Chapter 21

3.8K 143 53
                                    

"Dali na!" Tulak-tulak ako nito papasok sa faculty ng department namin.

"Ikaw na kasi!" Bakit kasi ako?

"Ikaw ang President diba. Dali na." Kinatok na niya ang pinto habang pinipigilan akong umalis.

"Kuya Evan....nakakahiya." Tumawa lang ito.

"Ipapasa mo lang naman sa kanya eh." May proposal kasi dapat ang bawat section eh. Tapos ang naka assigned sa pag collect ay si Professor Hidalgo. At sabi ay nandito siya sa faculty ng department namin ngayon.

"Ayan na....naririnig ko na ang takong niya." Mas lalo niya lang akong pinakaba eh.

"Kuya naman eh." Nasa likuran ko na siya pumwesto when the knob makes it turns.

Ay. Akala ko si Professor Hidalgo. Si Mrs. Jacob pala. Napataas ang kilay nito seeing us both ni Kuya. Napakamot ako sa kilay ko bago nagsalita.

"Good morning, Ma'am. We may see, Professor Hidalgo po?" She nodded her head kaya tinulak ako ni Kuya, mabuti hindi ako dumiretso sa likod ng nasa harapan ko.

"Someone's here for, Aiah." Nagsilingon naman sila sa direction ko.

"Good morning po." Bati ko sa kanila. I saw Miss Real tinuro ang isang pinto. Napalunok ako.

"Good luck, bata. Lucky day mo ngayon." Napangiwi ako. Ibig sabihin ay badtrip ang Yelo.

It's been a month since Kuya left the country. Well, nakikita ko pa rin naman ang Yelo sa campus pero hindi ko na gaanong pinapansin. Hindi ba dapat matuwa siya? Pero bakit sinasamaan niya ako ng tingin pag nakikita niya ako tapos alam niyo bang may subject na siya sa section namin tapos ako ang palaging tinatawag sa recitation.

"Come in." Her cold voice wants me to back out pero pagtalikod ko sa pinto ay nakatingin ang lahat sa akin.

Napaharap ulit ako sa pinto at dahan-dahang pinihit ang door knob. Wag sana ako bugahan. Please, Lord.

"Do you have sore eyes?" Gosh! Aatakihin ako sa puso dahil sa kanya eh.

"Lock the door." Paano ba naman pagpasok ko ay sinarado ko ang pinto habang nakapikit pero nasa gilid ko pala siya.

"I am going to pass our section's proposal, Professor Hidalgo." Mahinang saad ko. Bilis pa rin ng tibok ng aking heart. Paano ba naman ang lapit-lapit niya.

"Are you sick?" Agad akong lumayo when she was about to touch my forehead.

"Mainit lang po...oo mainit." Awkward kung saad at inabot sa kanya ang folder na bitbit ko.

"The aircon is at its highest temperature." Sagot nito while scanning our paper.

"Hindi naman po pang araw na init eh." Bulong lang dapat pero mukhang narinig niya.

"You were saying something?" I shook my head.

"Were you indirectly saying.....I am hot, Romano?" Nanlaki ang mata kung napatingin sa kanya. Oh my!

"Now, that's what you call blushing." Agad kung nilagay ang mga palad ko sa dalawang pisngi.

"Ahhh..." Natigilan ako seeing her giggling softly.

"Now that's cute." Nanlaki ang mata ko when I heard that.

"You can go....don't get too close with Evaniel." Wala sa sariling napatango ako bago lumabas sa office niya.

Napasandal ako sa pader sa labas ng pinto habang nakahawak sa dibdib ko. Was that true? Hindi naman siguro ako gino good time ng mata at pandinig ko diba? Bakit parang bigla siyang bumait sa akin? Masyado siyang pa fall eh.

Hidden Conviction (2)Where stories live. Discover now