10

4 0 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito Jacques?"

Halos pabulong ko na lang yon sabihin. Ayokong malaman o makita nina Kuya si Jacques. Hawak hawak ang pinto at nakasarado ng kaunti.

"I'm sorry about kahapon, forgive me now? Please?" nagmamakaawa ang mukha niya.

"Uy.. ikaw pala Jacques.. akala ko kung sino.." i glance at Kuya Erin. Nakasulpot pala siya sa likod ko.

"Kuya! Doon ka na! This is a private matter."

"Weh? Papasukin mo si Jacques, boses ipis kayo sa kaka bulong jaan." Ngumiti at tumaas ng dalawang kilay si Jacques kay Kuya Erin. Napasinghap ako ng malalim.

Calm down, Artemis, calm down.

Paulit ulit ko 'yon ginawa. Binuksan ko ng kaunti ang pinto, enough for him to come in. Kuya Edric greet and smile to him. Kahit galit ako naghanda pa din ako ng meryenda para samin.

Pinaupo nila Kuya si Jacques at nag usap usap ng kung ano ano na hindi ko naman maintindihan, about history ng Spain, spaceship, animals and dragons. Kuya Erin was the one that believes in Dragons, si Kuya Edric naman ay sa Goblins and monsters.

"You like Spaceship? Siguro nakanood ka na ng Midway?" Tanong ni Kuya Erin sa kaniya.

Tumango siya, nagtama ang tingin naming dalawa, umiwas ako at binaba sa table nila ang inayos kong meryenda.

Bumalik ako sa kuwarto ko. I don't mind them talking at saka sina Kuya naman ay magpapagkatiwalaan ayaw nilang naiinis ako kapag sinabi nila sa iba na private lang. I smirk at that thought.

For the whole night, nasa kuwarto lang ako, unless nagugutom na ako tumitingin ako kaliwa't kanan to make sure na no Jacques around.

I wake up early today, nauna pa akong umalis kina Kuya i had to make sure na hindi ko makakasalubong si Jacques. Nasa hall na ako, dahan dahan ang bawat lakad, sa bagal ko nabibilang ko na sa isip ko kung ilang beses na ako lumakad mula sa harap ng unit namin.

Lumapad ang ngisi ko sa labi ng walang Jacques no Traces of him. Mukhang tumigil na siya sa kakainis sakin. Hindi naman ako galit sa kaniya simula kahapon, i'm just avoiding him dahil nakakahiya ang mga inaasta ko lalo na mukha akong nag seselos na girlfriend niya.

Kinuha ko sa bulsa ng palda ko ang earphones ko at sinaksak sa tenga ko. Kinuha ko na din ang phone ko para ayusin ang papakinggan na kanta.I was walking and stop infront of the elevator, my eyes were busy with my phone. 

Nakayuko akong pumasok ng elevator ng bumukas ito. Umangat lang ako ng tingin ng pumindot sa elevator. 

"Goodmorning Artemis—"

"Haloshang Pikachu!" My eyes widened, napaatras ako. 

He laugh! Tinawanan niya ako kitang kita sa mukha niya ang saya. Gusto ata ako nitong patayin sa umaga!

"Sorry. Babatiin sana kita kanina pero you're busy with your phone kaya i didn't bother to greet you." He grin.

I rolled my eyes to him.

"Wow, pikachu, what are you listening?" He beam.

I'm annoyed with his smile. Bakit ba siya laging nakangiti wala ba siyang problema sa araw araw? 

"None of your business." Umayos ako ng tayo. Lumayo ng ilang dangkal sa kaniya. 

"Galit ka pa ba? Fiona missed you yesterday, she cried after that she fall asleep. Ayaw niya pang matulog dahil hindi ka daw umuuwi sa bahay. She's stubborn." 

Season of SpringWhere stories live. Discover now