Kabanata 15

15 3 0
                                    

Ethan's POV

Sa totoo lang ay hindi ko maintindihan si lia nitong mga nakaraang araw alam ko namang tahimik sya pero tila may iba at naging iwas sya. Sinusubukan ko syang isama tuwing nag-uusap kami ni dhea kapag magkakasama kami pero panay tango at iling lang sya

Napatanong na din ako kay dhea at palagi syang kinakamusta dito kung okay ba sya sa klase dahil nag-aalala ako lalo na nung umuwi sya ng hindi ako kasabay dahil iyon ang unang pagkakataon na hindi sya sakin sumabay akala ko ay isang beses lang iyon ngunit sa pangalawang pagkakataon ay nagsabi sya na hindi ulit sya makakasabay

Naisip ko na baka may problema at ayoko namang kulitin na sabihin nya sakin dahil magsasabi naman yan kapag gusto nya. Sinabi nya na may pupuntahan sya ngunit nagtataka ako hindi naman sya yung tipo na tao na kapag tapos ng klase ay gumagala o may pupuntahan dahil wala naman yang ibang kaibigan na pupuntahan pero ayokong panguhan sya sa mga gagawin nya dahil wala naman akong karapatan gayunpaman ay nag-aalala talaga ako

Nung unang araw na hindi sya sumabay sakin ay minessage ko sya kung nakauwi na ba dahil hindi ako makampante ngunit hindi ito nagreply pati kay dhea


"Sana nakauwi na si lia umuulan pa naman may payong kaya iyon?" bumababa kami ng building ni dhea, malakas ang ulan at mabuti ay may dala syang payong pero nag-aalala ako kay lia dahil baka wala syang dala at mabasa sya

"Hindi ko din alam eh nagpaalam pa nga sakin yun bago sya lumabas"

Hindi na ako nagsalita. Nang makababa kami ay kinuha ko sa kanya ang payong at ako na ang nagbukas nito nilipat ko naman sa harap ko ang bag at sinabihan si dhea na ganun din ang gawin para hindi mabasa, lumusong kami sa malakas na ulan at dahil hindi naman ganun kalakihan ang payong nya ay hinigit ko sya palapit sakin para hindi sya mabasa

"Dyan lang ako sa labas kasi dun daw ipa-park sasakyan namin, otw na you can borrow my umbrella naman"

"Okay thanks"

Nang makarating kami ay naghintay muna kami walang nagsasalita samin, tulala ako dahil iniisip ko kung anong problema ni lia o kung may problema ba sya

"Are you okay?"

"Iniisip ko si lia. Nag-aalala ako"

"Ethan I don't know kung may problema sya I asked her earlier pero sabi nya wala pero iba feeling ko"

Hindi ako nagsalita at tulala lang

"I guess we're not close enough para ikwento nya sakin yung mga problems nya but I hope na kahit sayo magsabi sya. I respect her privacy pero nag-aalala lang din ako"

Nang makarating ang sasakyan nila ay nagpaalam na ito. Naglakad na ako papunta sa sakayan ng bus ngunit nakuha ng atensyon ko ang isang babaeng nakaupo dun at umiiyak, mag isa lang sya ngunit may mga taong napapadaan at napapatingin sa kanya. Ngunit agad akong napahinto nang mapansin ang pamilyar na bag nito kaya agad akong tumakbo at lumapit dito

"Lia!" nang magtama ang tingin namin ay nakikita ko ang sakit sa mga mata nya "Anong nangyari sayo? Sinong nanakit sayo? Bakit ka umiiyak"

Hindi ko alam kung paano sya humantong sa ganito basang-basa sya at pulang-pula ang mga mata nanginginig na din ito dahil siguro sa lamig. Hindi sya sumagot sa akin nang magtama muli ang mata namin ay may nagbabadyang luha sa mga mata nya

"Sabihin mo sakin please" ngunit iyak lang ang naging sagot nya kaya niyakap ko sya

"Sumama ka sakin"

"U-uuwi na ako" mahinang sambit nito

Hindi ko alam ang bahay nya at hindi ko alam kung saan sya i-uuwi baka nag-aalala na ang mga magulang nya pero hindi naman ako kampante na pauwiin syang mag-isa gayung ganito ang kalagayan nya

"Malapit lang yung apartment ko dito magstay ka muna dun kahit isang oras lang"

Hindi sya sumagot at yun na ang naging hudyat ko para alalayan syang tumayo para makaalis na kami dito. Kinuha ko ang bag nya at sakto ay may paparating na bus kaya yun na ang sinakyan namin

Nang makarating kami sa apartment ko ay agad ko syang inabutan ng tuwalya hinawakan nya lang iyon kaya ako na mismo ang nagpulupot nun sa kanya. Pumunta ako sa kusina para maghanap ng pwedeng ipainom sa kanya pero wala akong gatas dahil kape lang naman ang iniinom ko kaya nag-init na lang ako ng tubig at yun na lang ang inabot ko sa kanya

"Sorry wala kasing gatas hindi ako umiinom nun"

Tulala lang ito at hindi nagsasalita kaya naghila ako ng upuan at tinapat sa kanya at umupo dun

"Uminom ka kahit konti lang" sinunod naman nito ang sinabi ko "Anong nangyari sayo?" pilit kong hinuhuli ang tingin nya pero nag-iiwas lang sya

Hindi ito nagsalita at baka hindi pa sya handang magsabi kaya hinayaan ko na lang.

Ngunit maya-maya lang ay nagulat ako nang magsalita sya

"Ethan s-sorry"

"Bakit, may nagawa ka bang mali? Sabihin mo sakin iintindihin ko"

Matagal bago sya nakasagot at nagulat ako sa sagot nya

"S-sorry kung nagustuhan kita"

Hindi ko agad naproseso ang sinabi nya kaya napatitig ako akala ko ay hindi na sya magsasalita ngunit sa muling pagsasalita nya ay tuloy-tuloy na ang pagpatak ng mga luha nya

"Hindi ko naman gusto 'to pero nasasaktan ako kapag nakikita ko kayong magkasama ni dhea"

"Kaya ka nagkakaganyan?"

Hindi sya sumagot

"Lia magkaibigan lang tayo"

At muli ay bumagsak ang mga luha nito nakikita ko ang dumaang sakit sa mga mata nya

Nagagalit ako... nagagalit ako para sa sarili ko dahil nangako ako na poprotektahan ko sya pero bakit ako mismo ang nananakit sa kanya ngayon

"Alam ko naman alam ko na lahat ng ginagawa mo para sakin ay dahil magkaibigan tayo hindi ako umaasa ethan dahil alam ko naman na umpisa pa lang ganun naman na talaga"

"Sorry lia"

"Hindi naman kailangan dahil naging mabuti ka lang naman sakin. Ako dapat, sorry hindi ko sinadya"

Hindi ko na alam ang sasabihin ko at ayoko na ding magsalita dahil baka kapag nagsalita ako ay masaktan ko pa ulit sya

"S-susubukan kong pigilan" tumingin ito sa mga mata ko "Bigyan mo lang ako ng oras..."

"... at isa pa wag mo na ako masyadong protektahan kasi... kasi nahuhulog lang ako lalo."



















🖤🤍

Let You GoWhere stories live. Discover now