Someone will love you, let me go

18 6 0
                                    

SWLYLMG

___°☽☀☾°___

Thank you sa gumawa nitong BC!😘

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Thank you sa gumawa nitong BC!😘

-START-

"Anong pangalan niya?"

Napaangat ang tingin ko kay Jerick nang bigla niyang itanong 'yon. Nakatitig sila sa malayo habang may parehong ngisi sa kanilang mga labi.

Tumingin ako sa tinitingnan nila at saktong nakatayo sa pintuan ng court ang bestfriend kong si Angelic habang nakahawak sa strap ng shoulder bag na gamit niya at may malaking ngiti sa kanyang labi habang nasa akin ang tingin ay nakangiting kumakaway.

Ako nga pala si Hans, 18 years old. Isang estudyante sa mababang paaralan ng Jose Panganiban. Isang highschool student na kumukuha ng (Science, technology, Engineering and Mathematics) or STEM.

"Bakit, type mo ba?" tanong ni Emman- tropa ko.

Inayos ko na ang mga gamit ko para makalapit na kaagad kay Angelic. Isinilid ko ang bola sa duffle bag ko kasama na ang tumbler, sapatos at towel na ginamit ko.

Katatapos lang ng practice game namin sa basketball at talagang tinawagan ko si Angelic para sunduin ako dito.

Napangiti nalang ako nang maalala ko ang pinagusapan namin kanina. Kung papa'no niya ako sinigawan sa inis dahil natutulog daw siya tapos ginising ko para lang doon.

Wala naman pasok ngayon kaya alam kong papayagan siya nina tito-malakas ako do'n e.

"Actually, matagal ko na siyang type pero hindi ko lang alam kung papa'no gumawa ng first move." ani muli ni Jerick sa kausap niya.

"Ikaw? Hindi marunong magfirst move?" natatawang turan ni Emman sa kanya.

"Ako ang nililigawan pre," pagmamalaking turan ni Jerick na pinagtawanan naman ng dalawa.

Mga ulol!

"Tamang tama, nandito ang bestfriend niya." tinapik naman ni Emman ang balikat ko kaya inis akong bumaling sa kanya. "Dito mo malalaman kung anong mga gusto ni Angelic."

Hindi naman siya kasama sa mga kaibigan ko. Actually, pinsan siya ni Emman at nagbakasyon lang yata dito sa amin.

"Oh, bestfriend mo siya dude?" ani Jerick sa akin habang nakaawang ang bibig niya.

"What's her name again?" anito.

"Angelic Lucero." ani ko.

One Shot Story CompilationWhere stories live. Discover now