Chapter 24

3.6K 156 31
                                    

It's already monday. Medyo magaling na sugat ko sa kamay. Pero sa puso, awts. Mamatay nalang siguro ako nandito pa rin. Pero char, walang mamamatay na hindi ako nagkakajowang totoo.

"You look awful." Napaikot ako sa mata ko.

"Baka attractive kamo." Siya naman ang umirap at sinabayan ako habang may saklay. Independent people are gorgeous and I'm one of those. Char.

"Kailan ka pa may sapatos?"

"After the game." Maikling saad ko.

"I have chika later. Hintay kita sa cafeteria." I nodded my head at dumiretso sa room ko.

Aga-aga may chika na agad ang Kampana. Chill pa siya pero next week iiyak na naman kasi Midterm na. Nako nako.

"Oy! Anong nangyari sayo?" I just smiled at them bago naupo sa upuan ko.

"Just sprained it. Anyways, I can't come to our section's activity po mga Kuya." They all nodded and said it was fine.

Tomorrow na kasi yon eh. Tapos napadalhan ako ng love letter for the first time in my life kaya hindi ako sasama. Yung mokong ay talagang gusto akong makita ulit. Tsk. tsk. May pa kaso siya ih.

"Good morning, class." Mas good pa sa morning marinig ang boses mo my loves.

"Are you guys all ready for tomorrow?" Tanong nito habang inaayos ang gamit niya sa mesa.

We all said yes. Ready naman na talaga kami eh. Naka ready na nga sana ako ng gamit ko pero basag trip yung mokong eh.

"That's good." Maikling saad nito at nag start na siyang magturo.

Sa sobrang sexy niya ngayon walang pumapasok sa utak kundi ang kagandahan niya. Sana all, fresh and blooming. Hay. Hindi niya ako pinapansin. Edi wag. Akala mo naman. Char.

"Hoy! Next subject na nakatanga ka pa rin." Napalingon ako seeing all of them are loking at me.

"Masyadong na starstruck kay Professor Hidalgo." I just shook my head bago tumingin sa labas ng bintana.




Tahimik akong sumusubo ng pagkain ko. Yung kaharap ko naman ay weird na nakatingin sa akin kaya tinaasan ko ng kilay.

"Anong meron sayo?" I shook my head and continued to eat.

"Anong chika mo?" I drink my water at nagpunas ng labi at tiningnan siya.

"May bagong Professor. Ang gwapo babe." Kinikilig na saad nito kaya nailing ako.

"Really? Sana hindi ko maging Prof." Bitir ako ih.

"Ay hindi. Sa second year siya nagtuturo." Nice.

"Ayon lang chika mo?" Akala ko kung ano na.

"Ay oo nga pala. Hiwalay na daw Kuya mo at si Professor Hidalgo." I just nodded. May sila ba talaga? O trip lang akong suntokin at sampalin ng Kuya ko.

"Okay." Napanganga naman ito.

"Okay? Okay lang?!" Ano ba dapat?

"Yeah?" She pointed her fork at me.

"Time to shine mo na." I just chuckled bago inilibot ang paningin ko sa cafeteria.

"The time has come long ago....but the shine...it fades away." Saad ko at tumayo.

"Una na ako. Kita ko nakatingin bebe mo." Natatawang saad ko at kinuha ang saklay ko at iniwan siyang nakanganga.

Uuwi nalang ako. Wala na ako halos subjects eh kaya minsan nalang ako makita dito sa University. Mag drop nalang kaya ako?

Hidden Conviction (2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora