Kabanata 10

166 10 0
                                    




VIXEN'S POV.




Kanina pa ako kinukulit ni cesia tungkol sa nangyari nung nasa forbidden forest kame, hindi pa raw siya nakaka move on at nalilito pa raw siya sa nangyayari. syempre bilang magandang dilag ay hindi ko siya sinagot hehehe tinatamad pa kase ako mag kwento at iniisip ko pa kung anong irarason ko sa council pag pinatawag na kame, mag papaliwanag din naman ako sa mga nangyari kanina pero mamaya na pag na naka pag isip na ako ng pwedeng irason sa council para hindi kame parusahan, nakaka takot pa naman yung isang myembro ng council don masyado matapang kaya wala paring asawa hanggang ngayon.



Nandito kame sa loob ng guild ngayon at hindi muna pumasok dahil kakauwi lang namin ka gabi, tatlong araw pala kameng nandon sa forest nayon at napanis yung ice choco ko shuta. baka mamaya nandito na ang mga sundalo sa loob ng council, dapat mag pasalamat sila dahil wala na ang nakakatakot na forest nayon diba? tsk mga walang utang na loob luh?.


"Sabihin mo na kase vixen!." ay makulit ito bigwasan ko kaya siya, alam kung hindi siya titigil ang hindi na kukuha ang sagot.


"Si Blaze ang tanungin mo! tyaka napaliwanag na ah? ayaw mag move on bhe?." tinaasan ko siya ng kilay, pero ang gaga tinawanan lang ako, baliw na.


"Ako?." biglang sumulpot si blaze sa harapan ko kaya muntik na akong matumba, mamamatay ako ng maaga sa gulat sa isang ito e! kabute ba siya?.


"Oo baka naman gusto mo na ikaw na lang ang mag paliwanag sa kanya, at bakit mag pinsan kayo ni Night? e dalawa lang naman na mag katapid ang ama ni night at ang ina ni aine?." meron bang kapatid sa labas tatay nila? pero mukang wala naman kase hindi naman mukang magkaka anak sa iba yung lolo nila masyado kaya yung madikit sa asawa niya daig pa linta.



Tyaka hindi ko narinig ang pangalan ni blaze o ang apelyido nila nung na punta ako doon, tinignan ko si blaze pero wala talagang pag kakapareho sa mga Cosmo e.




"Hindi kase talaga kame mag pinsan." humawak siya sa batok niya at parang tangang tumawa. "Paano koba ipapaliwanag." pagka sabi niya non ay umupo siya sa harap namin at inayos ang sarili na akala mo ready na sa paglilitis. "Ganito kase yon, ang ama ko at ama niya ay matalik na mag kaibigan, ang kwento sakin ay nanirahan daw si ama sa palasyo ng mga cosmo at trinayong parang pamilya, anak at kapatid. Nag layas raw kase si ama noon, ayon ang kwento sakin tapos naging matalik na mag kaibigan daw ang ama ni night at ang ama ko at sa pag lipas daw ng panahon na nandon ang ama ko ay tinuturing nadin daw siyang anak at kapatid sa pamilyang cosmo kaya parang pinsan ko si night kahit hindi kame mag ka dugo at secret na ang iba." privacy baga tama tama pwede nayon, naintindihan ko hmmm parang gusto ko ihug si tito? dad? luh? echosera!.



Ngayon nandito ako malaya sa posisyong naka kabit sakin, sisiguraduhin kung maging masaya naman ako. kahit naman gala ako ay hindi ko din masasabing masaya yon dahil alam kung babalik ako don para isakatularan ang misyon at naka atang na katungkulan sakin. Alam kong nasaakin parin ang posisyon nayon pero natutuwa akong kahit ganon naka apak ako dito para mag liwaliw at kalimutan ang katungkulan ko at kahit papaano ay maging masaya hanggang sa matapos ang gulong alam kung hindi pa nag sisimula.



"ikaw naman vixen bakit mo tinawag na brother in law si night?."  tanong sakin ni blaze na ngitian ko lang at aktong kinikilig.


nginiwian ako ni blaze dahil sa ginawa ko, masyadong epal nag eenjoy akong kiligin sa tuwing naiisip ko siya. nagtataka rin ako bakit hindi kilala ni reign si night? siguro dahil hindi pa sila nag kikita, meron kaseng sariling buhay si night at namumuno sa nasasakupan naurr nasasakupan.



The Unknown - Serenity Of ChaosWhere stories live. Discover now