Chapter 20

17 3 0
                                    

The Blood Sucker
(SaiDa FanFic Story)

Chapter 20: Bagong Pagsubok

Kinagabihan nung araw na yun, umalis naman sina Jin at Yoongi pero hindi nila pinaalam kung saan sila magtutungo.

"Yoongi, sigurado ka ba sa gagawin nating ito?"

"Susubukan lang naman natin eh. Kailangan natin silang mapigilan bago mangyari ang araw na yun. Kapag nagtagumpay tayo, hindi na nila kailangan pang maranasan ang parating na apokalipso."

Napatango na lang si Jin sa sinabi ng kaibigan.

Habang papunta sa sadya nilang lugar, bigla silang nakarinig nang kaluskos mula sa kanilang paligid.

"Mukhang may naligaw." Saad ni Yoongi nang mapagtanto kung ano ang ingay na yun.

Lumabas naman sa isang kahoy ang isang lalaki. Lumapit ito sa kanila na parang walang takot.

"Namjoon? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Jin sa lalaki.

"Hindi ba pupuntahan niyo siya? May kailangan lang akong sabihin."

"Ano naman yun?" Ani Yoongi.

"Napaaga ang ritwal. Ngayon na nila gagawin yun. Kailangan niyo lang mag-ingat dahil paniguradong maraming bampira ang magtitipon doon. Hindi niyo sila kakayanin at kapag nahuli kayo, makukuha ni Alucard ang lakas na kailangan niya."

"Sandali, paano mangyayari yun? Hindi ba nagkakaroon pa kayo ng krisis dahil nauubos na ang pinagkukunan niyo ng dugo?" Tanong naman ni Jin dito.

"Nagawan na nila yan ng solusyon. Marami silang nakuhang biktima at ngayon ay pinagpipiyestahan na nila yun panigurado." Sagot naman nito sa kanya.

"Paano namin masisigurado na tama nga ang mga impormasyon na sinasabi mo saamin? Hindi kaya padala ka lang ng inyong kamahalan at isa lamang itong patibong?" Si Yoongi.

"Hindi. Nandito ako para makianib sainyo. Alam ko namang marami akong nagawang mali pero pwede pa namang magbago di ba? Katulad niyo, isa lang din akong biktima. Biktima ng pagkakataon. Pinagsisisihan ko na naging anak ako ng Ama niya sa isang tao." Paliwanag nito.

"Kapatid ka rin niya? Sa isang tao? Kaya pala." Tanong ni Jin.

"Kaya pala ano?" Si Namjoon.

"Nakita kita minsan, sinusubukan mo ring magawa ang mga kayang gawin ni Alucard."

"Hindi naman ako nagtagumpay sa mga yun. Kalahati pa rin saakin ay tao. Mahina pa rin ako."

"Kung ganun, sasama ka ba saamin?" Tanong naman ni Yoongi. Wala pa rin siyang tiwala sa kaharap nila ngayon. Pero kung sakali man ay makakatulong siya.

"Oo. Kung yun ang magiging paraan para maniwala kayo sa akin."

~~

Sa bahay ng mga Salazar. Kinabukasan ay agad na tinungo ni Dahyun ang kwarto ng kanyang Ama.

"Pa?" Pagtawag niya dito nang makapasok sa kwarto.

Hindi niya nakita ang hinahanap niya kaya inisip niya na baka nauna na itong nagising. Aalis na sana siya sa lugar nang mapansin ang isang papel sa mesa nito. Iba ito sa mga papel na nasa mesa nito. Nakatiklop ito at may sulat na pangalan niya. Habang ang iba ay maayos na nakapatong lang sa mesa nito.

Kinuha niya yun at binuklat saka ay binasa. Hindi na niya tinapos pang basahin ang sulat dahil sa panimula pa lang na mga pangungusap ng Ama dito.

Agad siyang nagtatakbo sa labas at tinawag ang mga tauhan.

"Young Master, saan po kayo pupunta? Wala naman pong sinabi si Master Yoongi na mag-eensayo kayo ngayon." Aniya ng isang tauhan sa kanya.

"Kailangan kong umalis. Ibabalik ko si Papa dito." Sagot niya dito.

The Blood Sucker (SaiDa FanFic Story)Where stories live. Discover now