16

4 0 0
                                    

"Nakita ko kayong dalawa!" 

Binagsak ni Pearl ang phone niya sa table ko. Nagulat ako sa nakunan nila sa picture. Kinuha ko kaagad ang phone niya at pinatay. 

"Hindi ako 'yon." Pagsisinungaling ko. 

Parehong nanliit ang mga mata nilang dalawa. 

"Maniwala sayo, kuhang kuha sa akto! Kayong dalawa pa!" Pag-aakusa sakin ni Niña. 

Umiwas ako habang may sinisipsip sa straw ng coke. 

"Hoy babae! Mag tapat ka nga samin, kayo ba?" Tanong ni Pearl. 

I rolled my eyes. Nagmumukha akong may kaso sa dalawang 'toh dahil sa mga kilos nito. "Do i have to repeat myself? I told you WALA NGANG KAMI." I empathize my last word.

Nagkatinginan silang dalawa at umiling iling ng ulo. 

"Hindi kami naniniwala, we saw you two with our own clear eyes kahit doblehin pa natin ang salamin ko, nakaholding hands kayo!" I just watched them talking. Nanatili akong tahimik at kumakain lang. 

Hindi ko na pigilang ikutan sila ng mata. Simula kaninang umaga ay umaasta na silang ganito. Panay ang akusa na kami daw na dalawa. Fake rumors are spreading so fast. 

Habang nanonood napatigil ako ng dumaan si Veronica. Sakaniya ba binigay ni Kio ang binili naming necklace?

Nakakunot ang noo ng makitang suot niya sa leeg ang necklace na pinili ko kasama si Kio. I thought he gave it to Pearl? Bakit nasa kaniya 'yon? 

Sa library ako ngayon, after ng break time i decided na mag hanap ng libro dito, bagong gawa lang ng library namin kaya naman ilang oras pa akong naghanap. Nang makuha ko ang babasahin, humanap ako ng bakanteng mauupuan. 

I sighed at bumaling na lang sa notes ko. Ilang araw na akong walang focus kahit anong gawin ko para makapag-aral ay wala pa din. Patuloy pa din ang pagpapakita ni Jacques sa isipan ko. 

Napapaisip ko na ngang baka gusto ko talaga siya at ayoko lang aminin sa sarili ko. 

Habang nakatitig sa notes ko hindi ko na pansing nalipat ito. Umangat ako ng tingin ng ilipat sa pangalawang pahina ang aklat na ginagamit ko. Umupo siya sa harap ko. 

"You're spacing so much this lately, ah, Dahil ba kay Jacques?" Diretsuhang tanong ni Louisiana. 

"Hindi ah. Stress lang siguro, kaya ganon." Tugon ko. 

Nilapit niya ang upuan niya, hinawakan niya ang kamay ko at tinapat kung saan banda ang puso ko. 

"Tinatanggi mo, pero halatang halata naman, kahit anong tanggi mo sa sarili mo hindi parin mag babago yan. Lalaki at lalaki ang nararamdaman mo sa kaniya." Ngumingiti siya  habang nag sasalita. 

"Sige ka, mamaya naunahan kana, e'di babye ka na lang sa feelings mo kay Jacques." 

Binaba niya ang kamay ko. "Expert ka ba sa sa pag-ibìg?" 

Natawa s'ya sa tanong ko. "You can say that i was used to love someone and the end he lost feelings." 

Natahimik ako sa sagot niya. Tumango na lang ako. Tumingin siya sakin at ngumiti na lang. "Huwag ka ngang maging malungkot d'yan, past is past kaya hindi na ako nalulungkot kapag kinukkuwento ko sa iba." 

She was so matured. Kahit na same lang kami ng grade at age siya talaga ang matured samin unlike me, childish pa ang isip ko. Idolo ko talaga siya tuwing ganito siya mag salita. 

Season of Springजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें