Kabanata III: Questions

619 26 0
                                    

HINDI maalis sa isip ni Meteor ang mga sinabi ni Mony sa kaniya na kahit ano'ng isip ang gawin niya, hindi niya magawang maunawaan. Bakit kailangang hindi niya malaman ang nakaraan samantalang malaking parte iyon ng pagkatao niya? Na hanggang ngayon, bibalik-balikan niya dahil sa patuloy na tanong sa isip niya.

Umuwing lutang ang isip niya habang inaayos ang mga pinamili niyang ilang gamit at mga pagkaing na kailangan niya sa loob ng ilang araw para hindi na siya pabalik-balik sa bayan dahil medyo malayo rin iyon.

Matapos niyang mag-ayos ng mga pinamili niya, agad siyang nagluto ng adobong manok dahil pakiramdam niya ay nanghihina na siya sa gutom dahil hindi pa siya kumakain nang araw na iyon. Pagkatapos niyang magluto, agad siyang kumain mag-isa at hindi niya maiwasang hindi isipin ang kaniyang ina na si Bei na nag-iisa ngayon sa Manila. Nalulungkot siya na malayo ito pero alam niyang kailangan niyang gawin ang bagay na ito para sa ikapapanatag ng isip niya. Ilang beses na rin siyang kinontak ng kaniyang ina pero hindi niya muna iyon sinasagot dahil alam na niya ang mga sasabihin nito.

Habang nagliligpit ng kinainan si Meteor, hindi niya inaasahan ang darating. Dahil iniwan niyang nakabukas ang pinto, mula sa kusina kita niya ang babaeng sumilip doon. Agad siyang huminto sa ginagawa at lumabas sa kusina.

"Elma, ikaw ba 'yan?" tanong niya habang bakas ang matamis na ngiti sa mga labi niya.

"Meteor, ikaw nga!" Hindi na napigilan ni Elma ang tumili dahil sa tuwa na makita siya roon, makalipas ang isang taon. Nagyakap silang dalawa na puno ng pananabik sa isa't isa. "Tama nga si Mama, nandito ka nga," anito nang maghiwalay sa kaniya. Si Elma ang matalik na kaibigan at kababata niya sa Pulan at anak ito ni Mony na kaibigan naman ng kaniyang Ina.

Tumango siya. "Hindi ko alam kung ano'ng sasalubong sa akin sa Pulan, Elma pero kailangan kong bumalik dito."

Sumeryoso ang mukha ni Elma habang hawak ang palad niya. Alam nito ang nangyari sa kaniyang Ama isang taon na ang nakararaan at alam rin nito kung gaano niya kagustong malaman ang misteryong nangyari.

"Dahil ba sa pagkamatay ni Tito Roger kaya bumalik ka? Akala ko sa pag-alis mo ng Pulan, kalilimutan mo na rin ang nangyari," malungkot na sabi ni Elma.

Bumitaw siya sa kaibigan at umupo sa sofa na nasa sala. Gumuhit ang lungkot sa mga mata niya. "Sinubukan ko, Elma, sinubukan kong kalimutan ang nangyari pero hindi ako makatulog dahil sa maraming bagay na gumugulo sa isip ko. Maraming tanong na gusto kong malaman ang mga sagot na alam kong malalaman ko lang kung babalik ako sa Pulan," paliwanag niya.

Bumuntong-hininga si Elma nang umupo ito sa tabi ni Meteor. Bakas ang simpatiya sa mga mata nito. "I know you, Meteor, bata pa lang tayo kilala na kita at alam kong hindi na kita mapipigilan sa gusto mong gawin at bilang kaibigan mo, kung kailangan mo ng tulong, nandito lang ako," matamis nq ngumiti si Elma at lumabas ang Dimple nito. Tumango pa ito.

Ngumiti siya sa kaibigan. Dahil isang taon din silang hindi nagkita, halos hindi sila naubusan ng kwentuhan at kalokuhang mga bagay na na-experience nila. Masaya siya na muling makasama ito at na-miss niya ang mga tawa at kakulitan ni Elma na hanggang ngayon at taglay pa rin nito.

Matapos nilang magkwentuhan sa bahay, inaya siya nitong mamasyal sa mga dati nilang pinupuntahang lugar sa Barangay Pulan na sobrang na-miss niya.

"Wow! It is still the same, Elma. Nakaka-miss ang tunog nang lagaslas ng tubig at ang malamig na hangin sa batis," masayang puri niya habang nasa tabing ilog kung saan kita niya ang malawak na lugar na may malalaking bato at umaagos na ilog. Parang musika sa pandinig niya ang agos ng tubig.

"Na-miss ka rin ng batis, Meteor dahil hindi na raw nila naamoy ang libag mo kapag naliligo ka rito," natatawang ani Elma.

"Pero teka, hindi ba noon maraming puno sa gawing iyon," nagtatakang puna niya nang makita ang bahagi sa kabilang ilog na tila naubos na ang mga punong nakatayo roon.

May lungkot na gumuhit sa mga mata ni Elma. "Sad to say, maraming politics official sa Pulan ang umaabuso sa kapangyirihan to the point na sinisira na nila ang kabundukan."

"Huh? Ibig sabihin, mga politiko ang may kagagawan ng pagkawala ng mga puno roon?" gulat na usisa niya.

Tumango si Elma. "Pero sa ngayon, tumigil ang operasyon nila sa kabilang ilog dahil sa misteryosong pagkawala ng mga taong nagtatrabaho doon at ang ilan sa kanila'y natagpuang patay 'di kalayuan sa lugar na iyon pero wala silang makuhang lead kung sino'ng may kagagawan niyon," pagkwekwento nito.

Lalong kumunot ang noo niya sa mga narinig. Naalala niya ang sinabi ng tricycle driver na sinakyan niya tungkol sa mga namamatay sa Barangay Pulan. "So, tama ang bali-balita sa bayan tungkol sa Pulan?"

"Maraming nagsasabing baka mga rebelde lang ang pumatay pero ang iba ay sinasabing kakaibang nilalang ang may gawa niyon. Mga taong kayang magpalit ng anyo na nakatira sa kagubatan," patuloy nito.

Hindi siya nakaimik. Pilit niyang pinoproseso ang mga narinig dahil sa sinabi ni Elma na mga nilalang na kayang magpalit ng anyo. Naalala niya ang nilalang sa panaginip niya no'ng nasa Maynila pa siya. Mga nilalang na nasa kagubatan ng Pulan na nagtataglay ng apat na mga paa na nakakatakot.

"Ok ka lang ba, Meteor, namumutla ka? Gusto mo, umuwi na tayo?" pukaw ni Elma nang mapansing natulala siya at namutla ang mga labi.

Kumurap si Meteor at pilit na ngumiti. "I'm ok, Elma. Maigi pa nga, umuwi na muna tayo," pagsang-ayon niya dahil sa hindi niya malamang dahilan, kinabahan siya.

Nagpasiya na ring umuwi si Elma at dahil magkaiba sila ng daan pauwi, mag-isa siyang naglakad. Palubog na ang araw at nagsisimula nang kumalat ang dilim sa paligid. Mula sa kalsada, may ilang dipa ang layo ng ilang mga bahay doon at may mga puno sa paligid na sumasayaw dahil sa hangin. Kinakabahan pa rin siya dahil hindi mawala sa isip niya ang mga nalaman.

Habang tahimik na naglalakad si Meteor, mabilis siyang napalingon sa gawing kanan niya nang nakarinig siya ng kaluskos mula roon ngunit wala siyang nakita kung 'di ang paggalaw ng mga damo. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad.

"Miss."

Huminto so Meteor nang marinig ang boses na iyon kasunod ang paghinto ng isang motor sa tapat niya. Nakita niya ang pamilyar na lalaki na nakasuot ng helmet. Agad siyang umatras dahil sa takot na baka may balak itong masama sa kaniya. Hindi siya pwedeng magtiwala sa kung sino lang dahil baka ikapahamak niya iyon.

Tinanggal ng lalaki ang helmet at tumambad sa kaniya ang pamilyar na lalaki. Kumunot pa ang noo niya para isipin kung saan niya ito nakita at nang maaalal niya, bahagya siyang nagulat.

"Luke?"

Ngumiti ang gwapong lalaki. Inayos pa nito ang buhok na bahagyang nagulo. "Wow! You still know my name, I'm glad. Akala ko kasi ay hindi mo matatandaan ang pangalan ko," anito na mukhang masaya na naalala niya ang pangalan nito.

"You're the first person na nagpakilala sa akin dito sa Pulan kaya natandaan ko talaga ang pangalan mo," nakangiting balik niya na hindi niya alam kung bakit nawala ang takot niya.

"Pauwi ka na?" Tumango siya. "Kung ok lang sa 'yo, isasabay na kita since hindi naman magkalayo ang bahay natin," alok nito.

Hindi agad siya umimik dahil hindi niya iyon inaasahan. Base rin naman sa mukha ng binata na hindi ito gagawa ng masama dahil sa kabila ng kulay asul niyang mga mata, nababanaag niya ang maamo nitong mukha na tila pumapawi sa kaba niya.

"Sigurado ka ba?" paninigurado niya.

Tumango ito at mahinang tumawa. "Of course, Miss I'm happy to help."

"Meteor na lang, masyado kang pormal, eh," natatawang sambit niya.

"Ok, Meteor, so ano, tara na?"

Saglit pa siyang nag-isip bago tumango para pumayag sa alok nito. Hindi niya alam kung bakit sa kabila na hindi pa naman niya kilala si Luke, nagawa agad niyang ipagkatiwala ang sarili niya rito. Umangkas siya sa motor nito at umandar iyon na hindi siya nag-isip na baka gumawa ng masama sa kaniya ang binata.

Alpha's Embrace [Completed] [Soon To Be Published under PIP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon