CHAPTER 4:

25 7 1
                                    

Margaux Czaine P.O.V.
Nandito na kami sa song writer room at tahimik lang akong nakaupo sa sofa habang si John Paulo ay may hinahanap ata na papel sa mga envelope na nakahilera.
Nahihiya ako sa nangyari kanina, napaghintay ko pa siya. Pero ang sabi kasi ni Ken ay may gagawin pa siya kaya mahuhuli siya.
"This!" biglang sabi niya at humarap sakin hawak ang isang envelope, naupo siya sa isang sofa na kaharap ko.
"Can you read this song? And kulang pa kase yung lyrics nayan try mong dugtungan!" utos niya at inabot sakin ang envelope, kinuha ko naman yon.
"Okay!" nakangiting sabi ko at binuksan yon, pilit kong tinatago ang pagka-ilang ko sa kanya.
"I'm sorry pala sa kanina! Kung nasungitan kita!" paghingi niya ng tawad.
"Its okay!" nakangiting sagot ko habang binabasa ang song.
"Ah am Pau may alam nako na pwedeng idugtong dito pwede ba itong sulatan?" dugtong ko pa.
"Oo naman sige sulatan mo na" pagpayag naman niya kaya naman nagsimula na akong isulat ang gusto kong idugtong sa kanta.
Nagulat ako ng lumipat siya sa tabi ko at nakibasa sa sinusulat ko.
"Ayos ah tugmang tugma yung dinugtong mo!" nakangiting sabi niya, ngumiti lang din ako.
-After a minutes-
"Ayan tapos na!" nakangiting sabi ko at tinapos ang pagsusulat.
"Okay na try niyo nalang kantahin nila Stell bukas!" nakangiting sabi niya at kinuha ang envelope at ang papel na sinulatan ko tsaka nilagay sa table niya.
"After lunch pa naman ang klase mo diba?" tanong niya sa akin.
"Ah yes!" sagot ko naman.
"Tara sabay na tayong maglunch, if okay lang sayo!" tanong niya.
"Ahh oo naman" pagpayag ko.
"Let's go?" tanong niya at tumango lang ako, nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko bago siya naglakad. Wala naman akong nagawa naglakad nalang din ako, sinara niya ang pinto ng room bago kami dumeretso sa hallway.
Nakakahiya kase pinagtitinginan kami ng mga students, and also pinagchichismisan na sigurado hays!

Ilang minuto lang kaming naglakad at nakarating nadin kami sa cafe, inilibot ko ang paningin ko at nahinto yon sa apat na kaibigan ni Pau, andon si Ken. Masama ang tingin niya sa kamay namin na magkahawak. Bakit?
"Ako nalang mag oorder upo kana diyan!" biglang sabi ni Pau kaya naiwas ang tingin ko sa apat, tinuro niya ang isang table na pangdalawan kaya naman naupo nalang ako don. Binitawan niya ang kamay ko at pumunta sa counter.
"Hoy behh!" sigaw ni Ren habang tumatakbo palapit sakin.
Kaingay talaga!
"Ingay mo!" pag sita ko sa kanya.
"Sorry naman noh, ikaw kase haba haba ng hair mo hahahaha!" tumatawang sabi niya at malakas padin ang boses kaya naman tinakpan ko na ang bibig niya pinagtitinginan na kasi kami.
"Beh ano ba ingay mo?!" bulong ko sa kanya.
"Oy anong nangyari sa inyo?" biglang tanong ni Pau, nakabalik na pala siya.
"Ah wala hehe!" binitawan ko si Ren at umayos na ng upo.
"Hi President hehe sorry nakastorbo pala ko sa inyo sige una nako enjoy!" pagpapaalam ni Ren at tumakbo paalis.
"Pasensya pala don sa kaibigan ko hehe!" paghingi ko ng pasensya.
"Wala yon, let's eat na!" sagot niya at nilapag sa harap ko ang pagkain.
"Thankyou!" pagpapasalamat ko at nagsimula ng kumain.
"May kasabay ka bang uuwi?" tanong niya habang kumakain.
"Wala hehe mag tataxi lang ako!" sagot ko.
"Sabay ka nalang sakin ihahatid kita!" pagpiprisinta niya. Hindi ako nakasagot dahil biglang tumunog ang cellphone ko, binuksan ko yon at nag chat si Ken.
"Margo, sabay tayong umuwi mamaya, pwede?" chat niya.
Hala pano yan? Eh inaaya din ako ni Paulo?
"Ah may pupuntahan pa kasi ako ken!" reply ko nalang.
"Pau may pupuntahan kase ko eh next time nalang siguro!" sagot ko kay Pau.
"Saan naman sasamahan nalang kita!" reply ni Ken.
"Samahan na lang kita!" sagot naman ni Pau.
"Susunduin kase ako ng kuya ko!" sagot ko kay Pau at si Ken di ko na muna nireplyan.
"Ah okay!" tanging nasabi nalang ni Pau at inilibot ang paningin niya habang may laman ang bibig.
"Close pala si Jah at yung kaibigan mo noh!" biglang sabi niya habang nakatingin sa isang table kung saan nandon si Ren at Jah na parehas nakangiti sa isa't isa.
"Siguro hehe di ko pa kase nakaka-kwentuhan yung kaibigan ko na yon eh busy kami parehas!" sagot ko at nagtuloy sa pagkain. Ganun din ang ginawa ni Pau kumain na din ulit siya.
Kung titignan ang dalawa, si Ren at yung Jah. Para silang magkasintahan, at kahit magkaharap lang sila ay parehas silang nakangiti, parang naguusap ng mata sa mata.
"Bagay sila noh!" nagulat ako ng biglang sumulpot sa tabi ko si Ken. Malalim ang boses niya at nakakagulat den talaga.
"Bakit ka nanggugulat?!" pilit kong pinahinahon ang boses ko.
"Wala lang haha focus ka kase sa dalawa eh!" sagot niya, inalis ko naman  ang tingin ko sa dalawa.
"What do you need Ken?" malamig ang tono ng boses na tanong ni Pau kay Ken.
"Wala, gusto kong makasabay din na kumain si Margo!" nakangiting sagot ni Ken, pero bakit pakiramdam ko ay iniinis niya si Pau?
"Pwede namang sa ibang araw nalang!" rinig kong bulong ni Pau at tumingin sa gilid niya.
"Eh gusto ko ngayon eh!" sagot ni Ken, di na sumagot si Pau halatang naiinis na.
Randam ko ang namumuong tensyon sa pagitan ng dalawa habang magkakaharap kaming kumakain.
"Alam niyo di niyo naman kailangan mag ganyanan eh! Diba magkaibigan kayo?" pagtatanong ko at parehas silang tumango lang.
"Pwede naman tayong mag sabaysabay kumain ng hindi kayo nagiinisan eh maluwag naman ang mesa! Kapag ganyan kayo ng ganyan di nalang ako sasabay sa inyo!" dugtong ko pa.
"Sorry Margo!" sabay nilang sabi.
"Magbati na kayo!" utos ko sa kanila, umaasa akong susundin nila ang utos ko.
"Sorry dre!" paghingi ng tawad ni Pau at nilahad ang kamay niya.
"Sorry din dre!" paghingi din ng tawad ni Ken at nakipag shake hands kay Pau, parehas na silang nakangiti.
"Oh diba! Mas bagay sa inyo yung nakangiti!" nakangiting sabi ko din at tinapos na ang pagkain ko.
"Pero ihahatid kita mamaya pauwi!" sabay nilang sabi at nagkatinginan pa. Tinaasan ko sila parehas ng kilay.
"Ihahatid ka nalang namin parehas!" sabay nilang sabi at medyo tumawa pa.
"May dadaanan pa nga ako!" sagot ko.
"Edi sasamahan ka namin!" sabay nilang sagot.
"Sasama din kami!" biglang singit ng dalawa pa nilang kaibigan.
"Heh! Di kayo kilala don kayo!" sabi ni Pau sa kanila at nag rolled eyes pa. Taray!
"Edi magpapakilala kami,  hi I'm Stell Vester "Pogi" Ajero!" nakangiting pagpapakilala ng maganda yung mata.
"And I'm Josh Cullen "Maangas" Santos" pagpapakilala din nung isa, ngumiti nalang ako alam kong kilala na nila ko, kase nagpakilala naman kami nung first day.
"Pogi? Maangas? Nako Margo wag kang maniwala, wala sa pangalan nila yon hahaha!" natatawang sabi ni Pau.
"Alam ko, kilala ko na sila!" sagot ko.
"Kilala na pala kami eh, so pwede na kaming sumama sa paghatid sayo Margo?" tanong ni Stell.
"Ahm nasa dalawa ang desisyon hehe!" sagot ko.
"Bawal!" sabay na sagot ng dalawa.
"Dre naman pumayag na kayo!" pagpilit ni Josh.
"Oo na sige na!" napipilitang sabi ni Pau.
"Payag na hahaha!" masayang sabi ni Stell at nagpatuloy na kami sa pagkain.
Nang matapos kumain ay sabay sabay kaming pumunta sa classroom para sa klase. Mahigit apat na oras din ang tinagal ng klase. After non ay hinatid na nila ako.

THE FIVE BADBOY'S COURT ME (Destiny Works)Where stories live. Discover now