-7 Happiness

92 28 8
                                    

Parang nabibingi ako at tanging hininga ko lamang ang naririnig ko, at parang bumugal ang takbo ng oras dahil sa litrato lang ni Erayne nakatutok ang mga mata ko.

"Asra..."

"Asssraaaa!"

"ASRA CELESTE MINAUR!" bahagya akong napaigtad at marahas na kumurap at tumingin kay Callee na nakakunot ang noo. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at hinawakan ang batok ko saka nangunang naglakad papalayo.

Nahinto ako nang makita si Doc. Trish na nakapamulsa at nakatitig sa'kin ng walang emosyon. Pinagkrus niya ang mga kamay at lumapit sa'kin, ngunit ang mga mata niya ay agad na dumapo sa litrato sa likod ko.

"Are you feeling better, Celes?" Ngumiti ako ng magiliw at tumango. Ngumiti siya at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko at isinukbit sa tainga ko. Tsaka hinaplos ang pisngi ko.

"Sanaol." Pareho kaming napatingin ni Doktora kay Callee na kumakain ng vegie chips. Nagtinginan kami saka sabay na natawa.

"We will start your chemo next next month, Asra." Nakangiting ani ni Doc sa'kin, bahagyang nawala ang ngiti ko ngumis agad ding binawi 'yon nang mas magandang ngiti.

"Copy, Doc." Nasa kwarto ko siya ngayon at tinitignan ang katawan ko, dumalas kasi this week ang pagdugo ng ilong ko. Lalo na ang pamumula ng mga petiache ko, madalas na ring nanunuyo ang bibig ko kahit na maglabas ako ng laway.

Mas lalo din akong namayat at pumutla, pero aside from that ay wala na. Nakakalakad pa din naman ako nang maayos at nakakapag-enjoy. Pinutol na ni Doctora ang mahabang buhok ko kaya hanggang leeg nalang 'yon ngayon. Narinig ko naman kahapon na biglaan daw ang pag-ayos ng pakiramdam ni Callee.

Si Matthan naman... ay wala parin daw nahanap na Heart donor.

"Doc.."

"Mm?"

Humarap siya sa'kin at nakangiting umupo sa paanan ko. "What is it?"

"Erayne." Kagat labing sagot ko, ngumiti siya at huminga ng malalim.

"Mm?"

Pinaghawak ko ang mga kamay ko at magsasalita na sana nang biglang bumukas ang pinto at nakangiting pumasok doon si Matthan habang may dalang face mask. Naramdaman ko ang paglundag ng puso ko at excitement sa'kin.

"Oh? I'm sorry, I just want to treat, Asra." Nakangiting sabi niya habang nakatingin kay Doc, iwinagayway pa niya ang face mask.

"Oh, okay. Babalik okay?" Nagpalit-palit ang tingin niya sa'min kaya sabay kaming nakangiting tumango ni Matthan, nakangiti rin si Doc na lumabas sa kwarto ko.

"Saan tayo?" Parang batang naeexcite na tanong ko.

"Wala naman, sa rooftop lang." Tumawatawa niyang sagot, pero hindi ko nagawang mainis. Ngunit mas lalong lumawak ang ngiti ko nang makita ang dala niyang instax. "Tutal mahilig ka din sa langit, ito. Sayo na'to."

Nanlaki ang mga mata ko at walang tigil na kumurap habang nakatitig sakaniya. Malakas naman siyang tumawa at nanguna sa'kin.

Nanatili akong nakatayo sa pinto ng rooftop, pumikit ako at pinaghawak ng mahigpit ang mga palad ko.

Kung ano man ang binabalak ng mundo sa parehong landas namin, sana ay magka-ibang daan ang tatahakin namin.

Dahil hindi ko kakayaning iwan ang mundo kapag iisang daan at magkakasalubong kami sa landas na gusto kong bitawan.

Nagmulat ako at pumasok ng may magalak na ngiti sa mga labi. Nakatalikod siya sa'kin at kumukuha ng mga litrato. Tahimik kong tinahak ang daan papalapit sa'kaniya at inakbayan siya.

Midnight LoveWhere stories live. Discover now