PROLOGUE

2.8K 65 8
                                    

[Felicity's POV]

I began washing my hands after ng kong matanggal ang rubber gloves. Kaka-tapos lang ng surgery ko at masasabi kong pinaka-magaling na pwede kong magawa sa buhay kong operasyon bilang isang genetic engineer. Sayang nga lang at hindi pwedeng i-recognize ang ginawa ko in the world of science dahil para sa anak ng boss at bestfriend ko ang ginawa ko. And it all has to be kept a secret dahil bukod sa bawal at illegal ang ilan sa mga procedures na ginawa ko, siyempre dapat ko ding i-consider ang safety at privacy naming lahat.

"Doc all her vitals are stable" sabi ng isa sa mga nurses na assigned magbantay kay Avie.

"Good, we'll start with the next procedure in a few hours" I replied.

Ilang procedures nalang at makukumpleto na ang mga dapat ayusin kay baby Avie. Pero shempre magpapahinga naman muna ako noh, halos 24 hours na kasi akong walang ibang ginawa kundi magrepair ng mga bones at mag-laser stitch ng mga laman ni Avie para walang visible scar.

I just need one more thing.

At yun ang pinaka-complicated sa lahat ng procedures.

Avie needs a heart.

Well just a portion, hindi naman buo.

Sadly, noong tumalsik si Avie palabas ng windshield during the accident, napuncture ng nabaling ribs niya yung lungs niya and some of the broken glass from the windsheld sliced through her heart. Courtesy yon ng napaka-galing na si Garbiel, who's in the mental hospital na the last time I checked matapos siyang pagalingin ni Dianne na mommy ng adobong dinuguang batang inoperahan ko.

Buti nalang maganda ang pagkaka-slice ng bubog sa heart ni baby Avie, sakto sa pagitan ng dalawang chambers separating her heart in two.

Ngunit, subalit, datapwat.

Hindi kakayanin ng kalahating puso niya ang healing process na kailangan ng buong katawan.

Duh, sa dami ba naman ng ginawa kong operasyon sa kanya buti nalang talaga at buhay pa si Avie.

I dried my hands and changed into a new set of scrubs, may 14 hours ulit akong pahinga bago magtuloy ng susunod kong procedures kay baby Avie. I also need time to think kung ano bang dapat gawin with her kalahating puso problem.

I went out of the operating room. Doon ko nakita si Dave sa viewing area kay baby Avie. He's touching the glass at kitang kita ang lungkot at hirap na nararamdaman niya.

"You know that's not helping" I told him. I pressed the button that shuts off the viewing panel. "Nakausap mo na ba si Dianne?"

He raised up his hand showing a piece of paper. Alam kong tungkol nanaman sa much awaited love-hate relationship nila at maghihiwalay nanaman ang dalawang ewan.

Pero seryoso na ang usapan this time, they both lawyered up and ready to untie the knot.

Dahil sakin, Joke!

Shempre hindi ano, I know they both have sides of the story kaya dapat lang respetuhin ko yun, mga baliw lang talaga sila.

"Matagal pa ba to?" He asked me.

"Few more months?" I answered hesitantly.

"That long?" He sighed, habang tumatagal kasi nawawalan na siya ng pag-asa tungkol sa kanila ni Dianne.

"Why don't you just take her here? Then talk" Parang nag-sisi ako bigla dahil sa sinabi ko. Para kasing nagkaroon siya ng isang malaking idea at biglang tumakbo papalabas ng facility para habulin yon.

"David siguraduhin mong hindi iligal yang gagawin mong yan ha?!" I shouted para mahabol siya ng paalala. Baka kasi kung anong kalokohan yung gawin niya at may makulong or mapahamak lalo na't nag-joke siya minsan na ano daw kaya kung kidnappin niya nalang si Dianne.

Sus! Bahala siya, sinubukan na niya ang easy way, baka sa hard way makakapag usap na sila ni Dianne.

Wala na si Avie sa operating table nung inactivate ko ulit yung viewing panel. Nilipat na siguro ng staff si Avie para makapag-pahinga sa room niya. Importante rin kasing yung pahinga ni Avie para makapag-heal yung parts ng body niya na naayos ko na.

Pero saan naman ako kukuha ng pusong sakto sa age at size ng puso ni Avie??

Her bones were not a problem dahil I replaced the whole thing, I only need half of a heart.

With the same age, pero dapat stronger.

"Doc!" A voice coming from Avie's room

I ran agad towards Avie's room. May time kasi talaga na sobrang hina na ng heart beat niya.

I need a heart, fast, now na.

Mabilis namang marevive si Avie. Pero hindi naman pwedeng ganito nalang siya palagi. Buti nalang umalis na yung daddy niya, magpapanic nanaman yon at makikialam. For sure kaya ayaw ni Dave sabihin kay Dianne na ganito ang totoong situation ni Avie ay para hindi siya makialam.

Mahihirapan naman ako kung alam kong naka-panuod rin si Dianne or worse, katabi ko siya habang nagcoconduct ako ng surgery kay baby Avie.

Naramdaman ko bigla ang shift ng hangin sa room.

Nalingat lang ako saglit, bukas nanaman ang pinto. Pambihira naman, kung hindi lang talaga pwedeng iwan mag-isa sa bahay si Victor!!! Nakong batang ito!

"Vicky anak, hindi ba sabi ko naman sayo? Hindi pwedeng pumasok dito" I remided him. Palagi nalang kasi siyang nandito kapag nalilingat ako. He just can't let go of his little crush on Avie.

"She's so pretty mommy" He smiled as he climbed up paakyat sa may upuan sa gilid to rest his chin near Avie's pillow. He loves watching her sleep.

"Sweetie, nagse-sleep sha o? Halika na" I patted his back para umalis na sa pagkaka-dantay sa bed ni Avie.

"I want to give her my heart mommy" walang ka-gatol gatol na imik ng 7 year old son ko.

Boom! Shemay! Anong klaseng kalokohan yan?

The machines began beeping. Avie flat lined again.

Haay nakong mga batang ito!

My Genetically Modified Love 2.0Where stories live. Discover now