Chapter 5

341 5 0
                                    

Nasa byahe na kami papunta sa kompanya ni kelleon ng biglang huminto ang sasakyan namin dahilan para mauntog ako sa upuan sa unahan. Napangiwi ako habang hinihimas ang noong ngayon ay namumula na.

"Are you okay??" Nag aalalang tanong ni kelleon na nakatingin sakin.Tumango ako at tumingin sa unahan,nakita Kong may nakaharang na itim na van sa sasakyan namin.

"Anong nangyayari Sir??May problema ba??" Nag aalalang tanong ko habang nakatingin sa unahan. Hindi niya sinagot ang sinabi ko pero nagpatulong siyang bumaba sa Isa sa mga bodyguard niya.
Susunod na sana ako ng harangan ako ng dalawang bodyguard niya sa pintuan. Kumunot ang noo ko

"Bawal po kayong bumaba ma'am, kabilin bilinan ni boss na manatili lang kayo sa loob".
Wika ng Isa sa kanila kaya kahit gustuhin ko man ay wala na akong nagawa kundi bumuntong hininga at sinandal ang likod sa upuan.

Ng lingunin ko si Kelleon ay may kausap na itong lalaking matangkad na nakasuot ng business suit at nakatiim bagang. Magkasalubong ang kilay habang pinapakinggan ang sinasabi ni kelleon, ang loko naman ay nakangisi pa na parang nanunuya.

Marunong akong magbasa ng galaw ng labi dahil tinuruan ako ng lolo ko dahil baka kailanganin ko daw pagdating ng panahon. Hindi ko maintindihan kung ano ang pinag uusapan nila pero nakukuha ko kung ano ang sinasabi ni kelleon.

".... hindi siya sasama sayo dahil di ka naman niya kilala. And besides, I won't let you take her away from me. Wag kang epal sa relasyon namin dahil nagsisimula palang ako, Brother in law. Don't worry, gagawin kitang Best man sa kasal naming dalawa. Iimbitahan din kita sa binyag ng mga magiging pamangkin mo..."

Kita ko kung paano tumalim ang tingin ng lalaki Kay kelleon dahil sa sinabi nito. Habang pinagmamasdan ko ang lalaki ay may nakakapa akong pamilyaridad sa puso ko. Parang nagkita o nagkasama na kami dati pero di ko lang maalala. Ang mga mata niya ay kulay asul at may chocolate na buhok na sa tingin ko ay natural at hindi kinulayan dahil parehas lang ito ng kulay ng akin. Ang buhok ko ay natural na dark brown at ang mga mata ko ay nakuha  ko Kay mama—kulay light brown.
Tek—Bakit ko nga ba kinukumpara ang hitsura namin?? Dahil ba pareho ang kulay ng buhok namin O dahil pamilyar ang hitsura niya??

"Hindi kita matatanggap bilang asawa ng kapatid ko dahil sisirain mo lang ang buhay niya! Wala kang magandang magagawa dahil Isa kang Marvic!! At ang mga ka tulad mo ang hindi pinagkalatiwalaan!!Layuan mo ang kapatid ko kung ayaw mong ako ang gumawa ng paraan para siya mismo and lumayo sayo!"

'Sino bang tinutukoy nila??'

Hindi ko na naituloy ang pagobserba sa usapan nila ng tumunog ang bago Kong iPhone —opo!IPhone na dahil sinira ng kung sino mang sinapian ng demonyo ang dati Kong phone. Ang totoo ay si kelleon pa mismo ang nagbigay sakin nito kinaumagahan noon, kahit Nagtataka ay tinanggap ko parin dahil wala na akong gagamitin.

Buti na nga lang at may ekstrang sim card pa ako sa bag na nakasave narin ang mahahalagang contact ko incase na mawala ang phone ko.

***Ken Ken Calling***

Nagliwanag ang mukha ko at agad na sinagot ito
"Kuya Kong pogiiiiiii!!!Kumusta na!!!"

Rinig ko ang tawa nito sa kanilang linya kaya Pati ako ay napangiti.

[Seriously, Caira..napakahyper mo parin hanggang ngayon.Oh anyway. Namiss kitang babae ka!Bakit kasi umalis ka pa sa bahay??Wala tuloy akong kalaro ng chess at nakakasawa na ang makita ang mukha ng nanay at tatay ko! Balik ka na prinsesa ko???]

Napatawa ako sa sinabi niya dahil ang tono nito ay parang nagtatampo at Gustong lambingin
"Kapag natapos ang kontrata ko Kay boss,Mag tetake agad ako ng leave para makapagbakasyon tayong dalawa..Anyway dadalaw naman ako diyan sa bahay sa linggo eh,day off ko naman yun. We can have a movie marathon or maybe play chess if you want??what do you think kuya??"

Sandali itong natahimik bago ko muling narinig na magsalita sa kanilang linya.
[Hmmm..I think dapat ka nga talagang pumunta dito sa Sunday dahil may family dinner tayo. Pupunta sila lolo at Lola kasama ang Ilang pinsan ko. Magready ka na ah, make sure na makakapunta ka kung hindi ako mismo ang susundo sayo sa pinagtatrabahuan mo..]

"Oo na po, I'll make sure na makakapunta ako sa family dinner natin dahil nandiyan sila lolo, I miss them and mom already" malungkot Kong turan na nakanguso pa.

[Nga pala,prinsesa ko. Hanggang Kailan ang kontrata mo diyan bilang private nurse??]

'Isama mo na rin yung pagiging therapist ko kaya naduble ang sahod ko kuya!'

"Hmm.. I think one year??" Di siguradong sagot ko. Di ko kasi maalala dahil pinirmahan ko yung kontrata ng hindi masyadong binabasa lahat. Eh kasi stress ako nun at walang tulog dahil two hours lang ang pahinga ko.

[You think?? Meaning you're not sure??]

"K---kinda.."

[What the heck Caira ??? You signed the contract without reading or knowing kung anong laman nun??]
Bulyaw nito na ikinangiwi ko.

"Sorry kuya Kong pogi...hayaan mo mamaya itatanong ko Kay boss—"

[Oh you better ask, dahil baka kung ano pa ang nakalagay sa kontratang iyun—Gosh,Caira!How can you be so careless??]

Napaikot ako ng mga Mata
"Oo na po, wag kang mag alala. Tatanungin ko n mamaya"

[Hayyst..sigi na babye na nga,may trabaho pa ko.Love you prinsesa ko!]

"Lab you too kamahalan!Bye"
His name is Prince ken Delo Santos kaya kamahalan ang tawag ko sa kanya minsan.

Ani ko saka ibinaba ang tawag.
Akmang sasandal na ako sa upuan ng makita ang walang emosyong mukha ni kelleon sa harapan na pala ng pintuan ng kotse. Di ko manlang namalayan na nandito na pala siya. Batay sa hitsura ng mukha niya ay may hindi sila magandang napag usapan dahil malamig pa sa yelo ang mga mata nito. Parang hindi nito nagustuhan ang kung anuman ang sinabi ng lalaki kanina.

"Are You done??"malamig nitong tanong na pinagtaka ko. Tumango ako. Inalalayan naman siya ng dalawang tauhan na makasampa sa kotse at saka sinara ang pinto. Nagsimula na ulit umandar ang sasakyan kaya Napalingon nako sa kanya.

" Sino yung lalaking kausap mo kanina??" Mahinahong tanong ko pero parang lalong dumilim ang anyo nito.

"None of your business"
Maikli pero madiin nitong turan na ikinatikom ng bibig ko.
Hindi na ako nagsalita buong byahe at ganun din siya. Puno ng katahimikan ang kotse hanggang sa makarating kami sa kompanya niya.

Lalo akong natigilan ng ang Isa niyang bodyguard ang inutusan niyang tumulak sa wheelchair niya imbes na ako na nurse niya. Huminga nalang ako ng malalim para pakalmahin ang sarili bago sumunod dito.

Binati siya ng mga empleyadong nadadatnan namin pero parang wala lang siyang naririnig at deretso lang ang tingin. Parang hangin lang ang turing niya sa mga tao sa paligid niya.

Nakarating kami sa office niya na may mabigat na tensyon sa paligid. Pagpasok namin ay hindi na sumunod ang mga bodyguard niya at nagpaiwan sa labas kaya kaming dalawa nalang ang natira. Napabuga ako ng hangin ng nagsimula na itong magtrabaho ng hindi man lang ako pinapansin.

'Damn, ano bang problema niya??Kaninang umaga lang ang lambing lambing. Tapos ngayon ang sungit sungit na'

The Obsession Of Kelleon MarvicWhere stories live. Discover now