Seventy: Louie's Home... Or Is He?

2K 77 23
                                    

[One month later.]

"Will you be okay?" Mei looked worried.

Pinilit kong ngumiti bago bumaling dito sabay sabing, "Don't worry, Mei. I'll be fine."

She didn't look convinced though. Not a bit.

It has been a little more than a month since I got the divorce paper from Louie's lawyer. And no, I haven't signed it yet.

"Please tell Louie that I won't sign the divorce paper until he talks to me himself." Iyan ang lagi kong sinasabi sa lawyer kapag kinukulit ako nito.

Yes, I haven't talked to Louie yet. I didn't get a call from him after his lawyer brought me the divorce paper. Not even a text message or anything.

He abandoned me completely. And it friggin' hurts like hell.

And no, I refused to sign that damned paper hangga't hindi ko ito nakakausap nang harap-harapan.

Deserve ko din naman sigurong marinig mula sa mismong mga labi nito kung bakit nakikipaghiwalay na ito, 'di ba?

We've been in a contract marriage, yes I know that. But it's not even two years yet.

Ayokong mag-assume or anything pero alam ko, nararamdaman ko sa puso ko, na kahit papano ay may nararamdaman na din si Louie para sa akin. I believed that everything's going well between us before the accident.

Oo, umasa ako. Umasa akong 'di matutuloy ang divorce. At hanggang ngayon ay umaasa pa din ako.

Whatever his reasons for pushing the divorce, I wanna hear it directly from him. Gusto kong marinig mula sa mismong mga labi nito ang dahilan kung bakit gusto na nitong makipaghiwalay. And now that he's finally coming back to Beijing, I am expecting to finally get that from him.

Yes, Louie's coming back to Beijing today. After staying in the Philippines for more than two months, he's finally coming home.

That's the reason why Mei asked me earlier if okay lang ba ako. She knew about the divorce. She's obviously worried about me.

I'll be okay. I know, I'll be okay.

Inihanda ko na ang sarili ko sa pagdating ng araw na ito. I'm excited and scared at the same time pero alam ko sa sarili ko na kailangan kong harapin to. Para sa akin at sa magiging anak namin.

Wala pa ding ibang nakakaalam na buntis ako. Not even Mei. I kept it a secret to everyone.

It helps that aside from wearing loose dresses --- and the fact na hindi pa naman ganun kalaki ang tiyan ko --- ay hindi na rin ako gaanong naglilihi. Kumalma na kahit papano yung pagsusuka ko. Hindi na rin ako laging nahihimatay.

The baby is okay, thank God. Aside sa lagi akong nagpapa-checkup at sinusunod ko ang lahat ng bilin ng aking doctor, lagi ko din itong kinakausap bago matulog.

"Kapit ka lang, baby, ha?" I would say aloud while running my hand over the little bulge in my tummy. "May pinagdadaanan lang si mommy at si daddy. Pero lalaban si mommy para sa'yo. Kaya lumaban ka din for mommy, ha? 'Wag mong bibitawan si mommy. Samahan mo si mommy sa laban na 'to, baby. Kakayanin ni mommy lahat para sa'yo."

I would fall to sleep every night talking to the budding life inside of me. Noong una ay lagi akong umiiyak. But for my baby's sake, pilit kong nilalakasan ang loob ko. Alam kong hindi makakabuti dito kung lagi na lang ako iiyak.

The past months have been a struggle. I didn't actually know how I survived it. Parang wala na akong ibang ginawa kundi ang hintayin ang araw kung kailan ko muling makakaharap si Louie. The questions in my head were killing me. I needed an answer from him. Kailangan ko siyang makausap.

The Billionaire's Contract Wife  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon