Chapter 1: The History of War

17 3 0
                                    

LABING-ANIM na taon na Ang nakalipas, naganap ang unang digmaan Ng mga Tao at Feys.

Sa Kaharian Ng mga Tao na tinatawag na Arunavales Kingdom, Gustong patayin ni King Faicus Ang lahat Ng Feys upang Wala nang matira para labanan siya. Naka-plano Ang lahat Ng pagsalakay Ng grupo ni king Faicus sa araw Ng kapanganakan ni Queen Catherine Fey. Nagpadala Ng sulat si King Faicus Kay King Arcanus Fey Ng sulat para hamunin siya sa isang digmaan. Umayaw pa Sana si King Arcanus dahil sa araw na makikita Niyang isilang Ang kanyang nag-iisang anak gaganapin Ang digmaan ngunit Hindi pwedeng tanggihan Niya Ang hamon Ng isang taong Hari dahil baka akalain nito ay mahihina Ang Feys pagdating sa digmaan at Hindi din pwede nilang malaman na sa araw Ng digmaan, ipapanganak Ang nag-iisang tagapagmana Ng Dark Fey Kingdom.

Tinanggap ni King Arcanus Ang hamon ni King Faicus at ipinabatid sa lahat Ng Feys sa Dark Fey Kingdom Ang paparating na digmaan.

"Sigurado ka ba sa iyong desisyon?" tanong Ng kanyang kapatid na sasama sakanya sa digmaan.

"Oo, Ulysses." Seryosong sagot ni Haring Arcanus sa kapatid.

"Ngunit, Ito ay gaganapin sa araw Ng kapanganakan ni Reyna Catherine." Tutol nito sa desisyon Ng kanyang kapatid na Hari. "Hindi mo masisilayan Ang kapanganakan Ng iyong asawa Kung nandoon ka sa digmaan, aking kapatid." Dagdag na Sabi nito

"Alam ko... Wala Naman akong magawa dahil kapag Hindi ko tatanggapin ang hamon ay baka akalain nito ay mahina tayong mga Feys." Paliwang ni Haring Arcanus sa kapatid

"Eh Kung ganon Lang din Naman ay hayaan mo akong pangunahan Ang grupo sa paparating na digmaan. Hayaan mo akong lumaban sa kabilang hari. Mas mahalaga na Makita mo Ang iyong anak na ma-isilang, kapatid." Sabi nito sa kapatid na Hari.

Napagisip-isipan din ni King Arcanus na baka Tama din Ang kanyang kapatid na dapat ay masilayan nito Ang kapanganakan Ng kanyang asawa. Oras na din para Ang nakababatang kapatid din Naman Ang manguna sa grupo upang Makita Ang galing nito sa pakikipaglaban.

Pagkatapos Ng ilang sandali Ng pag-iisip ay pumayag Ito na Ang kapatid na lamang Ang manguna sa grupo upang lumaban sa mga Tao.

Ang mga Feys ay Wala ding mga kapangyarihan at humahawak din Ng sandata, Ang pinagka-iba lamang nito sa mga Tao ay ito'y nakalilipad at kaka-iba Ang mga itsura.

"Aking mga pinaka-mamahal na Feys sa Dark Fey Kingdom, ako ay humihingi Ng paumanhin sapagkat Hindi ko pangungunahan Ang ating grupo sa paparating na digmaan....." Sabi nito sa lahat Ng nakikinig na mga Feys sa loob at labas Ng kaharian. Nagsimulang nagusap-usap Ang mga Feys nang sinabi Ng kanilang Hari na Hindi nito pangunahan Ang grupo sa digmaan. "Ngunit... Ang aking pinaka-nakababatang kapatid na si Prinsipe Ulysses Ang papalit sa akin pansamantala upang manguna sa ating grupo. Kinakailangan Kong masilayan na isilang Ang aking anak na tagapagmana Ng kahariang Ito sa araw Ng digmaan..." pagtatapos na sinabi ni Haring Arcanus sa mga feys at Nagsipalakpakan Ang lahat pagkatapos nitong magsalita sa harap.

"Hayaan niyo akong manguna sa grupo at ipakita Ang aking mga natatagong galing sa laban.... Kung nasubukan na nila Ang aking kapatid na Hari ay dapat na subukan din nila ako. Ipinapangako Kong Hindi ko kayo pababayaan sa paparating na digmaan. Tayo ay maghahanda at ipakita Ang galing Ng mga Feys na Hindi Tayo aatras sa kahit ano mang Laban!!" sigaw ni Ulysses na gustuhan Ng mga Feys. Ito'y nagsisigawan at nagpapalakpakan sa sinabi Ng nakababatang Prinsipe.

"Patay man o Buhay ay Ang importante Tayo ay may dangal at pagmamahal sa ating bayan. Ipagmamalaki natin na Tayo ay Feys na Hindi dapat minamaliit Ng sinoman! Ipanalo na natin to! Mabuhay tayong lahat!" sigaw nito sa harap ng lahat Ng Feys.

"Mabuhay!" "Mabuhay!" "Mabuhay!" "Mabuhay!"

Nakatingin si Haring Arcanus sa kapatid na tila ba ay sobrang ipinagmamalaki Niya Ito. Niyakap Niya Ang nakababata niyang kapatid Ng sobra-sobra sapagkat Ito ay palaging nasa tabi kapag siya ay nanganga-ilangan.

"I'm so proud of you!" masaya niyang sinabi sa kapatid

"Maraming Salamat, kapatid!" sagot nito.

                                    ——————

ILANG araw nalamang ay magaganap na Ang pinaka-unang digmaan Ng mga Tao at Feys. Ipapanganak na din Ang nag-iisang tagapagmana Ng Dark Fey Kingdom Kaya lahat-lahat Ng Feys ay abala sa paghahanda sa mga gaganapin na pangyayari sa araw na iyon.

Naka-plano na din Ang lahat Ng pagsalakay Ng mga Feys sa Kaharian ni Haring Faicus. Kung Ang mga Tao ay gagamit Ng mga armas katulad Ng sandata, mga bomba at marami pang iba ay Ang mga Feys Naman ay gagamit Ng mga armas na gawa sa Dahon at kahoy na matutulis, gagawa din sila Ng bomba ngunit itong bomba ay kaka-iba, Ito ay naka-lalason at naka-mamatay na abot lamang sa isang minuto. Gumawa din sila Ng isang panangga na gawa sa matitibay na Dahon at bato.

Alam Ng mga Feys na mapapatay nila Ang mga Tao sa pamamagitan Ng mga armas na iyon. Ang kinatatakutan lamang nila ay Ang sandata na gawa sa bakal sapagkat kapag nakahawak Ang mga Feys Ng bakal ay Ang mga ito ay napapaso kaagad. Kaya kapag nakakita sila Ng Bakal sa mga Tao Ito ay agad na natatakot o pumapalayo.

Kahit ano man Ang mangyari, lalaban parin Ang mga Feys kahit ikamamatay pa Ng mga ito. Sa kabilang Banda, Ang iba sa kanilang Kaharian ay nagsasayahan sapagkat ilang araw nalamang din ay isisilang na Ang nag-iisang tagapagmana Ng Dark Fey Kingdom.

Siya Ang mamumuno sa kanilang Kaharian kapag Ito ay nasa tamang edad na. Ito ay rerespetuhin Ng lahat Ng Feys sa kanilang Kaharian bilang isang Reyna at kanilang tagapagligtas Laban sa kanilang mga kaaway.

 

(Please click the star below, to vote! Thank you so much!)

 

A L T H E A   G R A C E

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 09, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE DARK FEY (Book1)Where stories live. Discover now