chapter 11

4K 235 18
                                    

"Hoy Elijah! Duon tayo sa confession booth!" Inis na sigaw ni Avery habang tinuturo ang direksyon nang confession booth.

"Dali-an mo, para kang pagong!" Naiinis niyang bulaslas na ikinairap ko

Andito kami ngayon sa harap nang booth namin at naghihintay na basahin nang booth facilitator ang mga ipanadalang confession letter.

"Ang boring naman, wala manlang nag-confess sakin" rinig kong mahinang ungot ni Caeus

"Okay lang yan, bawi next life!" Bulyaw naman ni Avery sa kanya bago umakbay sa kaniya.

"Anong next life, gago ayoko na!" Mataray na asik ni Caeus bago tapikin ang kamay ni Avery na naka-akbay sa kanya.

Humalagpak naman kami sa tawa at nagpatuloy sa pagbabanggayan samantalang kaming tatlo ni Kai at Bailey ay nanonood lang sa kanilang dalawa.

"To, Elijah River Albrecht...I’ve realized something – I can’t fully explain how much you mean to me; I don’t know where to start. Maybe it’s the fact that you are just a strangers i fall inlove with you even though we're not talking. Admiring you from a far! From-A" rinig naming pagbasa nang booth facilitator na siyang nagpatigil sa pagbabangayan nang dalawa at nagpatahimik saming lahat.

"Campus crush ang lola nyo!"

"Baklang to"

"La-laki na naman ulo n'yan"

"Naks ah, 'di naman crush ng crush niya!"

Rinig ko pang komento nang mga kaibigan ko na siyang dahilan para ngumiwi ako.

Minutes had past, marami nakong naririnig na confession letter para sakin, may mga nag confess na rin sa mga kaibigan ko na dahilan para hindi sila umiyak.

Kidding.

"Inamo Elijah, kalahati ata nang mga confession letter diyan ay para sayo lahat e!" Rinig kong pagmamaktol ni Caeus at inirapan ako.

"Syempre maganda ako...matangkad pa" nakangising pang-aasar ko sa kanya na siyang ikinakunot ng noo niya.

"Tarantado ka foul na 'yan ah!" Bulyaw niya sakin pabalik at binatukan ako.

"Foul my ass" pigil tawang sambit ko dahil sa mukha ni Caeus na parang pinagsakluban ng langit at lupa.

Gulat na binalingan ko si Avery nang kalabitin niya ko at bahagya pang hinapit ang ulo ko palapit sa bibig niya.

"Gaga ka Elijah, si crushie mo oh!" Madiing bulong sakin ni Avery, dahilan para ngumiwi ako.

"Gaga ayun, sa kanan mo!" Ngutngot pa sakin ni Avery sabay batok sakin na syang ikina-daing ko. Sinama-an ko siya ng tingin at pinitik ang kanyang noo.

Binalingan ko ng tingin ang direksyong tinuturo sakin ni Avery, duon ko nakita si Prof. Anthea na nakatayo,  habang ang atensyon ay na sa kanyang cellphone at kung may anong itinitipa.

Ilang minuto ko pa siyang tinititigan, at ni-isang sulyap hindi nyako tinapunan. My mouth form in “o” when i saw her, she's so  exquisite, she's wearing a fitted black jeans and a white polo na may laso sa kanang bahagi at pinatungan ng black cardigan.

Ang ganda niya.

Naramdaman niya sigurong may nakatingin sa kanya, sandali pa niyang inilibot ang paningin hanggang sa mapadako ang tingin niya sakin, sinalubong ko ang mga titig niya at tumangong nakangiti sa kanya, tumango siya sakin pabalik at pinutol ang pag-tititigan namin, na syang lalong nagpangiti sakin.

"Baliw na baliw lang beh" rinig ko pang komento ni Avery, na siyang nagpangisi sakin.

"Pake mo" i rolled my eyes on her.

Give Me Your Forever Where stories live. Discover now