Hell 3

7.1K 200 4
                                    

Francelle Shen Irie's Pov (Chess Piece's White Knight B1 )

"Guise, bilisan nyo.. Gusto ko ng makarating dun agad.." nagmamadaling sabi ni Zaire na halata namang excited..

Oo, ni Zaire..

Nakalabas na sya ng Ospital matapos ang isang linggo mula ng magising sya.

Talaga namang wala syang maalala dahil sobrang iwas nya sa amin kapag kasama nya kami. Talagang nakadikit lang sya kina Zeron at McKenzie. Sometimes din naman kina Zea at ZerHia pero minsan lang kapag wala yung dalawang lalaki.

Bale bawat isang araw eh dalawa sa amin ang ipinapakilala sa kanya at mukha namang nararamdaman nyang malapit kami sa kanya kaya unti-unting nagiging okey sya kapag kasama namin.

Matapos din ng magsalita sya ng dahil kay Zeron eh nagtuloy-tuloy na din.

Wala din namang masyadong nagbago sa kanya maliban lang sa sobrang isip bata sya at spoiled brat. Medyo nawala lang ang kahanginang taglay ng katawan nya.

Na nakakasanayan na din naman namin.

Bale ngayon ang araw na pupunta na kami ng Hellion Academy.

MAayos na ang buong school at back to normal na din naman. At dahil sa buong school ang inayos, nag-iba na din ang design nito.

Sina McKenzie at Xeric ang gumawa ng blueprint nun.

"Shen, tulala ka na dyan eh.." nakangusong sabi nya habang nasa tapat na ng van na gagamitin namin.

Ngumiti ako sa kanya tsaka lumapit sa kanya. "pasensya naman.. Excited ka kasi masyado e wala pa naman sina McKenzie at Xeric.."

Napalingon naman sya tsaka napakamot ng ulo. "oo nga noh.. Hehe.."

"nasaan na ang bag mo??" tanong ni Frey na nasa loob na ng Van.

Bigla syang natigilan at alanganing tumingin sa amin. "Hehe, naiwan ko pala.." biglang takbo papasok ng bahay.

Napailing nalang kami ni Frey.

"ang hirap pa ding mag-adjust sa attitude nya ngayon. Mas makulit sya.." ani Frey.

"mas okey na ito kaysa noon. Isa pa, sooner or later, babalik din ang alaala nya.."

Nagkibit balikat sya. "hindi natin alam ang mga mangyayari. Pero sana bumalik agad para malaman na natin kung ako pa ba talagang problema natin."

Tumangu-tango nalang ako.

Wala nga kasing nakakaalam kung ano ba talagang problemang nakaabang sa amin dahil kahit anong gawin naming pag-iimbestiga, wala kaming makuha.

Ang tanging alam ko lang eh may nagpapadala sa kanya ng death treath which is yung pinakita ko sa kanya nung nasa Jollibee kami.

Yun lang ang pinakapinanghahawakan namin na hindi pa tapos ang laban.

Kasi naman eh, parang may humaharang na naman ng mga infos.

At kung meron man, im sure na may kinalaman pa din dito si Zaire kaya kailangang maibalik na agad ang alaala nya.

Pero..

"isang part sa pagkatao ko na nagsasabing sana, manatiling ganito nalang si Zaire.. Sa pagkakataong ito kasi, bumalik ang Zaire na nakilala natin noon. Yung totoong ngiti nya na matagal na nating hindi nakikita.."

Sya naman ang tumango sa sinabi ko.

"Mommy naman, andyan naman silang lahat kaya you don't have to worry about me.." Sabi ni Zaire ng makalabas ng mansion nila kasama sina Tita Ruby at Tito Zenon na dala ang gamit nya.

Hellion Academy 3 (The Last Battle)Where stories live. Discover now