Chapter 3: What's better than suing

1.1K 42 8
                                    

[AVIE'S POV]

"Wait" I called his attention. Lumingon siya sakin waiting for the best possible explanation kung bakit niya dapat sayangin ang oras niya sakin.

"I- Uhm -you do realize --p-parehas lang tayong maabala if magsasampa ka ng reklamo" I continued. Where is Darylle when you need her? Ngayon ako nagsi-sising hindi nalang ako sumabay sa royal entourage niya kasama ang mga yaya at bodyguards niya.

He seemed interested with where I'm going with my implied proposal. Althought kahit ako nga hindi ko pa naiisip kung ano bang balak ko. But one thing's for sure, hindi worth the time and effort ang abalang balak niyang simulan.

"I can get you the best medical care there is" I raised both my shoulders. Totoo naman, and with minimal effort pa sa side ko dahil doon naman talaga ako nagta-trabaho.

Napailing siya and then he turned to start walking again. Mukhang hindi talaga niya feel ang compensation or magbayaran nalang kami for damages. So magsasampa talaga siya ng reklamo. Noooo!

"Wait! We own a hospital! Alam mo ba yung Saint Andrew's Hospital sa Manila? Major stock holder ang daddy ko doon, kahit anong procedure pwede nating gawin para gumaling ka agad." Hindi ako makapaniwalang sinabi ko yon. Kaya lang wala na akong choice.

I may be Avielle Marie Costello Samaniego, an heiress to my mother and father's business empire pero kahit kelan hindi ko binalak gamitin yung advantage na dala ng yaman na hindi ko naman pinaghirapan. But what can I do? Desperate times call for desperate measures.

He stopped walking and turned to face me again, he seemed so interested. For sure the name of the hospital alone tells a lot about what I could possibly offer him. Kahit pa siguro magpa-MRI or magpa-opera siya araw araw sa hospital magagawa niya simply by telling the staff my name. Na-absorb na niya siguro yung sinabi ko kaya para siyang may narealize at naglakad pabalik sakin.

"Your father owns Saint Andrew's Hospital?" he asked.

"He doesn't, major stock holder lang, so mejo lang" I corrected him.

"Aaaagh" He winced and held his shoulder. Siguro wala na yung effect ng anaesthesia kaya nararamdaman na niya yung sakit ng muscles niyang nabugbog ng aksidente. Pasaway pa naman siya dahil dapat hindi muna siya kikilos.

"Ay! Teka wait, stay here" I ran to go get my car, buti nalang at nasa bayan na kami kaya marami at sunod sunod na ang mga pharmacy for his pain meds.

"May malaki ka bang t-shirt?" He asked after kong makabalik sa driver's seat pagka-alalay ko sakanyang sumakay. Ngayon ko lang din naalalang wala nga pala siyang pag-itaas dahil ginupit kanina. I looked at him at sigurado akong hindi kasya sa kanya yung pinaka-malaking t-shirt na meron ako.

"Wala eh, pero ito nalang munang jacket ko" I pulled my jacket from the back seat at saka ko pinatong on his yummy shoulders. Hindi ako bulag para hindi mapansin hahahaha

It didn't take long para makabili ako ng mga gamot niya sa malapit na pharmacy. "Saan pala kita ihahatid?" I asked him.

He frowned, "Akala ko ba ipapagamot mo ako sa Saint Andrew's?" I have to admit he's cute.

"Hindi pa kasi ako uuwi, in fact may pupuntahan akong wedding sa Dalampasigan resort. Let's just exchange contact details para---"

"Teka naman, baka naman tatakasan mo lang ako?" He cut me off.

"Hindi kita tatakasan, aminado akong kasalanan ko yung nangyari and I take full responsibility. Kaya lang I just have to attend this wedding" I explained.

"Fine, sasama nalang ako, after all, diba nga sabi mo you'll take full responsibility?" He looked at me. I glanced at him at para siyang batang excited na magpabili ng bagong laruan. "Wala pala akong damit, may mall diyan sa pa-kanan, pwede naman sigurong bilhan mo manlang ako kahit t-shirt"

My Genetically Modified Love 2.0Where stories live. Discover now