Kabanata 6B

50 11 0
                                    

  "Ang sabi ni Ama, Ang bawat Anitong Anima ay pinagkakalooban nila ng sandata ang kanilang Bagani, totoo po ba iyon?" Tanong ko sa aking mga kasama. Nahihiya kasi akong itanong kay Ilakid.
 

  "Pagdating ng araw kung saan kaya mo nang gamitin ang aking kapangyarihan, ang sandang iyong ninanais ay lilitaw. At naniniwala akong hindi na din iyon magtatagal. Dahil nararandaman ko ang pagtaas ng antas ng iyong panloob na lakas. Kahanga hanga dahil sa loob ng anim na araw ay may pagbabago na sa kabuuhan mong katawan.
 

  Hindi ko maiwasang ngumiti sa aking narinig. Hindi ako sanay na pinupuri pero masarap pala sa pakiramdam. Ginanahan tuloy akong mag-ensayo ng husto para maging karapatdapat ako kay Ilakid.
 

  Ibang-iba si Ilakid kina Avira at Hugo. Marahil dahil isa siyang Anito. Pero malakas din ang pakiramdam ko na Anito din ang dalawa. Kahit bihira lang ako sa bayan ay alam kong walang normal na tao na maaaring magbalatkayong bata na ang totoo ay binatang binate na pala ito. Ngunit hindi ko naman alam kung papaano sila kumprontahing dalawa.
 

  Bukod sa singkiting mata ni Ilakid ay taglay nito ang ngiting mahuhumaling ka. May pagkakayumanggi din ang kanyang kulay at masasabing mayroon din siyang hubog ng katawan. Nagsusumigaw nga sa kanya ang disiplina at pinong galaw. Para ngang mukha pa siyang prinsipe kaysa sa akin. Hawig niya ang galaw ni Avira ngunit sa ibang paraan.
 

  Si Avira ay hindi din naman nalalayo ang itsura nito kay Ilakid. Makapangyarihan lamang ang mata ni Avira na aakalainin mong nanonoot ang tingin nito sa kalooban mo. Seryoso din ang mukha nita at bilang lamang ang mga salita. Ngunit mas magaling magpayo si Avira kumpara kay Hugo na puno ng kalokohan.
 

  Si Hugo kahit palangisi ay hindi mo masasabi kong nagsasabi ba ito ng totoo. Pero kapag sa pakikipagbuno ay nawawala ang mukha niyang palangisi at napapalitan ng malademonyong lakas. Pero pagdating sa akin ay laki sa layaw ako. Wala akong natatandaang hinindian niya ako sa mga gusto ko. Kahit nagsasagutan na sila ni Avira ay wala siyang pakealam.
 

  Aaminin kong panatag ako sa tuwing kasama ko sina Avira at Hugo. Ngayong nandito na rin si Ilakid ay pakiramdam ko ay hinding hindi ako matatakot harapin ang mga pagsubok bilang Bagani.
 

  Matagal tagal din kaming nagbabad sa batis. Maya maya pa ay nagyaya si Hugo na pumunta sa talon. Dahil minsan lang ako ito ay hindi ako nagdalawang isip na sumama.
 

  Pagdating naming sa talon ay naabutan naming ang isang pangkat ng mga tao na nagsisiyahan. Palagay ko ay ang tatlo sa kanila ay kaedad ko rin.
 

  "Mukhang nauhan tayo." Sambit ni Hugo.
 

  "Pwede naman yata tayong makisabay sa kanila. Mukhang mababait naman sila." Wika ko.
 

  Ngunit mukhang mali ako ng pag-akala dahil nang makita nila kami ay nakaramdam ako ng hindi magandang hinulo (aura).
 

  "Kung sinuswerte tayo, may mapapakitaan ang mga anak natin ng kanilang lakas." Mayabang na sigaw ng lalaking sa palagay ko ay an glider nila.
 

  "Ipagpaumanhin ninyo ngunit wala kaming balak na makipag laban." Si Hugo ang nagsalita.
 

  "Sa tingin mob a ay may pakealam kami sa kung ano ang gusto ninyo?" Nagulat pa ako nang magsalita ang isang lalaki sa aming likuran. Mukhang napapalibutan na pala nila kami.
 

  "Halata namang isang Sibol ang kasama mo. Bakit hindi natin tignan ang kasalukuyang antas ng kanyang kakayahan. Tamang tama at kailangan din naming makita ang mga kakayahan ng mga anak namin." Sambit pa ng isa.
 

  Nakita ko namang nakangisi ang mga batang tinutukoy ng mga lalaking sa tingin ko ay mga baganing kawal sa bayan.
 

  "Kung ganoon ay simulant na natin nang makaalis na kami." Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko ngunit may naramdaman ako sa kalooban ko na nag-uubyojk na turuan ng leksyon ang mga ito.
 

  Mabilis akong sumugod sa mga batang mukhang nabigla sa kinilos ko. Ginamit ko ang natutunan ko sa aking Ama at ang mga tinuro ni Hugo. Nakita kong kumumpas ang batang nasa gitna ngunit mabilis kong siyang sinipa dahilan upang hindi niya magawa ang kanyang kumpas. Tumilapon naman siya dahil sa lakas ng pagkakasipa ko. Hindi na ako nagsayang ng oras dahil batid kong kikilos din ang dalawa pang kasama niya.
 

  Lumapit ako agas sa batang nasa kaliwa at pinatid ito. Hindi na din ito nakapagkumpas ng kamay. Ngunit dahil ang batang nasa kanan ay may sapat na oras ay agad itong nakapagpalabas ng kanyang anito. Isang lobo. Mabilis na umatake ang batang may lobong Anito. Agad naman akong nakaiwad sa atake. Tila bumagal ang kanyang pagkilos sa aking mata kung kaya pinatamaan ko ng aking kaliwang siko ang kanyang likuran.
 

  Wala pang limang minuto ay bumagsak na ang tatlo. Natameme naman ang mga matatandang kasama nila.
 

  "Maari nap o ba kaming umalis?" Tanong ko.
 

  Lumapit naman sa akin si Hugo at agad na inilapit ako sa kanya.
 

  "Nakita na ninyo ang kinalabasan. Hindi pa marunong magsamo ang aking kasama kung kaya paumanhin at hindi niya mapapakita sa inyo ang kanyang Anitong Anima." Umastang aalis n asana kami nang biglang nagsalita an glider ng grupo,
 

  "Kung ganoon, ikaw nalang ang magpakita. Tapos na ang pagpapakitang gilas ng kasama mo pero kami ay nagsisimula pa lamang."
 

  "Hindi ba't labag ito sa kautusan ng Bagani?"
 

  "Wala namang makakaalam lalo pa't malayo tayo sa bayan." Sagot n glider sabay tawa ng nakakatakot.
 

The Lost CrownPrince of Minokawa (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon