Kabanata VI: Paul

390 15 0
                                    

TAHIMIK na naglalakad si Meteor pauwi sa kaniyang inuupuhang bahay. Kagagaling lang niya kila Elma at katulad nga ng inaasahan niya, pipigilan din siya ni Mony sa binabalak niyang pagpunta sana sa munisipyo para magsumbong. Gusto rin nitong itigil na niya ang ginagawa niyang pagtuklas sa katotohanan tungkol sa nangyari sa kaniyang ama dahil 'di umano sa kapahamakang pwedeng mangyari sa kaniya. Malakas ang kutob niya na may nalalaman ito pero ayaw lang nitong magsalita.

Ngumiti siya sa mga taong nakakasalubong niya, marahil nakikilala pa siya ng mga ito dahil bakas ang pagkamangha sa kanilang mga mata nang makita siya. Hindi naman kasi ganoon katagal ang pagkawala niya sa Pulan.

"Miss tabi!"

Nagulat siya nang marinig ang sigaw na iyon sa gawing likod niya. Napahinto ang mga taong dumadaan sa kalsada na nakatingin sa kaniya. Lumingon siya. Nanlaki ang mga mata niya at hindi makagalaw nang makita ang tricycle na pagewang-gewang at palapit sa kaniya. Nasitabihan na ang ilang nasa kalsada habang nanatili siyang nakatayo.

"Miss, tabi!"

Naramdaman na lang ni Meteor ang pagkayakap sa kaniya ng kung sino man. Pakiramdam niya, bahagya lang siyang gumalaw pero nang makita niya ang kinaroroonan, malayo na siya sa sasakyan. Nagtaka siya habang puno ng kaba ang dibdib. Akala kasi niya'y iyon na ang katapusan niya. Napalunok siya. Nararamdaman niya ang panghihina ng kaniyang mga tuhod at ang panginginig ng katawan niya.

Nang makabawi siya sa pagkagulat, naramdaman niyang may nakahawak sa kaniya na parang may mabigat na presensiya. Mabilis siyang dumistansiya at binalingan ang nagligtas sa kaniya.

"S-sino ka?" agad na tanong niya nang makita ang binata. Kung pagmamasdang mabuti, mapagkakamalan itong turista pero sa pagkakaalam niya, wala nang turista sa Barangay nila. Gwapo ang binata, may matatangos itong ilong, kulay brown na mga mata at parang tila may lahi itong Mexican.

Ngumiti ang binata. "What's with that stare, Miss? Hindi ba pwedeng pasalamatan mo na lang ako sa pagligtas ko sa 'yo?" tila dismayadong anito.

Bigla naman siyang nakaramdam ng pagkahiya nang ma-realize ang ginawa ng binata sa kaniya. Bahagya siyang yumuko. "T-thank you," mahinang saad niya. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. Hindi niya mawari kung bakit parang may kakaibang siyang nararamdaman sa lalaking nasa harap niya.

Ngumiti ito. "By the way, you look familiar, nagkita na ba tayo?" Kumunot ang noo nito na parang nag-iisip.

Bahagya siyang kumiling. Pamilyar ba sa kaniya ang binata? Kahit ano'ng isip niya hindi niya maalalang nakita na niya ito. Umiling siya. "Sa pagkakaalam ko hindi pa. Ngayon nga lang kita nakita."

Mahinang napatawa ang binata. "Ok. Sabi mo, eh." Saglit itong yumuko. "Para matandaan mong niligtas kita, ako nga pala si Paul," pagpapakilala nito.

"Paul?" ulit niya. Narinig na ba niya ang pangalang iyon? "Salamat ulit sa pagtulong sa akin." Hindi siya comfortable na ipakilala rito ang pangalan niya. "Sige, aalis na ako marami pa akong dapat gawin," aniya. Tumalikod na siya at nang akmang hahakbang na napahinto siya.

"Wait! Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"

Hindi agad siya sumagot. Dahan-dahan siyang pumihit paharap dito. "Kailangan pa ba 'yon?"

Ngumiti ito. "I just want to your name, wala naman sigurong masama roon, right? Magka-barangay naman tayo, 'di ba?"

Pinagmamasdan niya ito at bakas ang sensiridad sa mukha nito. Bumuntong-hininga siya dahil may point ang binata. Bakit nga ba hindi niya sabihin, wala namang mawawala.

"I'm Meteor," pakli niya. "So, pwede na akong umalis?"

Natawa ito, saka tumango. "Nice meeting you, Meteor," magiliw pa nitong sabi bago siya tumalikod at naglakad palayo sa binata. Napailing na lang siya.

HABANG kumakain ng apple, humarap si Meteor sa Laptop niya para hanapin kung sino ang nanunungkulan sa buong bayan. Kailangan niyang malaman kung sino ang mga nasa taas na hinahayaang sirain ang Pulan. Pagabi na kaya naman naririnig na niya ang mga kuligkig at iba pang mga huni ng ibon sa paligid na nagsisilbing musika niya.

Nakaupo siya sa sala habang nakapaton sa lamesa ang kaniyang Laptop. Mabilis siyang nagtipa roon at dahil sa wi-fi na dala niya, mabilis na nag-load ang internet at lumabas ang mga pangalan at litrato sa screen.

Bahagya pa siyang napalapit sa mga larawang nasa harap niya. "Rogue Robert, Mayor." mahinang basa niya sa pangalang iyon. Pinindot niya ang larawan nito kaya naman lumabas ang ilang information na nasa profile nito. Pamilyar sa kaniya ang mukha nito. Mabuhok ang panga nito, may matatapang na mga mata, bahagyang malaking ilong at balbasin din ito.

In-scroll niya ang mga larawan nito at higit na nakaagaw ng atensyon niya ang isang family picture ng mayor. Pinindot niya iyon kaya naman mas lumaki ang larawan. Z-noom pa niya ito. Napakunot ang noo niya nang makilala ang nag-iisang anak ng mayor kasama ang asawa nito.

"Paul?" halos pabulong na banggit niya sa pangalan ng anak ni Rogue. Aksidente lang ba na nasa Barangay Pulan ang anak ng mayor at aksidente lang ba na iniligtas siya nito?

Natulala siya sa litratong nasa harap niya. May kinalaman ba si Mayor Rogue sa nangyayari sa Pulan? Pero malakas ang kutob niyang may kinalaman ito dahil hindi mangyayari ang pagsira sa kalikasan kung may ginagawa ito. Ano'ng klaseng panunungkulan ang ginagawa nito? Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng galit dahil ang kaniyang ama mismo ay pinaglaban iyon at gusto niyang gawin ang ginawa nito.

Habang nakatingin siya sa kaniyang laptop, napapitlag siya nang makarinig ng kaluskos sa labas ng bahay niya. Agad siyang bumaling sa bukas na bintana, saka lang niya namalayang gabi na pala. Napakunot ang noo niya. Naramdaman niya ang pagtaas ng kaniyang mga balahibo. Parang may nakatingin sa kaniya at nagmamasid.

Dahan-dahan siyang tumayo sa pagkakaupo. Sinarado muna niya ang Laptop, saka dahan-dahan naglakad palapit sa bukas na binata. Bumilis ang kabog ng dibdib niya dahil sa kaba.

Nang marating niya ang binata, tumambad sa kaniya ang madilim na paligid, tanging ilaw lamang sa labas at mula sa mga kapitbahay ang tanglaw sa paligid. Wala na ring nakikitang mga taong gumagala roon kahit maaga pa naman. Humawak siya sa hamba ng binta habang nagmamasid sa paligid. Mas binalot siya ng kaba nang umihip ang malamig na hangin.

Mabilis na gumalaw ang mga mata ni Meteor nang biglang may ingay na nanggaling sa gawing gilid ng bahay niya. Parang may tao roon. Halos pigil ang hininga niya.

Kahit kinakabahan, nagpasiya siyang lumabas ng bahay para tingnan kung ano ang ingay na iyon na parang mga ungal ng asong nag-aaway. Dahan-dahan ang naging paghakbang niya patungo sa pinagmumulan ng ingay na iyon. Habang papalapit siya, mas lalong bumibilis ang kabog ng dibdib niya. Pigil hininga siya dahil sa kung ano mang makikita niya roon.

Mas lumakas ang mga ungal na iyon at ang tila angilan sa isa't isa. Hindi iyon normal na mga tunog. Nang bahagya siyang pumihit, halos manigas siya sa nasasaksihan. Hindi siya makagalaw. Parang luluwa ang mga mata niya at lalabas sa kaniyang dibdib ang kaniyang puso sa labis na pagkagulat.

Nang makabawi siya sa pagkagulat, napalunok siya at sunod-sunod na kumurap pero nasa harap pa rin niya ang dalawang wolf na hindi normal ang laki. Para silang mga asong ulol na nag-aaway pero hindi sila normal. 'Di hamak na mas malaki sila at maihahalintulad sa mga wolves.

Gusto man niyang tumakbo o sumigaw, hindi niya magawa, ni hindi niya maigalaw ang kaniyang mga katawan. Nakita niya ang paggulong ng dalawang wolf, na tila handang lamunin ang bawat isa. Nagpabuno ang dalawa. Hindi iyon normal na pag-aaway ng mga aso, mas malalakas sila. Nagkakagatan ang mga ito pero makikita ang kakayahan nila sa pakikipaglaban.

Naramdaman niya ang panghihina ng katawan niya. Parang bibigay na siya. Ito na ba ang katapusan niya?

Nang bumagsak ang isang wolf, tinalunan ito ng isa pa at mas lumapit sa kaniya ang dalawa hanggang sa bumagsak sa kaniya ang tingin ng isang lobo. Parang gusto siya nitong lapain at hindi ito magdadalawang-isip. Nagawa nitong itaboy ang lobong umaatake rito.

Nanatili ang mga mata ng kulay brown na lobo habang humahakbang palapit sa kaniya. Napaatras siya pero hindi niya magawang tumakbo. Inilabas pa nito ang mga pangil. Nang akmang aatake na ang nasa harap niya, sumigaw siya ng malakas.

"Meteor!"

Narinig niya ang pamiyar na boses na iyon bago siya nawalan ng ulirat.

Alpha's Embrace [Completed] [Soon To Be Published under PIP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon