CHAPTER 7:

3.6K 111 35
                                    

Kevin's POV

" You're here Kevin, a great lier. Actually, you deserve that. "

" Really? Sasabihin mo kay Kevin na deserve niya? What kind of person you are? Nagawa mong hindi sunduin ang fiance mo?! " Galit na galit si Sky ngayon dahil sa sinabi ni Troy. " Look, basang-basa siya dahil malakas ang ulan. Paano kapag nagkasakit siya? "

" You're too much concern. Remember, Kevin is mine. " Mahinahon na giit ni Troy.

Humakbang si Sky para mas malapitan si Troy. " You are claiming that, Kevin is yours but you can't protect and take care him. Next time na hayaan mo si Kevin, itatakas ko siya sayo. Don't be demon to Kevin, I can get him to you." Tsaka na nag-walk out si Sky. Nagulat ako sa mga sinabi ni Sky kay Troy. Hanggang ngayon hindi parin nagsasalita si Troy. Nakatingin lamang ito sa harapan nitong malaking flat screen.

Narinig kong bumukas at sumara ang pinto mula sa second floor kaya inabangan ko ang pagbaba noon. Akala ko isa sa mga yaya pero hindi. Para itong tunog ng heels kasi maingay sa hagdan.

Hindi man lumingon si Troy pero alam kong naririnig niya rin ito.

" Hel-lo, " bati saakin ng isang babae na napaganda na bumaba mula sa hagdan. Napansin ko ito na parang nahihirapan maglakad at kasalakuyan na hawak ang bra nito. Hindi na niya siguro nagawang isuot 'yon. Pinagmasdan ko ang babae, may mga pula siya sa leeg at sa lukod ng tenga. Isa lang ang alam ko.

He had sex with this women in front of me.

" Ang lakas mag-selos pero may kinakabayo naman pala. " Padabog akong humakyat sa hagdan dahil gusto kong mapag-isa. Kahit sabihin niya na parang bata ako ayos lang. Basta ang alam ko ngayon nasasaktan ako. Naalala ko yung sinabi niya na mahal niya ako, biro lang pala 'yon? Masyado ko kasing pinang-hawakan 'yon. Masyado akong naniwala sa mga sinasabi niya.

" Hey babe, " sigaw niya. Nakasunod pala siya saakin.

" Its looks like you don't want to talk to me. " Pagsasalita niya noong huminto ako sa paglalakad.

" Mabuti naman at alam mo. Matanda kana Troy, dapat you are very careful sa mga sinasabi mo or ginagawa mo. " Pinipigilan kong umiyak sa mga oras na ito. Ayokong ipakita sakanya na mahina ako.

" I am very careful sa mga words and actions ko. You know wha-"

" Really? Kaya pala nahuli kita? Para pala sinabihan mo ako na mahal mo ako? Are you really careful? Kung hindi mo nararamdaman o ginagawa huwag mo nalang sasabihin. " Huminga ako ng malalim bago ako magsalita ulit. " Ngayon kung iniisip mo na nagseselos ako dahil sa nakita ko, oo tama ka. Pero huwag kang maglaro ng feelings ng tao. Nakakasakit ka! " Tumalikod na ako pero napahinto ulit ako dahil nagsalita siya.

" Let's talk. "

" May pag-uusapan pa ba tayo? Akala ko hindi mo ako sinundo kasi nagseselos ka kay Sky na sobrang halata naman. Pero mali pala ako. Ako pa ang na-surprise, dahil ako pa pala ang magseselos. So ngayon mo sabihin saakin? Ano ba tayo? Sino ba tayo? " Ramdam kong nanginginig ang mga kamay ko ngayon dahil sa nangyari kagabi saamin ni Troy pero ano itong nakikita ko ngayon na may babae dito sa loob ng bahay niya.

" You're right, sinabi ko na mahal kita kasi ayon ang nararamdaman ko. "

" Talaga? Paano mo nararamdaman 'yon kung hindi mo naman ako nararamdaman? Paano mo ako nagagawang saktan? Yung babae na 'yon, halatang may nangyari sainyo! Ano mahal mo ako pero makikipag-talik ka sa iba? Hindi ganoon ang ibig sabihin ng love Mister Descanzo! " Sobrang laput ng mukha ko sakanya at halos magdikit na ito. Pero patuloy labg ako sa pag-iyak at iniwan syang nakatulala doon at bumaba nalang ako ulit para mahimasmasan.

Dumiretsyo nalang ako sa kusina para mag-bake ng cookies dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Since may background naman ako about baking goods, kinuha ko naman ang mga bagay na gagamitin ko maging ang wet and dry ingredients. Syempre magkakahiwalay ang mga ito.

Mabuti nalang kumpleto ang mga gamit ni Troy. Pero shet, ayokong naiisip or sinasabi ang pangalan na 'yan talaga naiisip ko ang nagawa niya kanina.

Pinag halo-halo ko ang lahat ng ingredients at sinimulan ko ang pag-hulma ng mga ito. Kumuha ako ng piping bag. ( Read as pay-ping. )

Nilakihan ko ang butas ng piping bag pagkatapos ko nilagay ang mixture. Kumuha ako ng tray at nilagyan ito ng pastry liner at pinahiran ito ng mantika. Pi-nipe ko na ang cookie mixture sa mga tray at nilagyan ito ng chocolate chips. Mabilis lang naman ang pag-gawa nito at ilang minuto lang naman ang pagbe-bake.

Para malaman na luto na ang isang cake, cupcake, bread or cookies tusukin ng toothpick, kapag may sumama ibig sabihin hindi pa luto. Pero kapag walang sumama luto na. Pero sa mga moist cake ko, talagang gusto ko may bahagyang sumasama kasi mag-seserve 'yon as feeling sa pinaka-gitna.

Noong maluto na ang cookies pinalamig ko ito at inilagay sa plate. Gumawa rin ako ng Chocolate ganatche kasi i-sasawsaw ko yung cookies na ginawa ko.

Habang nakatalikod ako at nakasuot ng apron, naisipan kong tikman ang gawa ko dahil lumamig na ang mga ito. Kumuha ako at humarap dine-in table ng magulat ako kung sini ang nasa harapan ko. Nandito si Troy tsaka siya mabilis na lumapit saakin para kumagat sa cookies na kagat-kagat ko na.

Talagang nakatingin lang ako sakanya at ganoon rin siya. Nakatingin lang din siya saakin.

" Delicious. Gawa mo? "

" Nandito ako sa kitchen at madumi ang apron na suot ko. Natural ako ang gagawa nyan. Wala naman ang mga maids mo nasa grocery. " Pagsusungit ko sakanya.

" Babe, ang sarap ng cookie mo. " Nang-aasar ito pero tinalikuran ko lang siya. Sa totoo lang natawa ako sa sinabi niya. Tumingin ako ulit sa likuran ko para tignan siya pero nakita kong dumudukot na naman siya ng cookies sa plate.

Diba? Ang bilis ako makuha ni Troy, imagine isang beses lang niya ako kausapin pero parang maayos na kami.

Naalala ko ang Daddy Ian niya at Papa Kenn niya, ganyan rin sila kung mag-away base sa kwento saakin ni Papa Kenn. Ang swerte ng dalawang lalaki na magulang ni Troy sobrang supportive sa anak nila. Kung titignan nga, sobrang secured na sila Troy. Hindi na sila magugutom.

Sa totoo lang, si Daddy Ian at Papa Kenn, gusto kong maranasan ang naranasan nila. Kahit dalawa silang lalaki, they built a huge family and richest name.

" Anak Kevin, 'nak! " May naririnig akong salita ng isang babae pero hindi ko alam kung saan nangymgagaling ito. Posibleng marinig ko ito mula sa kapit bahay. Tumingin ako sa paligid pero wala akong nakikita na tao. Hindi rin bukas ang flat screen.

Hinanda ko ang sarili ko at mabilis na tumakbo papunta kay Troy.

--------------------------------------------------

Hi guys, still on-going pa rin po ang story na ito. To those new follower of mine and silent readers, thank you for supporting me. Ofcourse, thank you sa pag-vote. Sobrang salamat sainyo, sobrang sumasaya ang puso ko kahit super late na ako kung mag-update.

Oo nga pala, kung hindi niyo pa nababasa ang story ni Ian Greg Descanzo at Kenn Dave Mendez ( Magulang ni Troy, ) hanapin niyo lang sa mga works ko.

Title: WILDEST COMMAND.

Ayon lang! Thank you!

-Aboutfictionx spread my pen name to your co-reader. Rawr.

EROTIC AGREEMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon