Kabanata 14

11 3 0
                                    

Magulo ang isipan ko hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kirot sa puso nang malaman kung gaano kasaya si ethan kasama si dhea

Sa sumunod na araw ay pilit ko iyong isinantabi sa aking isipan, inisip ko din na baka masyado kasi akong nasanay. Kasalukuyan kaming naglulunch ngayon pero wala akong ganang kumain, mabigat ang pakiramdam ko kahit na masaya naman sila at nagtatawanan

"Okay ka lang ba?" tanong ni ethan, pareho na silang nakatingin sakin ng nagtataka

"O-oo"

Pinilit ko na lamang kumain hanggang sa pagbalik sa classroom ay tahimik ako at maging sa klase ay mabigat ang pakiramdam ko. Palagi na ding sumasabay samin si dhea hanggang sa pag-uwi kaya ngayon ay magkakasama muli kami hindi pa din ako sumasali sa usapan nila kahit na pilit nila akong kinakausap o tinatanong panay lang ang iling ko

Sa sumunod na araw ay nagsabi ako sa kanila na hindi muna sasabay sa pag-uwi sinabi ko na may pupuntahan pa ako kahit wala naman

"Ihahatid kana lang namin kahit sa sakayan" sabi ni ethan

"Oo nga baka mapano ka hindi kami makakapante lia"

Umiling ako "Okay lang ako"

Ganun nga ang nanyari kahit na pinipilit nilang ihatid ako sa sakayan ay hindi ako pumayag kaya nang mag-uwian ay nauna na akong lumabas kay dhea nagpaalam naman ako wala pa din naman si ethan dahil maagang nagpadismiss ang prof

"Mag-ingat ka ah text me kapag nakauwi kana, okay" tumango ako sa kanya

Imbes na dumiretso na ako sa gate nang sa gayon ay makauwi na ay dumiretso ako sa garden ng school. Magdidilim na at kaunti lang ang mga estudyante dito umupo ako sa isang upuan at napatitig sa kawalan

Ano bang nangyayari sakin? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.   

Napasabunot ako sa aking buhok dahil naiisip ko nanaman ang masayang mukha ni dhea at ethan habang magkasama at muli ay bumigat ang nararamdaman ko. Nagtagal lang ako ng ilang minuto at napagdesisyon na umuwi na umaalis na din ang iilang tao dito kaya huminga ako ng malalim bago tumayo at umalis na

Sa mga sumunod pang araw ay naging ilang ako kay ethan kapag kaming dalawa lang ay hindi ko kayang tumingin sa kanya at kapag nagtatama ang tingin namin ay mabilis akong nag-iiwas ng tingin dahil tila napapaso ako

"Ako palaging nagbubuhat sayo sa laro dapat ikaw din pasalamat ka magaling ako" ani ethan

"I'm not really good so stop expecting na ako naman ang magbubuhat sa'yo sa laro na yun..."

"...tsaka palagi naman tayong panalo"

"Kawawa ako palagi jusko"

"Really? E kalaban nga ang palaging kawawa sayo" natawa sila pareho hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila feel ko tuloy ay may sarili silang mundo at labas ako dun

"Ikaw lia mahilig ka ba sa mobile games?" tanong sakin ni ethan

Umiling ako

"You can try masaya kaya tuturuan ka ni ethan"

"Hindi na"

"Okay pero sasabay ka samin mamaya ah" sabi naman ni ethan

"S-sorry may pupuntahan pa kasi ako"

"Gusto mo ba samahan kita?"

Umiling na lang ako


Hindi ako sumasali sa usapan nila at sa klase ay pilit kong pinapasok sa utak ko ang sinasabi ng prof pero masyadong malayo ang nilalakbay ng utak ko kaya hindi ko namalayan at uwian na

"Lia are you sure ayaw mo sumabay samin?" tumango ako "Are you okay?"

"Oo naman" pilit akong ngumiti

"If you have problem just don't hesistate to tell me okay, I got you"

Nauna na akong lumabas wala pa si ethan siguro dahil matagal magpadismiss ang prof nila. Nang makababa ng building ay bigla namang bumuhos ang ulan kaya nanatili ako dun dahil wala akong payong may mga estudyante din na nanatili dahil mga wala ding payong. Natanaw ko si ethan na tumatakbo papunta sa building namin pilit ko namang tinatago ang sarili ko sa likod ng mga estudyanteng nasa harap ko. Umakyat ito sa building namin kaya nakahinga ako nang malalim

Hindi matigil ang pagbuhos ng ulan antagal kong nanatili dito at hindi ako makaalis-alis. Muli ay natanaw ko si ethan na pababa ng building at kasama si dhea na may hawak na payong. Kinuha ni ethan ang payong nito at sya na mismo ang nagbukas nilagay nya muna ang bag nya sa harapan nya at may binulong ito kay dhea at ginaya naman nito ang ginawa nya. Sabay silang naglakad sa gitna ng malakas na ulan habang nasa iisang payong, inilagay ni ethan ang braso nito sa balikat ni dhea at nilapit pa sa kanya. Nasaktan ako sa nakikita at gusto kong umiyak sa bigat ng nararamdaman ko, unti-unting nanlalabo ang mata ko dahil sa nagbabadyang luha at unti-unti na din silang nawawala sa paningin ko

Hindi normal ito, hindi ako masasaktan ng ganito kung wala akong nararamdaman para kay ethan. Ilang gabi akong hindi makatulog kakaisip dito at ngayon ay napatunayan ko na dahil nasasaktan akong nakikita silang magkasama

Tulala ako habang naghihintay ng pagtila ng ulan ngunit humina lamang ito hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at lumusong ako wala na akong pake kung mabasa ako muli bumalik saking isipan ang nasaksihan kanina at naramdaman ko na lang ang mainit na tubig na dumadaloy sa mga mata ko hindi ko na pinunasan ang luha ko dahil basa na din naman ako. Nang makarating ako sa antayan ng bus ay umupo ako at humikbi wala namang tao kaya hindi ko na pinigilan ang kanina pang mabigat na nakadagan sa puso ko

"Lia!" nagulat ako nang marinig ang pamilyar na boses at nang mag-angat ako ng tingin ay bumungad sakin ang nag-aalalang mukha ni ethan

"Ano nangyari sayo?" hindi ako nagsalita "Sinong nanakit sayo? Bakit ka umiiyak?"


Nanatili lang akong nakatingin sa kanya at kitang-kita mo ang pag-alala sa mga mata nya

"Sabihin mo sakin please" umiling lang ako at muli ay bumagsak ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. Niyakap ako nito at naramdaman ko ang init sa yakap nya at kahit papaano ay gumaan ang loob ko


Sya lang... sya lang yung nakakapagpagaan ng loob ko pero sya lang din ang nagiging dahilan ng pagkasakit ng puso ko





















🖤🤍

Let You GoWhere stories live. Discover now