CHAPTER 6:

25 7 0
                                    

Margaux Czaine P.O.V.
It's morning again at nakabihis na ako pababa nadin ng hagdan.
"Margo! Anak may naghahanap sayo dito sa labas!" sigaw ni Mama mula sa labas ng bahay namin kaya lumabas nalang din ako.
"Goodmorning Margo!" sabay sabay na bati ng apat sa akin kaya naman napangiti nalang ako.
"Nako anak ha! Bakit apat apat ang sumusundo sayo?!" tanong ni Mama na may halong pang aasar ang tono ng boses.
"Ahh mga kaibigan ko po Ma!" sagot ko.
"Soon to be manliligaw po!" biglang sabi ni Stell kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Nako hahaha si Margo ang magdedesisyon niyan!" nakangiting sagot ni Mama.
"Tsk Mama una napo kami malelate na din po ako eh!" pagpapaalam ko kay Mama at yumakap bago lumabas ng gate.
"Alis na po kami tita!" sabay sabay ulit na sabi nila bago kami naglakad.
"Nagpractice ba kayo?" tanong ko sa kanila.
"Practice? May practice ba?" pagtatanong Ken.
"Hahaha I mean sabay sabay kase kayo magsalita hehe!" sagot ko.
"Ganon talaga kami hahahaha!" natatawang sabi ni Stell.
"Angas ni Jah sinundo yung Ren hahaha!" biglang sabi ni Pau habang nakatingin sa cellphone niya.
"Mas maangas paren tayo dre sinundo kaya natin yung pinaka- talented sa school!" nakangiting sabi naman ni Josh.
"Umagang umaga nangbobola ka Josh haha!" nahihiya pang sabi ko.
"Totoo naman yon eh!" pagsang-ayon naman ni Ken.
"Wala na kong laban nagkasundo na kayo eh!" nasabi ko nalang.

Dahil sa malapit lang ang school sa bahay namin ay nakarating din kami kaagad.
"Saan schedule mo ngayon Margo?" tanong sakin ni Stell.
"Sa painters club siya ngayon!" sagot ni Pau.
"Kabisadong kabisado ha! Hahaha!" natatawang sabi ni Stell.
"Kailan schedule niya sa singers club?" tanong ni Josh.
"Monday!" sagot ni Pau.
"Ilang days pa!" parang dismayado ang tono ng boses ni Josh.
"Oh bakit dismayado ka dre?" tanong ni Ken.
"Wala wala!" tanging sagot ni Josh.
"Ah guys mauna nako ha baka malate ako sa schedule ko!" pagpapaalam ko.
"Ihahatid ka na namin!" prisinta nila.
"Ehh wag na sinundo niyo na nga ako sa bahay eh!" pagtanggi ko.
"Sige na Margo ihahatid kana namin pumayag kana!" pagpilit ni Stell.
"Hayst okay sige na nga tara!" pagpayag ko nalang at nauna nang naglakad.

Jah De Dios P.O.V.
"Oh pano dito na room ko see you nalang mamaya!" pagpapaalam sakin ni Ren.
"Sige see you! Sabay tayong mag lunch ha!" pagpapaalala ko sa kanya.
"Okay!" nakangiting sabi niya at pumasok na sa room niya kaya naman naglakad na ko pabalik sa painters room.
She's so cute!

Nakarating din agad ako painters room, dumeretso akong naupo sa swivel chair ko. Si Margaux Czaine ang naka-schedule na makakasama ko ngayon.
Mula rito sa kinauupuan ko ay natatanaw ko ang apat kong kaibigan kasama si Margo. Mukhang gusto nga talaga nila si Margo, kung makikita ang mga ngiti ng mga kaibigan ko, kakaiba yon! Ngiting halatang inlove! Ang problema lang ay sa isang babae sila na love at first sight.
"Jah!" rinig kong pagtawag ni Stell sakin sa may pinto ng room.
"Pasok!" sagot ko. Pumasok silang apat kasunod si Margo.
"Dre iwan na namin sayo si Margo ha wag mong sungitan masasakal kita!" pagbabanta ni Ken.
"Tsk di naman ako masungit kayo nga ni Pau yon eh hahaha!" pang aasar ko sa kanila.
"Oh tapos pake mo?" pagsusungit ni Pau at nag rolled eyes pa.
"Sige na mag si alis na kayo para makapag start na kami ni Margo" pagpapaalis ko sa kanila.
"Bye Margo!" sabaysabay na sabi nila at lumabas na, sinara ko naman ang pinto.
"Nakapagtry kana bang mag paint?" tanong ko kay Margo na halatang nahihiya pa.
"Ah yes!" sagot niya.
"Wag kang mahiya saken haha!" natatawang sabi ko.
"Okay!" nakangiting sabi niya.
Beautiful!
"Upo ka muna tapos pili kana ng ipepaint mo diyan a may album!" nakangiting sabi ko na sinunod naman agad niya.










THE FIVE BADBOY'S COURT ME (Destiny Works)Where stories live. Discover now