Chapter 60

25 5 2
                                    

Chapter 60: Volume 5: My Lover My Friend My Foe (Part 2)

"ARAY! Dahan-dahanin mo naman ang paglalagay ng gamot sa likod ko." Nakangiwing sabi ni Yi Jian.

Napakurap na lang si Lie Feng matapos marinig ang pagdaing ni Yi Jian. Masyado siyang nawili sa pag-alala sa nakaraan kaya nawala na sa isip niya na dahan-dahanin ang paglalagay ng gamot sa likod nito. Napatingin siya sa namumulang mga latay at ilang sugat na natamo nito. Mababaw lang ang mga ito kumpara sa mga naranasan nito sa dating buhay.

"Mabuti na lang at maliit na sugat lang ang natamo mo mula sa latigo na iyon," sabi niya habang pilit na dinadahan-dahan ang paghaplos ng gamot sa mga sugat niya.

"Tss, sabi ko sa 'yo kaya ko 'yon saka—aw! Lie Feng—"

"Halos mawalan ka nang malay kahit hindi pa natatapos ang bilang ng paglalatigo sa 'yo kanina. Mabuti na lang at umulan kaya nagkaroon ako ng rason para patigilin ang pagpaparusa sa 'yo."

"Oo nga. Bakit kaya biglang umulan?" Hanggang ngayon ay umuulan pa rin. Hating-gabi na kaya hindi tuloy makalabas si Lie Feng sa manor niya.

"Hindi ko alam."

"Naalala ko lang noong bago ako napunta sa panahong ito. Maganda rin ang panahon tapos biglang nagkaroon ng bagyo. Tumaob ang sinasakyan naming yate at nahulog ako sa dagat tapos paggising ko—Aray!" Bigla nitong kinagat ang palad niya. "Lie Feng!"

"Maaari bang manatili ka na lang sa kahariang ito?" Ang mga mata nito ay nakikiusap, mahigpit din nitong pinisil ang kamay niya.

"Hindi ako parte ng panahong ito kaya babalik at babalik pa rin ako sa sarili kong panahon."

"Ayokong bumalik ka sa sarili mong panahon. Gusto kong manatili ka lang sa tabi ko."

"Lie Feng, alam ko na nasasabi mo lang 'yan dahil magkamukha kami ni Dou Ji pero magkaiba kaming dalawa. Ang gusto mong manatili ay si Dou Ji pero hindi ako ang taong gusto mong bumalik kaya—Lie Feng?"

"Kung sana ay hindi ka namatay noon ay sana hanggang ngayon ay nandito ka pa rin, Dou Ji." Malungkot na tinitigan siya nito.

Hindi alam ni Yi Jian pero nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso nang tawagin siya nito sa pangalang Dou Ji. Nakuyom na lang niya ang kamao. Sa simula pa lang ay alam na ni Lie Feng na siya ang bagong buhay ni Dou Ji kaya ito lumalapit sa kanya, naging mabait sa kanya. Pinatira siya sa loob ng palasyo dahil nakikita nito si Dou Ji sa kanya. Umasa ito na dahil sa pangako ni Dou Ji na magbabalik ay inakala nitong nagbalik nga ito sa pamamagitan niya. Kaya sa tuwing hahalikan siya nito ay hindi siya ang nakikita nito kundi si Dou Ji. Mapait siyang napangiti, kung sakali pala na hindi niya kamukha si Dou Ji ay hindi siya kailanman mapapansin ng hari.

Napailing siya. Bakit ba ngayon lang niya na-realize ang bagay na ito? Isang hari si Lie Feng samantalang siya ay hamak na dayo lang ay panahong ito. Ang lahat ng tinatamasa niyang kabaitan at karangyaan sa loob ng palasyo ay hindi dapat sa kanya kundi para kay Dou Ji. Bigla siyang napatingin sa bintana, naningkit ang mga mata niya pagkuway ngumiti.

"Lie Feng, pasensya ka na dahil kamukha ko si Dou Ji. Alam ko na masaya ka sa tuwing nakikita mo ako pero hindi ako ang Dou Ji na hinihintay mo. Kaya naman nakapagdesisyon na ako na bukas na bukas din ay aalis na ako sa palasyong ito."

Gulat na napatingin ito sa kanya. "Anong sinabi mo?"

Mapait siyang napangiti pagkuway kinuha ang cell phone mula sa ilalim ng kanyang kutson. Iniharap niya iyon kay Lie Feng. "Maraming bagay sa panahon na ito ang wala sa mga nakasanayan ko sa panahong pinanggalingan ko. Itong cell phone," tinitigan nito ang screen ng phone niya. "Nahihirapan ako na mamuhay dito kahit sabihin pang marangya ang pamumuhay mo."

Unwritten MemoriesWhere stories live. Discover now