Kabanata 4

10 4 0
                                    

Magaan ang loob ko sa klase dahil hindi ko naman ramdam na ayaw sakin ng mga kaklase ko kaya naging payapa ang unang apat na klase. First day kaya walang masyadong ginawa, introduce lang sa ibang subject at yung iba naman ay nag lelecture na agad.

Nang mag breaktime buong akala ko ay mag isa lang ako ngunit hindi pa naman ako tapos mag ayos ng gamit ko ay napansin ko na ang isang lalaking nakatayo sa labas ng classroom namin. Nang matapos sa pag-aayos ay lumabas ako, sinalubong ako ng ngiti nito

"Kamusta first day?" bungad nito

"Ayos lang"

Nagumpisa akong maglakad kaya sumunod sya

Walang imikan kaming naglakad hanggang makarating kami sa cafeteria, naghanap kami ng mauupuan at tinanong nya ako kung ano ang kakainin ko para sya na lang ang bibili nang sinabi ko ang akin ay akma akong kukuha ng pera sa wallet ngunit agad itong umalis kaya napaupo na lang ako, iniwan nito ang bag nya na nasa harap ko lang at naghintay na lang ako sa pagbalik nya.

Madami ang estudyante pero hindi naman masikip dahil malaki naman ang cafeteria na ito. Maya-maya lang ay natanaw ko sya na papunta sa table namin kaya umayos na ako ng upo, nang makarating sya ay agad kong inabot sa kanya ang bayad ko ngunit tumatanggi sya

"Libre ko na"

Umiling ako

"Hindi ako sanay please tanggapin mo na lang"

Sya naman ang umiling

"Hindi ko kakainin yan"

Napatitig ito sakin at natawa at tinaggap na ang bayad ko.

"Pag-uwi sabay ulit tayo ah" biglang salita nito sa kalagitnaan  namin ng pagkain

"Okay lang kahit wag na, baka magkaibang direksyon ang sasakyan natin"

"Edi ihahatid kita hanggang sa sakayan"

"Wag na baka matagalan ka lang sa pag uwi"

"Di yan"

Umiling ako

"Okay lang talaga, kaya ko naman"

Hindi na sya nagsalita at nagpatuloy lang sa pagkain. Nang matapos ay akala ko didiretso na sya sa building nila dahil malayo-layo din ito sa building namin ngunit laking gulat ko nang sumunod ito sakin

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya

"Uhm okay na 'ko kaya ko naman ng bumalik sa classroom"

"Sure ka?"

Tumango ako

"Thank you pala"

Ngumiti ito at kumaway sakin ngunit nanatili lang ito sa kinatatayuan nya kaya ako na ang tumalikod ang nagsimulang maglakad.

Sa mga sumunod na klase ay kagaya lang din ng nauna, maaga kaming pina dismiss ng teacher dahil wala pa naman masyadong gagawin. Nag ayos na ako ng gamit at lumabas ng classroom, sa pagbaba ko ng building ay nakasalubong ko si ethan na ngayon ay paakyat naman

"Tapos na class nyo?"

Tumango ako

"Tara sabay na tayo" at nauna na syang bumaba

Binilisan ko ang lakad ko para maabutan sya

"Uhm kaya ko namang umuwi mag isa"

Huminto ito sa paglakakad at humarap sakin

"Kahit hanggang sakayan lang, please?"

Napabuntong-hininga ako at tumango na lang

Nagsabay kaming maglakad hanggang sa makalabas kami ng school. Nang makarating kami sa sakayan ay nag antay pa kami ng masasakyan ko

"Hindi ka ba comportable sakin?" napalingon ako sa kanya sa biglaan nyang pagtanong. Seryoso lang ang itsura nya

Hindi agad ako nakasagot

"Kasi parang iwas ka... Gusto mo ba na hindi na kita kukulitin?"

Hindi ako makasagot sa tanong nya dahil hindi ko din alam kung ano ang isasagot ko

Feel ba nya ayaw ko sa kanya?

"Kasi kung sasabihin mo lalayo naman ako, sorry tinry ko lang makipag friends sayo but if that makes you feel uncomfortable then hindi ko na lang ipipilit"

Napayuko ako

Hindi ko naman expected na ganun ang dating sa kanya, ayoko lang talagang makaabala sa kanya at isa pa hindi ko alam kung paano makitungo sa kanya

"Wag ka maguguilty ah okay lang naman gagi"

"Hindi naman sa ganun" mahinang sambit ko

Napa-angat ako ng tingin sa kanya at nakatingin ito sakin

"Ayoko lang makaabala sayo at hindi ko kasi alam kung pano ka pakitunguhan"

"Hindi mo naman kailangang pilitin, okay lang..." natatawang sabi nya, siguro para maging magaan ang usapang ito

"... At isa pa hindi naman abala sakin yun"

"Sorry"

Nagulat sya sa pag sorry ko

"Uy wag ka magsorry wala yun gusto ko lang malaman kung hindi ka kumportable sakin para hindi na kita kukulitin ayaw ko naman ng pinipilit mo yung sarili ko na makipag close sakin kahit hindi ka naman comfortable, walang kaso sakin yun" ngumiti ito

Matagal bago ako nakasagot



"Okay lang naman sakin"  at yun ang totoo, okay na okay saking kaibiganin sya, magaan ang loob ko at hindi naman ako ilang, hindi ko lang talaga alam pano makitungo dahil ito ang unang beses na makipag kaibigan ako sa isang lalaki

"Sure ka?"

"Oo di ko lang alam pano makitungo dahil ito yung unang beses na magkaroon ako ng kaibigan na lalaki"

Napangiti sya

"So kaibigan na tayo ah"

Hindi ako sumagot

"At isa pa di mo naman kailangang alamin kung pano makitungo sakin, kung saan ka kumportable, kung paano ka makitungo sa isang tao okay sakin yun"

Tumango-tango ako


"Gusto mo ba bukas sabay ulit tayo o ayaw muna? Pwede ka namang tumanggi okay lang sakin yun"

Ngumiti ako sa kanya

"Okay lang sakin"

"Sure ka?"

Tumango ako

Naghintay pa kami ng ilang minuto nang sa wakas ay may huminto ng bus sa harap namin

"Mag-ingat ka ah"

Humarap ako sa kanya at ngumiti ng tipid

"Salamat ulit, mag-ingat ka din"

Nang makasakay ako at pumwesto sa may tabi ng bintana ay tumingin ako sa kanya. Nanatili ito sa kinatatayuan nya at ngumiti sakin at kumaway, tipid lang akong ngumiti hanggang sa umandar na ang bus

Napansandal ako sa may bintana at napatitig sa kawalan

Hindi ko alam kung kaya ko pang ibalik yung dating ako, palakaibigan, madaling makisama. Nagbago lang naman ako dahil feel ko kailangan lang ako sa umpisa pero iiwan din ako sa dulo. Hindi mo talaga namamalayan na nagbabago kana dahil sa sakit na naranasan mo. Siguro mahirap ibalik yung dating ugaling meron ako pero susubukan ko, tutal ibang tao naman na ang nakakasalamuha ko dito, ibang environment na, kahit mahirap susubukan ko, kasi malay mo, iba yung makikilala ko dito sa mga taong nakilala ko noon. At baka dito makahanap na talaga ako ng totoo.






























🖤🤍

Let You GoWhere stories live. Discover now