TFSF 24

2.9K 62 16
                                    

CHAPTER 24

SHAUN’S POV

How can I escape from this reality? Akala ko mas lamang ako sakanya. Kasi ako yung pinapansin, ako yung nginingitian, ako yung kinakausap, pero sa kasamaang palad ako din yung umasa.

Wala na ba talagang lalaki sa mundo na hindi pa-fall? Yung tipong kung ano yung pinaparamdam niya sa iyo yun yung totoo. Shit naman kasi eh. Akala ko iba siya, akala ko di siya katulad ng ibang lalaki pero mali na naman ako. Kagaya lang siya sa mga lalaking nagiging dahillan ng pagkakadeppress ng mga babae.

“Magsama kayo ni Tracey. Puta.” Bulong ko habang nakaupo sa labas ng mall.

Oo, nag-cutting ako. Oo maghapon ako dito sa mall at oo wasak na wasak ang puso ko. </3

Kanina pa ako dito nakaupo pinapanood ang mga pasimpleng naglalandian. Shet, di ko na kaya. Mas lalo akong nabibitter, pumasok na naman ako sa mall. Palakad-lakad lang. Tiningnan ko ang cellphone ko.

‘5 text messages received’

Isa galing kay Aleena na tinatanong kung okay na ba pakiramdam ko, isa kay Hayley na tinatanong kung available ako sa Sabado, dalawang GM mula sa classmates ko, at isang unknown number na nagsasabing ‘I miss you, mahal. Mahal na mahal kita Elena.’ -_-

Shit lang. Elena your face.

Kung san san ako napapadpad. Naaappreciate ko na ang escalator, mga stalls, ang sahig, ang kisame, ang kulay ng dingding at pati ang batuta ng security guard ng mall. Huhuhuhu. Iba talaga pag brokenhearted pati utak mo broken na. Laslas na Natividad.

Ewan ko pero may nakakuha ng atensyon ko, isang tindahan sa mall na nagbebenta ng mga accessories. Pang lalaki at babae yung andito. Pero dahil wala ako sa girly side ko ngayon dun ako napadpad sa male’s section.

Dun ako sa mga dog tag. Bwahahaha. In love ata ako sa aso. :D Asong ang pangalan ay Lester Bryle.

May mga iba’t-ibang naka-engrave sa dog tag. Pero yung pinakagusto ko ay yung may nakalagay na ‘BE FREE’

Kukunin ko na sana yung dog tag nang bigla ding kumuha nun.

“Ako nauna.” Matigas niyang sabi. Agad ko naman siya inirapan. Sige Shaun, i-push muna natin ang pagiging maldita. “Kanina pa kaya ako dito kaya ako yung nauna.” Hinarap ko yung kumuha nun…

Kilala ko ‘to ah? Eto yung napaka-irritableng transferee namin kanina. Ano ba pangalan nito ulit?

The Future Seeker's Future (KathNiel fanfic- Castillo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon