Chapter 10

294 5 0
                                    


Caira's POV

"Where are you going??"
Napatigil ako sa paglalakad ng magsalita si Kelleon na nakaupo sa sofa at nanonood ng TV kasama ang dalawang lalaking bago sa paningin ko,nailang ako sa tinging binibigay niya kaya nag iwas ako ng tingin.

"Day off ko ngayon Boss..."
Napansin ko ang pagtiim ng bagang nito bago ako senenyasan  na lumapit. Nag alangan pa ako noong una dahil naisip ko na naman ang kababalaghang nangyari sa amin nung isang gabi pero sa huli ay sumunod din ng samaan niya ako ng tingin,

Magmula ng may mangyari samin, parang ayaw niya na akong pakawalan o kaya naman mawala ako ng kahit Ilang sandali sa paningin niya ay nagagalit na. Kung hindi ko lang siya pasyente ay kanina ko pa siya mabatukan. Nakakabaliw yung ugali niya.

"I'm asking you where are you going??"

"Day off ko nga ngayon—"

"Where....??"
Taas kilay nitong saad na ikinairap ko, di ko talaga siya maloko.

"Sa bahay ng mama ko..Magbobonding kami nila kuya.." Nakanguso Kong saad

Sumimangot ang mukha nito sa sagot ko,Napansin Kong kanina pa kami pinanonood ng dalawang lalaki,Walang emosyon ang mata at may parehong totoo sa kabilang pisngi.

"Kaninang inaya kitang makipagdate ay tumanggi ka,tapos ngayon malalaman Kong makikipagbonding kalang pala sa kuya mo?? CAIRA naman!!You're being irrational!!"

Pinanlakihan ko siya ng mata
"Hoyy..Nauna kayang magsabi ang kapatid ko sakin!! Ikaw kanina lang! Kami munang dalawa, day off ko naman eh"
Lalong sumimangot ang mukha nito.

"Sasama ako.."
Umawang ang labi ko sa gulat

"Hindi pwede..."

"Sasama ako! Kailangang kasama ako! Baka kung ano pang gawin niyo kapag kayo lang dalawa—"

Di ko na napigilan at nabatukan ko siya, kit ko ang pigil na tawa ng dalawa sa likuran niya bago nag iwas ng tingin.
Tinignan niya ako ng masama

"Pinagsasabi mo???Wag kang OA,mag kapatid kami. Isa pa bawal ka talagang sumama dahil pang pamilya naman iyun.."

"Then that's Good! Introduce me to your whole family, for formality —"

"Hindi kita boyfriend....."
Natigilan ito at nanlaki ang mga mata na nakatingin sakin.

"W-what...Eh ano mo pala ako??"

"You're my boss.."
Alanganing sagot ko.

His lips turn into a thin line.
"You don't F*ck with your boss, Caira..."
Madilim nitong saad saka hinapit ako dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya. Di ko namalayang nakaalis na pala ang dalawang lalaki na kasama niya. Buti nalang at walang nakarinig sa sinabi niya kanina dahil kanina pa namumula ang mukha ko sa hiya.

"You're not my boyfriend either"
Nakipagtitigan ako sa kanya at nakita ko ang pagsilay ng ngisi sa labi nito bago mabilis na hinalikan ang labi ko.

"Edi sagutin mo na ako. Caira Lauren, Will you be my Girlfriend??" Pinanlakihan ko siya ng mata

"Ni hindi mo pa nga ako nililigawan tatanungin mo na ako niyan???"

Napakamot ito ng ulo at nagbuntong hininga.
"Then I'll court you,,para maging official boyfriend-girlfriend na tayo..magtatanong muna ako Kay Warren kung paano manligaw ng babae"

Tumaas ang kilay ko.
"Bakit?? Di ka pa nakakaranas manligaw??"

Sa gwapo niyang yan?? Imposibling wala pa siyang naging girlfriend.

"Nope.. Hinihintay ko kasing maging akin ka..."
Sasagot na sana ako ng biglang dumating ang dalawang lalaki na kasama niya, wala na ulit mababasang emosyon sa mga mata nito na parang natural na iyon sa kanila.

Sabi ni lolo, ang mga taong ganun dw ay may madalas na tinatagong sekreto o nakaraan. May masakit na naranasan sa buhay —lalim noh? Pero sila din ang mga delikadong kailangang iwasan dahil kapag nagalit—matindi at mabagsik ang balik.

"Kelleon, we need to go to the UHQ, the motherf*cker is already there...and oh,I need to talk to you about some important matter, shall we?"
Umalis ako sa kandungan niya at inayos ang damit ko.

Nakadress na ako ngayo ng off shoulder na regalo pa sakin ng pinsan ko sa mother side.

Sumeryuso ang mukha ni Kelleon saka tumingin sakin,
"When will you go home??"

"Bukas na ng umaga,magpapahatid nalang ako sa family driver namin"

Tumango siya at hinayaan na akong umalis kaya naglakad na ako papunta sa gate ng may kamay na humablot sakin.
Nagulat ako ng makitang isa ito sa dalawang lalaking kasama ni Kelleon kanina. Kulay asul ang mga mata at sigurado akong may lahing banyaga. Kulot ang buhok na kulay blond at matangos ang ilong.
Kumunot ang noo ko siyang hinarap. Mapanuri ang tingin nito sakin pero wala paring expression ang mukha. Bigla akong napaatras ng ilapit nito ang mukha sakin at tinitigan ako mata sa mata.
"A-ano ba!!"
Tinabig ko ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin.

Di man lang ito natinag.
"You look familiar to me, Lady.."

Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ngayon lang kita nakita.."

Hindi niya ako nilubayan ng tingin.
"I'm sure I already saw you...."
Tumalim ang tingin nito sakin na ikinalunok ko.
".... Its either In underground Casino..."

Napakagat labi ako ng mas lalong dumilim ang timpla ng mukha nito.
".... Or in the race arena,where Kelleon Marvic got in accident—"

"Nurse lang ako, hindi masamang tao. Hindi ko alam kung anong sinasabi niyo"
Walang emosyon Kong saad at saka tumalikod sa kanya. Tuloy tuloy akong naglakad hanggang sa huminto ang sasakyan ng driver ni kuya. Bago ako makapasok narinig ko pa ang huli nitong sinabi.

"Oras na malaman ko ang totoong pagkatao mo,ako mismo ang papatay sayo.Kapag may mangyari ng masama sa kaibigan ko—uubusin ko ang buong angkan mo,tandaan mo yan"

Di ko siya sinagot at sinarado ang pinto.

The Obsession Of Kelleon MarvicWhere stories live. Discover now