Kabanata XV: Missing

229 6 0
                                    

PAKIRAMDAM ni Meteor, hindi na siya ligtas sa Pulan dahil sa ginawa niyang mag-questionbsa Mayor nang nagdaang araw. Maraming sinabi si Luke sa kaniya na kayang gawin ng Mayor at natatakot siya para sa kaniyang sarili dahil kung mapahamak siya, paano niya malalaman ang nangyari sa kaniyang ama? Ngayon lang niyang napagtanto ang padalos-dalos niyang desisyon sa buhay.

Katakot-takot na sermon na rin ang natanggap niya kay Mony at sa kaibigang si Elma. Maging ang mga ito'y natatakot sa kalagayan niya dahil sa ginawa niya noong araw na iyon na sa tingin naman niya ay walang mali.

"Carlo," tawag niya sa kaniyang nobyo nang magising siya mula sa pagkakatulog, pupungas-pungas pa siya dahil sa antok pa siya. Kumunot ang noo niya nang hindi niya ito makita sa sala nang lumabas siya sa sariling silid, wala rin ito sa kusina. "Nasaan kaya ang lalaking iyon?" mahinang bulong niya habang kumakamot sa ulo. Kumibit-balikat na lang siya dahil baka nasa bayan lang ito o kaya naman ay bumili sa tindahan.

Tumungo na lang siya sa kusina para maghilamos at mag-brush ng ngipin. Matapos niya roon, nagsimula na siyang maghanda ng almusal para sa kanilang dalawa dahil wala man lang niluto si Carlo kahit maagap itong nagising. Napailing na lang siya.

Ilang sandali pa'y natapos na rin siyang maghanda ng almusal pero hindi pa rin bumabalik si Carlo kaya medyo nagtaka na siya. "Ang tagal naman niyon," pabulong na reklamo niya. Pumunta siya sa pinto para silipin doon pero wala siyang nakita.

Hindi kaya umuwi na siya sa Manila? bulong ng isip niya. Bumalik siya sa silid nilang dalawa pero nandoon pa rin lahat ng gamit nito. Nakita niya ang cellphone niya sa side table. Kinuha niya iyon at denial ang numero ng nobyo. Nag-ring naman ito pero nagtaka siya ng marinig niya ang ring tone niyo sa sala ng bahay. Lumakas siya ng silid at nakita niya sa bangko ang cellphone ng nobyo. Mas kinabahan na siya.

Nasaan na si Carlo? Hindi iyon umaalis na hindi dala ang cellphone at kung may pupuntahan man siguro ito at hindi agad makakauwi, nagpaalam sana ito sa kaniya pero hindi. Nagsimula na siyang mag-alala para sa binata. Kahit alam niyang hindi na siya masaya sa relasyon nilang dalawa, hindi pa rin maalis sa kaniya na mag-aalala rito dahil naging mabait naman ito sa kaniya at sa kaniyang ina.

Matapos niyang patayin ang tawag, mabilis siyang lumabas ng bahay para pumunta sa bahay ni Elma at tanungin ito tungkol sa nobyo niya.

"E-Elma, Tita Mony," nag-aalalang bungad niya sa mga ito nang marating niya ang tinitirihan ng mga ito.

Tumayo si Elma at lumapit sa kaniya. "Oh, bakit? May nangyari ba?" usisa nito na bakas ang pagkabahala sa mukha.

Bakas ang kaba sa mukha niya ng tingnan niya ang mag-ina. "S-si Carlo, kasi...kasi wala siya sa bahay paggising ko. Hindi rin niya dala ang cellphone at gamit niya kaya alam kong hindi siya umalis. Kaninang umaga pa siyang hindi umuuwi at kung pumunta man siya ng bayan, nakabalik na sana siya. N-nag-aalala ako para sa kaniya, Elma, Tita Mony," pagtatapat niya sa mga ito.

Bumaka ang gulat sa kanila. "Huh? Sigurado ka bang hindi bumalik ng Manila ang nobyo mo?" tanong ni Elma.

Tumango siya. "Iniwan niya lahat ng gamit niya kaya alam kong hindi siya umalis," paliwanag niya.

"Wala ba siyang sinabi sa iyo bago siya nawala?" ani naman ni Tita Mony.

Saglit siyang nag-isip kung may nasabi ito sa kaniya pero wala siyang maalala kaya umiling siya. "W-wala po akong maalala," nababahalang sagot niya. Nagkatinginan ang mag-ina na tila ba may nagkaintindihan sila sa nangyari. "P-please, tulungan ninyo akong hanapin siya. Please!" pagmamakaawa niya dahil hindi niya alam ang gagawin kapag may nangyaring masama kay Carlo.

Matapos niyang kausapin ang mag-ina, bumalik siya ng bahay, umaasang nandoon na ang binata pero nadismaya at mas kinakabahan lang siya nang madatnang walang tao roon. Nasapo niya ang noo. Nararamdaman niya ang labis na takot sa dibdib niya dahil hindi na niya alam kung sakaling may mangyari na naman sa mga taong parte ng buhay niya.

Alpha's Embrace [Completed] [Soon To Be Published under PIP]Where stories live. Discover now