CHAPTER 3:

26 9 0
                                    

Margaux Czaine P.O.V.
It's Wednesday at papunta na ako sa song writer room dahil dun ang schedule ko ngayon, si John Paulo ang makakasama ko at may klase din ako sa apat na subject pagkatapos ng schedule ko.
Inilibot ko ang paningin ko sa mga club rooms, ngunit hindi ko mahanap ang song writer room.
Naisipan kong mag bukas ng facebook account ko. Kahapon ay nagkaroon kami ng conversation ni Ken, nag add friend kasi siya inaccept ko din naman.
*Conversation with Ken Suson*
"Hi Margo goodmorning!" ngayon ko lang nabasa na nag chat pala siya saken. Kahapon nanghingi siya ng tawad kase nakita ko daw ang away niya.
"Goodmorning too!" balik na bati ko.
"Kasama mo na ba si Pau?" pagtatanong niya.
"Hindi pa nga ehh, hindi ko mahanap yung song writer room!" reply ko.
"Nasaan ka ba ngayon?" reply niya den.
"Nandito sa hallway ng club rooms" reply ko din.
"Teka hintayin mo ako" reply niya. Bakit pa siya pupunta pwede namang sabihin nalang sakin yung direction eh!
Naupo nalang muna ako sa isang bench at hinintay si Ken.
"Hi Margo!" rinig komg bati ng isang lalaki mula sa likuran ko alam kong si Ken yon, kaya humarap ako ng nakangiti.
"Hello hehe!" nahihiyang bati ko pa.
"Nag breakfast kana ba?" tanong niya at naupo sa tabi ko.
"Ah oo!" sagot ko.
"Medyo malelate daw ng pasok si Paulo ngayon, gusto mo ba munang gumala dito sa university?" tanong niya.
"Ay ayoko gumala eh haha! Pupunta nalang muna ako sa library!" nahihiya pading sagot ko.
"Ah okay sige samahan na kita!" pagpiprisinta niya.
"Wag na baka may gagawin ka pa eh!" sagot ko at tumayo na, tumayo nadin naman siya
"Wala naman akong gagawin!" sagot niya.
"Ah okays sige tara!" pagpayag ko nalang.
"Tara!" sagot niya at naglakad na, naglakad nalang din ako.
Naglalakad lang kami ng may biglang tumawag kay Ken.
"Hoy ken!" sigaw ng isang lalaki mula sa likod kaya naman napaharap kami ni Ken sa kanila, tatlo sila, sila yung kasama sa grupo nila Ken na sinisigawan ng mga babae.
"Oy mga dre!" balik na tawag ni Ken sa kanila at lumapit sila sa amin.
"Hi miss what's your name?" nakangiting tanong sakin ng isang lalaki na hindi ganon katangkad. Magsasalita na sana ako ng biglang...
"Ms. Czaine! Kanina pa kita hinihintay sa song writer room!" singit ni John Paulo na kararating lang, ang sungit niya.
"Ah sorry di ko kasi nahanap agad yung room" paghingi ko ng tawad.
Sabi ni Ken may ginagawa pa siya?
"Ang harsh mo naman sa kanya Chona!" sabat nung isa nilang kasama na pinakamatangkad sa kanila.
"Oo nga kalmahan mo lang dre!" sabat pa nung isa na maganda ang mata.
"Tsk sayang kasi yung oras!" sagot naman ni John Paulo.
"Let's go Ms. Czaine!" dugtong niya pa at naglakad na.
"Ah sige Ken una nako ha!" pagpapaalam ko kila Ken na ngumiti nalang at sumunod nako kay John Paulo.

Justin De Dios P.O.V.
"Anyare kay Pau?" agad na tanong ni Stell ng makaalis si Pau.
"Oo kahapon ko pa napapansin yon" sabat ko.
"Hoy ang ganda pala ni Margo noh!" singit ni Josh na halatang lutang iba yung iniisip niya.
"Oo dre talented pa!" sabat ni Ken.
"Hoy ano ba kayo? Bat yung Margo topic niyo eh si Pau pinaguusapan natin dito!" pag suway ko sa kanilang dalawa.
"Ano ba problema kay Pau? Di na kayo nasanay don eh lagi naman masungit yon!" sagot ni Josh.
"Haynako tara na nga!" aya ko sa kanila at naglakad na, naglakad nadin naman sila.
"Parang nakakaexcite tuloy makasama siya a club!" sabi nanaman ni Josh.
"Oo dre, sarap niya kasama sa dance floor eh!" sagot naman ni Ken.
"Balita ko nga magaling daw kumanta ng matataas yon eh! Baka matalo pako non!" pati si Stell sumingit na.
"Oh sige pag usapan niyo lang si Margo ha!" naiinis na sabi ko sa kanila.
Oo na tama naman nga sinasabi nila about sa Margo na yon pero pakiramdam ko siya ang magiging dahilan ng away ni Ken at Paulo, knowing Ken hindi siya pumapayag na yung magustuhan niyang babae ay hindi mapasakanya.
"Oy Sir Justin!" rinig kong sigaw ng isang babae na papalapit sakin, si Ren! Napakalakas talaga ng boses ng babaeng toh eh!
"What do you need?" agad na tanong ko sa kanya.
"Ahm ano ipapasa ko na kase sayo yung pinagawa mong painting saken kahapon!" nakangiting sagot niya at pinakita sakin ang magandang painting niya.
"Ikaw lang gumawa niyan? Bakit ang bilis?" nagtatakang tanong ko. Kung titignan mo kase ang painting niya ay parang hindi lang isang gabi ginawa, at kuhang kuha ang nasa litratong binigay ko sa kanya, parang printed.
"Shempre sabi ko naman sayo eh kaya kong tapusin ng isang gabi lang yon hahaha!" pagyayabang nanaman niya.
"Oh edi ikaw na magaling!" sabi ko at kinuha ang painting niya.
"Pwede pang display sa gallery room! Tara samahan moko!" aya ko sa kanya at naglakad na, sumunod naman na siya.
"Pasado naba sayo yan? Easy nga lang ng pinapaint mo eh!" pagdadaldal niya, isang araw ko palang siyang nakasama pero parang sanay nako sa ingay niya.
"Yabang mo talaga! Pero tama ka ang easy nga lang non, mamaya may ipapa-paint ako sayo at gagawin mo sa harap ko para malaman ko kung di kaba nangdadaya!" sabi ko sa kanya at binuksan ang gallery room ng school tsaka pumasok. Pumasok na din siya.
"Wow!!! Ang ganda naman dito!" namamanghang sabi niya at inilibot pa ang paningin niya kala mo gayon lang siya nakakita ng ganito. Isinabit ko sa pinakaentrance wall ang painting niya at sinindihan ang led lights non.
"Part na ng magagandang paintings ng university ang painting mo!" nakangiting sabi ko.
Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil siya palang ang nakapagpinta ng maayos sa litratong matagal ko ng gustong maipinta. Ang litrato ng Grandparents ko.
"At dahil kasali na ang painting mo dito gusto kitang icongrats, tara kain tayo treat ko!" pag aya ko sa kanya.
"Treat mo? Eh wag na nakakahiya!" malakas ang boses na sabi niya.
"Please be quiet while your here in the gallery room!" pagsasalita ng nagbabantay sa gallery room, sa speaker lang nagsalita yon.
"Ingay mo pa eh tara na!" aya ko sa kanya at hinatak ang kamay niya.

Hila-hila ko parin siya ng makarating kami sa cafe.
"Maupo kana diyan, ano bang gusto mong pagkain?" paguutos at tanong ko sa kanya.
"Ahm kahit ano!" sagot niya at naupo na, naglakad ako papunta sa counter upang umorder ng kakainin namin....

THE FIVE BADBOY'S COURT ME (Destiny Works)Where stories live. Discover now