CHAPTER 3 - Blue Rose Effect

251 15 0
                                    


Iris's Point Of View



"Tell me what you want" napanganga naman ako sa sinabi niya.

Ha?! Ano daw?

"A-nong ibig mong sabihin?" Nauutal na tanong ko sa kanya habang hila-hila niya pa rin ako. Nagtataka na rin nakatingin ang ilan sa mga students na nakasalubong namin.

Some look worried but the majority looks intrigued, which reminds me na sikat nga pala si Avalon sa buong university, maybe that explains why they are looking at us.

Wala na akong nagawa ng patuloy niya pa rin akong hinila palabas ng walang kahit anong paliwanag. Pinagmasdan ko na lang siya, medyo naiilang kasi ako sa height difference namin. Sobrang tangkad niya pala talaga pag malapitan, parang hanggang balikat niya lang ang tuktok ng ulo ko.

"Pick what you want, consider this as a token of my apology for what happened earlier" sabi niya pagkatapos siyang tumigil sa paghila sa akin. Doon ko lang napansin na nasa labas na kami ng university. Napakarami kasing mga tindahan at kainan dito, sobrang dami ng mga mabibili, from stationaries, books, and foods.

"Come on, pick" dugtong niya pang sabi habang maigi lang na nakatingin sakin, nailang naman ako kaya sinubukan kong tumingin sa ibang direksyon at doon ko na napansin na hanggang ngayon magkahawak pa rin ang mga kamay namin. Napansin naman niya kung saan ako nakatingin at agad din naman niyang binitawan ang kamay ko. Spell awkward Iris.

"Get anything you want, it's on me" narinig ko na namang sambit niya, habang tumingin lang muna ako ulit sa kaniya at tsaka umiling.

"This is really unnecessary Avalon, its okay, besides pareho naman natin alam na aksidente lang yung nangyari diba" I said as I tried to convince her, nahihiya din kasi ako sa kanya dahil sa pag sermon sa kanya ni Ate Emery kanina. Plus kani-kanina lang nag-iisip pa ko ng pwede kong ibigay sa kaniya, just like what she's doing right now. Naunahan niya lang talaga ako.

Nagulat naman ako ng taasan niya lang ako ng kilay. She did not say anything, instead naglakad siya papunta sa isang store. Napatingin naman ako sa paligid na punong-puno ng mga tindahan at ilang mga puno ng mangga at napabuntong hininga, kasi naman iniwan niya na lang ako dito ng walang sabi. Nag dadalawang isip tuloy ako kung susundan ko ba siya.

Sandali akong napatingin sa kaliwang bahagi ng university, kung nasaan ang parking lot. Dahil duon ko nakita yung lalaking may katulad na tattoo dun sa taong pumatay kay Papa. I need to find out who he is and if he's the person I'm looking for. And if he is then I'll make sure that justice will be sentenced to him.

Hindi rin nagtagal at nakita ko si Avalon na palabas na ng tindahan while she's holding a paper bag. Napatulala naman ako sa kaniya habang naglalakad siya papunta sakin. Ang corny man sabihin pero parang nag dahan-dahan ang bawat galaw niya.

Ang ganda kasi ng repleksyon ng araw sa mga mata niya. Sabi nga nila, brown colored eyes people has the most beautiful eyes when exposed to sunlight. Sakto naman na palubog na ang araw ngayon kaya kitang-kita ang maganda niyang mga mata.

"Here" yun lang ang sinabi niya sabay abot sakin ng dala niya. Tinignan ko naman siya tapos yung paper bag bago ko yun tanggapin dahil hindi pa ko nakakabawi sa pagkamangha sa mga mata niya.

"Thank y-" magpapasalamat na sana ako ng bigla na naman siyang umalis. Basta lang siyang tumalikod at naglakad pabalik sa loob ng university. Kinulang ba talaga siya sa manners? I'm not socially active pero atleast ako hindi na lang umaalis ng basta-basta.

Conflict of Nous (GxG)Where stories live. Discover now