagpapatatag ng pisikal na katawan upang magawa kong tumagal sa mga mabibigat pang pagsasanay o maging sa labanan. Bilang Bagani ay hindi daw basta basta ang tatahakin kong daan. Lalo pa at maraming mga bagani ang napapasabak sa kapahamakan mailigtas lamang ang mga taong walang lakas at inaapi.
 

  Sumunod na bahagi naman ng pagsasanay ay ang pagkakabisa ng mga pangunahing galaw sa pakikipaglaban. Ang bawat maharlikang angkan ay may natatanging galaw sa pakikipaglaban na sinusunod ng kanilang nasasakupan. Ngunit pare-pareho ang pundasyon ng mga ito. Kung gusto kong matutunan ang lahat ay kinakailangang natutunan at makabisa ang pundasyon ng pakikipaglaban. Ang tamang posisyon at galaw ng paa, kamay, at ng iba pang parte ng katawan.
 

  Bilang Bagani ay kinakailangan din ng kakayahan sa paggamit ng mga sandatang pandigma. Ito ang ikatlong bahagi ng pagsasanay. Pangunahing pananggala ng Bagani ang kanyang sandata upang protektahan ang sarili. Kailangan hindi lamang sa iisang sandata bihasa ang isang Bagani dahil hindi nito batid kung anong sandata ang ipagkakatoob ng kanyang Anitong Anima. Hindi ko nga maiwasang masabik malaman kung anong sandata ang ipagkakaloob ni Ilakid.
 

  Ang panghuling bahagi ng pagsasanay ay ang pagmamalandong. Isa sa pinakaimportanteng bahagi ng pagsasanay nadil ito ay nagpapatatag ng antas ng kalakasan panloob. Ang kalakasang panloob ay siyang sinusukat kung handa na ang isang Bagani na tumanggap ng panibagong Anitong Anima.
 

  Kahit na hindi nab ago sa akin ang mga tinuturo ni Ama dahil nga paladi naman akong tinuturuan ni Hugo, ay hindi ko pa rin maiwasang mapagod. Marahil dahil sunod-sunod ang mga dapat gawin at tanging pag-kain at pag-inum ng tubig lamang ang pahinga. Nararamdaman ko na din ang pananakit ng aking katawan.
 

  Sa loob ng anim na araw ay talagang paspasan ang pagsasanay ni Ama. Mas naging estrikto siya sa kanyang tinuturo. Ganoon pa man ay pinili kong makinig at subukang intindihin ang kanyang sinasabi.
 

  Naging maayos naman ang bawat araw na nagdaan maliban lamang sa pagtatakang nadarama dahil ni minsan ay hindi nagpakita sina Avira, Hugo at Alakid.
 

  Laking pasasalamat ko nang sabihin ni Amang wala kaming pagsasanay sa ikapitong araw. Maaga daw siyang aalis dahil mayroon siyang aasikasuhin sa kalapit bayan. Hindi niya sinabi kung ano ngunit bakas sa kanyang mukha na seryoso siya sa kanyang sinabi.
  Kinaumagahan ay nagising ako sa ingay na nagmumula sa aming kubong lutuan. Nang tumabas ako ng silid ay natanaw ko naman ang tatlong nilalang na ilang araw ko ding hindi nakikita. Nasa anyong binata sina Avira at Hugo. Samantalang si Ilakid naman ay walang pinagbago. Kapwa sila nakasuot ng kasuotang mahaba. Akmang magsasalita na sana ako nang makita ko silang pumasok sa silid kainan ngunit agad kong naramdaman ang gutom kaya binalewala ko na lamang sila at dumeretso sa hapag upang kumain.
 

  "Kamahalan, hindi dapat ganyan ang iyong pagkilos sa harap ng pagkain." Saway ni Ilakid nang makitang pinagkakamay ko na ang pagkain.
 

  Hindi naman ako pinagugutuman ng aking Ama. Masyado lang kasing nakakaumay ang gulay at isda na pinapakain ni Ama. Idagdag pa yung katotohanang hindi naman masarap magluto si Ama gaya ni Avira.
 

  "Naku, normal na iyan kaya h'wag mo nalang pansinin." Si Hugo na sumunod na din sa akin sa pagkain. Agad naman siyang pinalo ng sandok ni Avira.
 

  "Malamang hindi matututo iyan dahil ikaw palagi ang kasama." Wika ni Avira.
 

  Totoo naman kasi. Sa lahat ng kalokohan ay si Hugo ang maraming alam. Kahit nga anong saway ni Avira ay hindi nakikinig si Hugo.
 

  Nakita kong umiling na lamang si Ilakid. Tumayo ito at itinabi ang kainang hawak ko ay saka ako giniya sa hugasan.
 

  "Kamahalan, hindi ka dapat nagmamadali. Ang pagkain ay nginunguya ng tama upang malasahan mo ang sarap nito." Hinugasan ni Ilakid ang aking kamay. Inabot nito ang pamunas at pinunasan iyon. Bago pa kami bumalik sa hapag ay dinaanan nito ang kubyertos. "Tandaan mong isa kang dugong bughaw. Ang tamang asal ay hindi lamng sa pag-uugali kundi maging sa hapagkainan. Isa kang tao at hindi isang uri ng hayop."
 

  Wala akong nagawa. Sumunod na lamang ako sa gustong mangyari ni Ilakid. Dinaig pa nito si Ama sa totoo lang. Sa gilid ng aking mata ay nakikita ko si Hugo na pigil na tumatawa. Samantalang si Avira naman ay panay siko sa katabi na para bang pinatitigil niya ito.
 

  Nang matapos ang agahan ay nagkasundo kaming apat na magtungo ng batis. Masarap daw sa katawan ang pagtampisaw sa batis lalo pat kagagaling ko lang sa mahabang pagsasanay.
 

  Nang marating naming ang batis ay agad akong nagbabad doon. Hindi nga nagbibiro si Hugo sa sinabi niyang masarap magbabad sa batis pagkatapos ng ilang araw na pagsasanay.

The Lost CrownPrince of Minokawa (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon