I'm a victim of Rape

4 0 0
                                    

I'm a victim of rape

___°☽☀☾°___

A/N: R18, sexual abuse, rape, suicidal.

May mga bagay talaga sa mundo na aakalain mong tama pero mali sa tingin ng iba.

Bata palang, malapit na talaga ako sa mga lalaki. Hindi ko din alam kung bakit sa kanila ako nakakakuha ng comfort. Sila ang mga kaibigan na maaasahan at karamay ko sa mga problema ko.

May kapatid akong lalaki pero hindi ko naman masyadong close dahil anak siya ni papa sa ibang babae. Kuya ko siya, kami kasi ni mama ang pangalawang pamilya ni papa ngunit namatay naman ang mama ni kuya kaya sa amin na siya pinatira ni papa.

Masasabi kong one of the boys ako dahil ako lang ang nagiisang babae sa tropa.

Walang plastikan sa barkadahan at totoo ang sayang nararamdaman ko kapag kasama ko sila.

Sabi nila, hindi daw maganda para sa isang babae na palibutan ng mga lalaki kahit pa sabihing kaibigan lang ang turingan niyo sa isa't-isa.

Ipagpapalit ko ba ang kasiyahan ko para lang sa opinyon ng iba?

Mas mabuti nang magkaroon ng mga totoong kaibigan kaysa makipagkaibigan sa mga babaeng plastik naman.

Ngunit palaging ipinapaalala sa akin ni mama ang mga limitasyon ko bilang babae which is ginagawa ko naman. Responsable naman akong anak at responsable din naman silang kaibigan. Alam namin ang mga limitasyon namin.

Isa pa, palagi niyang ipinapaalaa na hindi lahat ng kaibigan ay mapagkakatiwalaan. Kahit na pinapalayo o pinapaiwas niya ako sa mga kaibigan ko'y hindi ko siya sinusunod dahil masaya ako kapag kasama ko sila.

Minsan, pinagsasabihan din ako ni kuya na lumayo sa mga kaibigan ko pero palagi ko lang siyang iniilingan at sinasabing masaya ako dahil sa mga siraulong 'to.

May iilan nang humuhusga pero hindi namin iniisip kung anong iisipin sa amin ng iba. Ang mahalaga naman, masaya kami.

"Uy! Nood kang laro namin Mich!" yan agad ang bungad sa akin ni Eric.

"Oo nga. Ipagpapalam ka namin kay tita kaya 'wag kang mag alala." ani naman ni Martin.

Tumango ako sa kanila.

"Oo naman. Kailan ba ako hindi nanuod kapag may laro kayo?" tanong ko sa dalawang mokong.

"Last time I check, wala ka kaya noong last game noong last year." ani naman ni Jomari.

Nandito kami ngayon sa canteen and as usual, nasa amin nanaman ang mapanghusgang tingin ng mga estudyante.

"Wag ka ngang bumukaka! Naka palda ka kaya." pagalit naman akong sinabihan ni Joshua na nasa tabi ko na pala.

Oo nga pala, ito talaga ang pinakaayaw kong araw e. Tuwing lunes kasi, required na uniform dapat ang suotin dahil hindi ka papapasukin kung naka pang p.e uniform ka kaya sa ayaw at gusto ko, wala akong magagawa.

"Alam mo namang hindi sanay si Mich mag palda haha." tinawanan pa talaga ako ni Eric.

Inirapan ko naman siya.

One Shot Story CompilationWhere stories live. Discover now