Kabanata 14

162 9 1
                                    


Kinaumagahan ay nasa guild ako ngayon kasama si hade dahil hindi parin niya nakaka-usap si kuya light. Hindi ko alam kung darating ba si kuya light dahil nasa mission siya kasama ang mga alagad niya. May pasok kame ngayon dahil tapos na ang pahinga namin, hayss paano ako makaka gala nito kung sana pwedeng lumabas ng Academy kahit kailangan mo gusto abay pagka tapos pa lang ng klase nasa labas na ako, kaso hindi e awts gege.

katabi ko si hade sa table at nasa tabi niya naman si keigan na mukang wala sa mood. diko na lang ito pinansin at kinain yung pag kain ko na kanina pa nandito sa harap ko. Wala pa si cesia at blaze dito si ash ay nasa counter kausap si Mira si reign ay nasa office ni master at mukang may ipapagawa kay reign. alas otso simula ng klase pero kadalasan ay eight thirty na nag sisimula ang klase, sakto namang pag tingin ko sa pinto ay siyang pag pasok ni cesia at blaze muka pang inaantok si blaze at magulo ang buhok.

Kumaway ako kay cesia ng makita kung nilibot niya ang paningin niya para siguro hanapin kame. Nang makita niya ako ay dali dali siyang nag lakad palapit at hinila niya pa si blaze dahil sa sobrang tagal nito at pipikit pikit pa, ano namang nangyari dito si keigan din wala sa mood at maitim ang ilalim ng mata nag drugs ba itong dalawang ito? jusmeng mga bata.



"Curse Energy."

Napa lingon ako kay hade ng sabihin niya yon? mahina lang yon at alam kung hindi nila maririnig pero katabi ko siya at malakas ang pandinig ko kaya ko narinig nag binulong niya. bakit niya binulong ang isa sa mga kapangyarihan niya?

alam kung napansin niya ako na nakatingin sa kanya kaya lumingon siya sakin. ngumiti lang siya ng tipid sakin at inabala na ulit ang sarili, napa buntong hininga na lang ako dahil don, kailangan niya ba sasabihin ang tungkol doon nakakainis dahil sinasarili niya lang ang problema niya. Alam kung nahihirapan na siya sa curse energy nayon hindi niya kase ito magamit ng maayos dahil narin sa hindi kinakaya ng katawan niya, bukod don lagi niyang inuuna ang emosyon niya at pinipilit ang sarili na ma perpekto ang cursed energy na lumalabas sa kanya.

Cursed Energy, ito ay nabubuo ng mga negatibong emotions at galit, kasakiman. lahat naman ay nakakaramdam ng ganon ngunit siya sa kagustuhan niyang magamit yon nagiging sakim sya at napupuno ng galit ang emotion niya. nag-aalala ako para sa kanya na baka pag dumating ang araw ay hindi niya makontrol ang kapangyarihan niya at siya ay lamunin nito at controlin pero alam kung pag hindi niya nagawang controlin yon may posibilidad na mamatay siya at doon ako natatakot.



"Hade, i don't want to lose you, please." naka yukong binagkas iyon at alam kung narinig niya yon dahil naramdam ko na natigilan siya sa sinabi ko.

Nandito na sila cesia at blaze sa harap namin at naka upo at kumakain. hinayaan ko na lang silang kumain dahil anong oras nadin at papasok na kame.

"Don't worry i won't disappear." tumingin ako sa kanya at nakita kong naka ngiti siya kaya tumango na lang ako at ngumiti sa kanya.

Dami ko nang pinoproblema, mga dark wizard, dark guild, bandido, si black, at ang kung sino ba talaga ang totoong kalaban. tapos madadagdagan pa ni hade para gusto ko na lang tuloy bumalik samin. hindi ko hahayaang mawala si hade o sino man sa mga kaibigan ko, masyado pang maaga para sa totoong laban kaya sisiguraduhin kona walang mamatay samin.




NAPA hawak ako sa lamesa nung biglang yumanig, napa angat ako ng tingin sa lahat at katulad ko rin ay mga naka kapit sila. Napa tayo naman ako ng makarinig ng malakas na pagsabog mula sa labas, nakita kung nangungunang tumakbo si reign sa labas kaya tumakbo narin ako para puntahan kung saan ang pagsabog. nakita kung naka sunod din sakin sila blaze, kaya nag tuloy na ako sa pag takbo.

The Unknown - Serenity Of ChaosWhere stories live. Discover now