Kabanata 13

45 9 0
                                    

Kyuu POV
 

  At hindi nga nagbibiro si Ama sa kanyang tinuran. Papasok nga kami sa Himpilan ng Bagani ng Ikaris. Naghalo tuloy ang kaba at saya sa loob ko dahilan para kabahan ako habang papalapit kami ng papalapit sa himpilan. Sa tagal ko nang pinangarap na makita ang himpilan at hindi ko naisip na ito ang araw na matutupad iyon.
 

  Maraming taong nag-aabang sa labas ng Himpilan. Marahil ay pakay din nila ang sertipikong kailangan sa pagsusulit. Nagsisiksikan may ay himalangng hindi kami nahirapang makalapit sa unahan. Nang makarating kami sa unahan ay tumampad sa amin ang panibagong kumpulan ng sa tingin ko ay mga magulang kasama ang kanilang mga anak na hindi na lalayo ang edad sa akin.
 

  Tumayo lamang kami sa hindi kalayuan. Inilapit ako ni Ama sa kanya upang masigurong hindi ako mawawala. Hindi na ako nagreklamo.  Nanatili na lang ako sa tabi niya dahil sa nakakalula talaga ang mga taong nandito. Siguro'y nanibago lamang ako dahil ngayon ko lang naranasan ang ganito. 
 

  "Ba't sila parang nagkakagulo sila Ama?" Hindi ko mapigilang tanong.
 

  "Wag mo nalang silang pansinin, Anak. Hintayin na lang nating lumabas ang pagtawag ng namamahala ng himpilan."
 

  At ganoon nga ang ginawa naming. Keysa magsumiksik sa pila ay dumistansya kami at matamang naghintay. Napansin ko ring may mangilanngilang grupo din sa paligid na naghihintay din ata ng paglabas ng kung sinong namamahala. Maya-maya pa ay mas lalo pang nagkagulo kasabay noon ay ang pag labas ng Limang unipormadong Bagani.
 

  "Magsitahimik kayo!" Sigaw ng Baganing nasa dulong kanan. "Ayusin ninyo ang pila nang makapagsimula na tayo."
 

  Pinagmasdan ko silang lima. Sumisigaw ang kapangyarihan sa kanilang tindig at maging sa kanilang kasuotan. Ang tatlong sa gitna ay higit ang pang nakakataas dahil sa kakaibang mga palamuti nito sa kanilang uniporme. Hindi na din naman bago iyon dahil silang tatlo lang naman ay mga Piniliang Bagani dito sa bayan. At dalawa sa kanila ay miyembro ng pamilya Ikaris.
 

  Malimit lang silang makita dahil pabalik balik sila sa Alkonost. Pero hindi iyon naging mahirap sa amin ni Hugo na makiya silang tatlo. Naalala ko noon na kahit sa tabi tabi ng mga bundok ay nakikita naming sila. Marahil ay dahil na din sa kapangyarihan niya. Sa kanilang tatlo si Agui ang masasabi kong maganda makipagkapwa tao. Ang dalawa na hindi ko naman pinag-aksayanan pa ng oras kilalanin dahi hindi masyado silang mapagmataas. Kung si Hugo ang tatanungin ay wala naman daw espesyal sa kanilang dalawa. Puro yabang lang ang kaya nilang ipakita. 
 

  Nakausap ko na dati si Ginoong Agui. Madalas namin siyang makasalubong sa tuwing nandito kami sa bayan. Madalas nga ay siya lang ang nakakahuli sa amin sa mga kalokohan ngunit hindi naman niya kami hinuhuli. Kaya siya ang pinakagusto ko sa lahat ng mga Baganing naririto.
 

  Mula sa aming kinatatayuan ay umayos ang mga taong kanina ay hindi magkanda ugaga. Pinagpila ng mga kawal ang mga ito upang maging maayos. Hinihintay kong kumilos si Ama pero mukhang walang balak itong umalis sa kinaruruonan namin. Kung iisipin ay tila naghihintay si Ama ng magsusundo sa kanya.
  Nang gumalaw ang mga tatlong pinilian ay napadako ang tingin ni Agui sa kinaroroonan namin. Sabay sa pagguhit ng ngiti niya ay ang bigla nitong pagmamadaling lumapit sa amin. NNagsalubong ang kilay ko. Sa isip ko kung nakilala ba niya ako o ang aking Ama. 
 

  "Pinuno! Nakahanda na po ang lahat sa pagsiyasat sa bagong Sibol na Bagani." Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang tawag niya sa aking ama. Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Ama at Agui.
 

  "Pumasok na tayo kung ganoon." Sagot ni Ama.
 

  "I-ikaw ang Punong Bagani ng Bayan?" Bulalas ko nang makapasok na kami sa himpilan. "Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin, Ama?" Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa pagkakataong ito.
 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Lost CrownPrince of Minokawa (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon