-8 ✅

88 26 9
                                    


Mabilis kong natahak ang daan papunta sa kwarto ko, pero naramdaman ko ang pagkahilo at pagtulo sa ilong ko.

"Asra!" Malakas na sigaw ng isang nurse, napahawak ako sa wall at hinawakan ang ilong ko. Agad akong napa-iling nang makita ang makapal na kulay ng dugo. "Jusko! Doc! Doc! Doc!"

Pumikit ako at napa-iling, naramdaman ko nalang ang mga nagkakaundagagang kamay na sumapo sa'kin.

"Anak?" Tumagilid lang ako ng higa nang marinig ko si Mama, this days, hindi ko sila pinapapunta ni Papa dito dahil sa itsura ko. Pumapayat ako at mas lalong pumuputal. "Anak, please. Talk to us, baby."

Umupo ako pero nakatalikod parin sakanila. "Mama, ang sabi ko naman po sainyo, next month nakayo pumunta dito." Bumuntong hininga ako. "Please, umuwi na muna po kayo."

Ilang minuto lang ay naramdaman ko ang higpit ng yakap ni Mama at halik sa uluhan ko. At hindi tumagal ay ang pagsarado ng pinto naman ang sumunod, nagsunod-sunod ang luhang kanina lang ay bumabadya.

"You're too sick, Asra..." pinuno ng boses ni Doc. Trish ang kwarto ko, yumuko ako at lumuluhang pinalaruan ang mga daliri ko.

"How sick, please."

Naramdaman ko naman ang paglubog ng higaan ko, umupo siya sa likod ko. "The cancer is everywhere, Asra. It's eating you already."

Napapikit ako at mahinang humagulgol, I cried like a child, it's like the first time. Doc caressed me, but it didn't do anything because I didn't stop.

Niyakap niya ako at kinulong sa mga bisig niya, nakatagilid ako at nakasandal sa dibdib niya habang siya naman ay nakahalik lang sa uluhan ko. "I think... Matthan is a redname"

Natigilan naman si Doc at yumuko para tignan ako, pero hindi ko inalis sa pangalan niya ang mga mata ko. Tuloy-tuloy padin ang mga luha ko.

"Parang ang hirap niyang hindi tanggapin." Nahihirapang dagdag ko. Umiling si Doctora at hinaplos ang pisngi ko.




3 days passed after the minor incident, I became more quiet. Madalas ako sa gym at sa kwarto. Kahit si Callee ay hindi ko hinaharap, I cutted everyone except Doc, Trish.

Nasa rooftop ako ngayon ay kumukuha ng litrato ng mga ulap.

"Celeste." Hindi man tumingin sakaniya ay alam kong nasa likod ko na siya. Sa tatlong araw na hindi siya nakikita ay tila nangulila ako. Nang hindi ako sumagot ay dahan-dahan siyang umupo sa tabi ko at matunog na bumuntong hininga. "How are you?"

"Fine." Matipid na sagot ko, muli ko siyang narinig na bumuntong hininga munit nanahimik na. Tumingala ako at pumikit nang umihit ang malakas at malamig na hangin.

Ilang araw nalang at uumpisahan na ang chemo ko, matipid akong ngumiti. "How are you, Matthan?" Saka ko siya tinitigan.

Tumingin siya sa'kin, nakita ko kung paanong nabuhay ng tuwa ang mga mata niya. Saka siya ngumiti. "I'm fine, those 3 days were so boring without you." Mahabang sagot niya habang tumatawa.

I'll think of my happiness for awhile, and stop stressing about things that can complicate me more. Tumawa ako at tinitigan si Matthan.

"Tara mami," anyaya ko, saka ako bumaba sa pagkaka-upo at inabot ang kamay ko sakaniya. "Dalian mo, gutom na'ko..."

Pag-abot at pagkababa niya ay huminga ako ng malalim at hinawakan ang mukha niya saka siya hinalikan...

Matthan's POV

Nanlaki ang mga mata ko at hindi gumalaw sa kinatatayuan ko, nasa ere parin ang mga kamay ko at naging bato sa ilang minutong nakadikit ang labi ni Asra sa labi ko.

Midnight LoveWhere stories live. Discover now