He choose her over me

8 0 0
                                    

He Choose Her Over Me

___°☽☀☾°___

"Babe,"

Napalingon ako sa boses nang tumawag sa'kin. Agad akong ngumiti ng makita ko si Josh. Papalapit sa akin habang may ngisi sa kanyang labi.

Mukhang kakagaling lang niya sa practice nila pero bagong ligo na ito ngayon at mukhang fresh. Nakasuot ng plain grey t-shirt with maong pants.

Kinawayan ko naman kaagad siya at sinalubong. He hugged me right away when he come closer so I chuckled.

"Grabe, miss mo na ako agad?" Natatawang biro ko sa kanya nang bumitaw siya sa akin.

Napanguso naman siya. He's so damn cute. How can I even resist him? Kahit na clingy siya, mahal na mahal ko siya.

"Alam mo namang malakas ang tama ko sa'yo, babe. Every seconds count, ganoon ang epekto kapag nalalayo ka sa akin." aniya.

Napangiti nalang ako sa kanya at napailing.

"Sus, nambola ka pa." sambit ko.

"Uuwi na ba tayo?" tanong niya.

"Ako, uuwi na. Ikaw?" tinaasan ko siya ng kilay.

Napahawak naman siya sa batok niya tila may kung anong iniisip dahil hindi sa akin makatingin o sadyang nahihiya lang siyang sabihin kung ano man 'yon?

"E kasi babe...birthday ni james ngayon at pinapapunta niya tayo...pwede ka ba?" tanong niya.

Sabi ko na nga ba't may kailangan siyang ipaalam e. "I can't babe...I have so many things to do...homeworks and I need to review for my exam tomorrow." sagot ko sa kanya.

"Okay. Uwi nalang tayo." ngiti niya sa akin.

"If you want to go, go on. Pakisabi nalang kay James na hindi ako makakarating. Say my greetings for him nalang."

"Hindi na ako pupunta babe." aniya. "Wala ka naman don. Mabo-bored lang ako doon."

"Sayang naman 'yon. Baka mamaya magtampo 'yung best friend mo dahil hindi ka pumunta sa birthday niya. Okay lang ako. Ihatid mo nalang ako sa bahay at pwede kanang tumuloy kina James."

"Sigurado ka? Papayagan mo akong pumunta?" tanong niya na ikinatango ko naman.

"Saka na kita pipigilan kapag asawa na kita." natatawang biro ko sa kanya.

"I'm more like that idea. Pakasal na kaya tayo babe?" aniya.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Wala pa sa isip ko 'yan babe. Alam mo naman ang goals natin diba?"

"I was just kidding love." hinalikan niya ako sa noo ko.

Nandito nanaman ang puso kong bumibilis ang tibok. He was the only one who made me feel this kind and special feelings. I realized that I really loved this man.

Hinatid na niya ako sa bahay namin. Nakipagkwentuhan lang siya sandali kina daddy bago siya magpaalam na aalis na.

I was smiling while looking at my man walking through his car.

One Shot Story CompilationWhere stories live. Discover now