The Epilogue

4.6K 103 11
                                    

EPILOGUE



THE SEEKER'S POV




Five years ago, may kinakatakutan akong vision. At yun ay makita ang minamahal ko na maikasal sa iba. I was heartbroken that time, inakala ko na hindi talaga kami para sa isa't-isa pero mali pala yun. Ngayon ko lang lubos na naunawaan na hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama ang mga nakikita ko.


"Ready?" pabulong na tanong sakin ng tatay ko habang andito kami sa harap ng altar at hinihintay na magsimula ang ceremony.


"Naman pa. Ilang taon kong hinintay 'to."


Nginitian lang ako ng tatay ko saka tinapik ang balikat ko. Nakapwesto na ang lahat..


Si mama na nasa pinakaunang upuan at masayang nginingitian ako.


Si Ate na nasa tabi ni mama at kandong-kandong ang babaeng anak nila ni Kuya Kenneth habang nginingitian din ako at tila paiyak na.


Sumunod na naglakad ay si Gab..


Di talaga ako makapaniwalang pumalpak ang vision ko. Anong katangahan ba yun na ikakasal ang mahal ko sa kuya niya. Baliw siguro ako nung mga panahong iyon.

Sumunod sakanya ay sina Hayley at Kyle, nagbreak sila nung grumaduate sila ng high school. Wasak na wasak utol ko nun pero sabi nga nila na kung mahal mo.. mahal mo talaga at gagawin mo ang lahat para sa taong yun. Kaya eto, nagkabalikan. Wala pa naman silang planong magpakasal pero papunta na dun. Magtiwala kayo sa future seeker.. (Na pumalpak!)

Kasunod nina Hayley ay sina Shaun, Bryle at sa gitna nila ang 2-year old baby nila na si Shauna Bryllette. Ewan ko nga kung bakit nahulog 'tong si Bryle sa megaphone na 'to. Akala ko wala na ngang pag-asa sila nung high school, pero eto sila.. nasa kasal ko at hawak-hawak nilang pareho ang anak nila.

Ang sumunod sakanila ay si Tracey at Ethan, ikakasal na yang mga yan. Matapos naming grumaduate ay umalis ng bansa si Tracey para sa heart transplant at nawalan na rin kami ng contact kay Ethan. Yung pala 'tong pinsan ng mapapangasawa ko ay sumunod pala sa America para samahan at alagaan si Tracey. Kung paano tinamaan sila sa isa't-isa.. sila lang ang nakakaalam nun.

And eto.. si AM. Ang babaeng walang ibang ginawa kundi inisin kami pareho ni Aleena at sirain ang relasyon namin. Ibang-iba na siya sa AM ngayon, siguro may mga taong tumulong sakanya to make her the best version of herself. Masaya na ako ngayon na ikakasal na siya. Tinupad niya yung sinabi niya sakin nung graduation namin na hindi na siya maninira ng relasyon ng iba.


At kasunod nila ay si Michelle.. masayang-masaya ang bata habang naglalakad sa aisle. Ngiting-ngiti siya habang nagtatapon ng bulaklak sa dadaanan niya..


And here comes my soon to be wife..


(Play the music para mas feel XD)


Naka-angkla ang braso niya sa tatay niya at sa tita niya. Masayang-masaya ang Aleena ko. Halatang-halata sa ngiti niya..

The Future Seeker's Future (KathNiel fanfic- Castillo Series #1)Where stories live. Discover now